Anna Hindi ko alam ilang segundo akong natigilan habang nakasubsob ang mukha kay Axel. Mabuti na lang talaga at lasing ito. Sa lakas ng kaba ng dibdib ko ay kung simpleng natutulog lang ang lalaki ay siguradong magigising sa kalampag ng dibdib ko. “Uhhmm… Anna…” muling ungol ni Axel. “Diyos ko!” hiyaw ko sa isip. Mas lalong nagwawala ang puso ko dahil sa mga sinasabi ni Axel. Nang tiningala ko ito ay nakita kong tila tulog na talaga ito. Pinilit kong kumalma kahit struggle ‘yon sa akin. Parang maraming minuto ang kakailanganin ko para lang maging payapa muli ang pintig ng puso ko. Parang kailangan ko munang lumayo kay Axel. Pero pinilit kong kumilos. Umahon ako sa ibabaw ni Axel at nakita kong tulog na talaga ito. Parang doon lang ako nakahinga nang maayos sa isipin na ‘yon. Humawa

