Hera Isabella Diamante Nagbabanta ang luha ko pero pinipilit kong hindi ‘yun lumabas sa mata ko dahil mahahalata ni Rebecca ‘yon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang papalapit ang dalawa. Hindi ko na kinayang tingnan ang puson ni Rebecca at binaling ko kay Zeus ang tingin. Sa akin pala siya nakatingin. Hindi ko mabasa ang emosyon ni Zeus hanggang sa ito mismo ang nag-iwas ng tingin at binaling kay Rebecca. Doon ko lang siya nakitang ngumiti sa babae. Nagyuko ako nang tingin. Doon ko lang napansin ang binitawan ko feather duster at dinampot ‘yon. Nang muli akong tumayo matapos madampot ang feather duster ay tuluyan nang nakalapit sa sa kinatatayuan ko ang dalawa. “Hey, you. Pakikuha ang maleta ko sa sasakyan ng fiance’ ko!” Mataray na utos ni Rebecca. “Hon, hayaan mo na s

