Anna Madrigal “Axel!” Bigla akong napasigaw. Pinilit kong tumayo at mabuti na lang ay binitawan ni Axel ang kamay ko. Pakiramdam ko ay buong katawan ko ang nanginig dahil sa biglang pagpatong ng katawan ko sa lalaki. “Are you staring at me while I’m sleeping?” Tanong ni Axel na tuluyan nang bumangon. Halatang inaantok pa ito. Siguro ay kanina ay nagising lang ang diwa nito at kahit dahan dahan ang hakbang ko ay na-sense pa rin nito ang paglapit ko. “G-gigisingin sana kita at palilipatin sa kama!” Napalakas na sabi ko. Pati sa pagsasalita ko ay halatang sobrang na-tense ako at alam kong halata ‘yon ni Axel. Napatitig sa akin ang lalaki. Ako naman ay ramdam ko pa rin ang hindi pakikisama ng katawan ko. Simpleng patong pa lang ng katawan namin sa isa’t isa ay nawala na sa normal na ri

