Hera Isabella Diamante “Bakit nakabusangot ang mukha mo, buntis?” Napalingon ako sa biglang nagsalita na si Ate Ellen na nakapasok na pala dito sa kusina.” “H-ha?” “Sabi ko nakabusangot ang mukha mo.” Ulit ni Ate Ellen. “A-ahh, naiisip ko lang si Nanay Ate Ellen.” Pagsisinungaling ko. Though, talagang naiisip ko ang nanay ko, pero si Zeus ang dahilan kung bakit ako nakasimangot ngayon. Isang linggo na kasi matapos niyang umalis ay ni wala siyang paramdam. Ilang gabi na rin akong umiiyak dahil kahit isang text man lang ay walang pinadala sa akin. Naiintindihan ko naman na kasama niya si Rebecca at ayaw niyang makahalata ito ng tungkol sa relasyon namin. Pero sigurado na may time naman na pumuslit siya kahit sandali para lang tawagan man lang ako. Miss na miss ko na siya. Miss na m

