Hera Isabella Diamante “Mabuti na lang talaga at isasama ka ni Sir Zeus sa hacienda niya. Swerte mo, Herabebe… Maganda raw do’n at laging sinasabi ni Kuya Jun ‘yon sa akin.” Bigla naman akong na-excite sa sinabi ni Ate Ellen matapos nitong ibigay sa akin ang isang maleta na galing kay Sir Zeus. Paano ba naman kasi ay nang sinabi ni Sir na mag-pack up ako ng gamit ko ay ginawa ko naman pero nang nakita nitong backpack ang dala ko ay sinabihan ako na maraming gamit ang dapat kong dalhin dahil 1 week kami sa hacienda. Sinabi ko naman na wala akong maleta kaya heto at pinadalhan pa ako. Sa totoo lang ay ayokong sumama. Wala nga akong idea para saan ang pagsama ko. Basta inutusan niya lang akong mag-empake. Pero syempre, kailangan kong sumunod dahil boss ko siya. Isa pa ay ang hindi pwedeng

