Hera Isabella Claveria “Don’t forget to text me, Yaya para sa update, please.” Malambing na sabi ko sa yaya ng twins na nakatunghay sa akin sa gilid ng kama. “Opo, Ma’am Hera.” Ingat kayo pagpasok. Ngumiti ako kay Yaya ko at matapos ay hinalikan ko sina Divina at Alexandra sa mga pisngi nila bago dahan dahan umalis ng kama. Hindi naman nagising ang kambal ko kahit na nalundo ang kama. Nasa kahimbingan pa sila ng tulog ng ganitong oras. “Sige, Yaya. Mauuna na ako.” Tumalikod na ako para makalabas ng pinto. Ganito ang routine ko everytime na papasok sa school. Tulog pa ang kambal kapag umaalis ako papunta ng school. Alas sais pa lang ng umaga. Alas siete pa ang pasok ko at may allowance pa ako para kumain sa canteen bago pumasok sa classroom ko. “Manang, did you see lolo?” Tanong ko n

