Anna Madrigal “Good morning, Mama!” masayang bati sa akin ni Aiden nang pumasok ako sa kwarto nito. “How’s your sleep, anak? Bakit parang di ka nakatulog?” Tanong ko matapos kong halikan sa pisngi ang batang kagigising lang din. Araw ngayon ng linggo at expect ko na tulog pa si Aiden lalo na pagod ito kahapon. Pero pagkapasok ko dito sa kwarto ay nakita kong bumabangon ito. “Okay po, Mommy. Naiihi po kasi ako. Tulog pa po ba si Papa? ” Naramdaman ko ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa tanong ng anak ko. “A-ahh, oo… Tulog pa. Sige na ang umihi ka na. Bumalik ka din sa pagtulog at puyat ka pa.” Tuluyan naman na bumangon si Aiden. Papungas pungas pa ito kaya alam kong hindi naman nito nakita kung paano ako biglang di mapakali sa simpleng tanong nito. “My gosh!” Bigla akong napahawa

