Anna Madrigal “Anna, delikado talaga ang buhay mo kapag um-oo ka… ‘Wag mong hayaan na ikaw ang isabak ni Tita Marie do’n. sa gurang na afam na ‘yon. Mga sindikato ‘yon. Baka mamaya ay kapag natapos kang gamitin ay i-drugs ka pa ng mga ‘yon eh! Kahit ako nga ay takot, eh. Buti na lang at hindi na ako v*rgin. V*rgin daw kasi ang gusto ng hinayupak. Ang tanda na manyakol pa!” Warning sa akin ni Mikay na katrabaho ko dito sa club. Nilapitan ko kasi ito at sinabi na nakapag-decide na ako na papayag na ako kay Tita Marie sa alok na 300k para sa isang gabi do’n sa foreigner na sinasabi nito. “Pero wala na kasi akong choice, Mikay.” Naramdaman ko na ang pamamasa ng mata ko. Nagbabadya na naman ang pagluha ko pero napigil ko ‘yon. Tinapik naman ako ni Mikay sa balikat. At matapos ay nagbuntong

