Hera Isabella Diamante “Ay, Ma’am, magandang araw po!” Biglang akong nagulat sa nadatnan sa kusina. Natigilan tuloy ako sa tangkang pagpasok doon nang may nakitang isang babae na saktong kahaharap lang mula sa sink kaya nakita tuloy ako nito. Mabait naman ang itsura nito kaya hindi ako natakot. Parang feeling ko ay ka-edad lang din ito ng Nanay ko. “Ay, asawa po pala ako ng isa sa trabahador ni Boss Z.” Biglang pakilala ng babae na nabasa yata ang tanong sa isip ko. “Ay, hello po?” sambit ko na ngayon ay ngumiti na at pumasok na sa loob ng kusina. “Naku, Ma’am may kailangan po ba kayo?” Tanong nito. “M-magluluto po sana ako.” Sambit ko na naman napatingin sa kalan at nakita kong may nakasalang doon. Napatingin akong muli sa babae. “Kayo po ang nagluluto?” Takang tanong ko. Tumango

