34

1274 Words

Hera Isabella Diamante Hindi ko alam kung lalabas ba ng pinto o hindi. Kanina pa ako paikot ikot dito sa kwarto kung saan ako matutulog sa loob ng isang linggo at nahihilo na ako sa ginagawa ko. Isang buntong hininga muna ang pinakawalan ko bago muling naglakad papunta sa kama. Naupo ako sa dulo no'n at napatingin na lang sa pinto. Parang hindi ko kayang lumabas do’n kahit mahigit isang oras na akong nagkulong dito sa loob ng kwarto. Matapos ang papasok ko dito kanina ay kinatok pa ako nang maraming beses ni Sir Zeus. Ang totoo ay hindi rin naman ako makapaniwala na narinig ko sa kanya ang salita ng sorry. Ilang minuto pa yata akong tahimik na umiyak habang nakasandal sa pinto kanina. Parang hinang hina ako na hindi ko maintindihan. Mula pa kasi sa kotse matapos sa restaurant hangga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD