Hera Isabella Diamante Nagising na ang diwa ko pero parang ayoko pang idilat ang mga mata ko. Parang feeling ko ay umaga na pero parang hindi pa ako nakakatulog ng matagal. Sa huli ay ay marahan kong dinilat ang mata ko. Bigla tuloy akong napabalikwas ng bangon nang makita kong may konting liwanag na sa kwarto mula sa siwang ng makapal na kurtina na tumatakip sa bintana. Tiningnan ko agad ang alarm clock na nasa side table ko. “Sh*t!” mahinang mura ko nang nakita ko alas nuebe na ng umaga. Nag-alarm ako ng alas sais pero hindi ko man lang ‘yon narinig. Nakakaloka! Nagmamadali akong bumangon ng kama. Ramdam ko ang pananakit ng ulo ko. Dahil siguro sa tindi ng puyat ko ay hindi ko na nagawa pang magising ng maaga kahit na may alarm clock pa. Anong oras na ako nakatulog. Ala una na n

