Hera Isabella Diamante “Baby, we’re home…” mahinang tawag sa may punong tainga ko dahilan para magising ang diwa ko. Marahan kong minulat ang mata at akmang lilingonin si Zeus na ramdam kong nakadukwang dito sa kinauupuan ko. Ang init ng hininga niya ay tumatama pa sa balat ko. Pero hindi na ako nakakilos pa nang bigla niya akong sinibasid ng halik. Sa ginawa niya ay kusa na lang na gumalaw ang kamay ko at hinawak sa batok niya. Hinding hindi ako magsasawa sa halik ng isang Zeus Nicolai Cervantes. Pag-uwi namin ng mansion ay siguradong mababawasan na ang halikan namin at kukuha na lang kami ng tiyempo. Bakit ba ako binabaliw ng husto ni Zeus sa kanya? Lord, please, bigyan niyo naman ng reason ang boyfriend ko para mas magtagal kami dito. Parang ngayon pa lang ay hindi ko na kakay

