Hera Isabella Claveria Natigilan ang lahat ng tao dahil sa ingay na nagawa ni Zeus. Bigla naman tumikhim si Lolo habang naka-mic na narinig ng lahat. “Excuse me,” Agaw atensyon ni Lolo. Binaling ko ang atensyon ni kay Lolo na nakatingin sa akin. Sumensya ang ulo niya na lumapit na sa kanya. Si Joaquin rin ay iginiya ang katawan ko para maglakad na. Parang ang bagal bagal ng bawat segundo. Hindi ko na mapakalma pa ang dibdib ko. Pero satisfy ako sa nakita kong gulat sa mukha ni Zeus. Gusto ko siyang titigan pa para makita kung paano siya mapapahiya dahil sa nalaman niya ngayon na isa akong heredera. Pero mamaya na lang at mamanmanan ko siya. “T-thank you, Lolo…” sambit ko nang tuluyang makalapit kay Lolo. Naramdaman ko na rin ang pagkawala ni Joaquin sa pagkakahapit sa beywang ko.

