Hera Isabella Diamante Nagmamadali akong pumasok sa loob ng mansion bago pa ako makita ni Zeus na umiiyak. Pagkapasok ko ay dumeretso agad ako sa kwarto namin at ni-lock ang pinto. Ayokong makita ni Zeus na umiiyak ako. Mabuti na lang at rin ako nakita ng taga-luto namin. Ayoko naman na magsumbong ‘yon kay Zeus. Hindi ko alam kung ilang minuto ba ako nakasubsob sa kama. Ang dami na agad na tumatakbo sa isip ko. Ang saya saya ko kaninang makarating dito pero biglang liko ng emotions ko nang marinig ko ‘yon habang kausap ang Rebecca na ’yon. Pinilit kong kumalma. Tumigil ako sa pag-iyak kahit ramdam ko pa rin ang kirot sa dibdib. Pero baka OA lang ako. Dapat kausapin ko muna si Zeus bago ako mag-isip ng masama. Pero natatakot ako sa sasabihin niya. Hindi ako handang masaktan ng ganito.

