Hera Isabella Diamante “Uy, parang ang blooming mo, Hera. Parang hindi trabaho ang pinunta mo sa hacienda, ah? Parang nag-honeymoon lang.” Panunukso ni Ate Ellen na ikinapula ng mukha ko. “Hoy! Manahimik ka nga, Ellen!” Saway ni Nanay Choleng na bigla naman na pumasok dito sa kusina. “Marinig ka ng amo natin. Ang bata bata pa ni Hera at ang tanda ni Zir Zeus sa kanya. Trabaho ang ipinunta nila do’n… Ingat ka at baka masisante tayong lahat dito!” Natigilan ako sa narinig. Kung alam lang nila na tila sandaling honeymoon ang pinunta namin sa hacienda ni Zeus. Hindi man lang nga ako naipasyal do’n ni Zeus. Ang daming planong hindi natupad dahil nga kailangan na nga namin na umuwi. Pero pinangako naman ni Zeus na babalik kami doon kapag hindi na siya busy. Hindi pa nga raw niya ako naipapa

