Hera Isabella Diamante “Sir, pasensya na po kayo at nakatulog ako!” Hindi pa rin makapaniwalang sabi ko habang nakatingin kay Sir Zeus. Si Sir Zeus naman ay bigla na lang inayos ang pagkakaupo niya. Nakadukwang pa kasi siya sa akin nang bahagya kaninang nahuli ko siyang hinawakan ang pisngi ko. Nag-ayos din ako ng pagkakaupo. Medyo nakaramdam ako nang pangangalay sa bandang batok dahil sa pagkakatulog ko. Napahawak din ako sa may bibig ko dahil baka tumulo na pala ang laway ko pero mabuti naman at hindi. Mabilis muna akong sumulyap sa kinauupuan ni Sir Zeus at nakita kong nagtatanggal na siya ng seatbelt. Tiningnan ko muna rin kung nasaan kami at naka-park kami sa tapat ng isang restaurant. Napatingin tuloy ako sa orasan ko at nakita kong lagpas na rin ng lunch. Medyo kumakalam na rin

