Hera Isabella Diamante “Kasing ganda mo ‘yang mga bulaklak, Hera.” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Miguel sa gilid ko. Sobrang naka-focus sa bulaklak na tinitingnan ko habang napapangiti kaya hindi ko napansin ang lalaki na nakalapit na pala sa akin. “Ahh, ikaw pala, Miguel.” sambit ko na biglang iniwas ang tingin muli sa lalaki at binaling muli sa mga bulaklak na dinidiligan ko. Nakakatuwa lang kasi na simula nang dumating ako dito sa mansion ay ako na ang nagdidilig ng mga bulaklak at ngayon ay nakikita ko kung gaano sila namumukadkad habang tumatagal. Ang sarap tingnan ng ganda nila. “Nga pala, may gagawin ka ba bukas sa day-off mo?” Kinabahan ako sa tanong ni Miguel. Parang alam ko kung saan ang papunta ang tanong na ‘yon. “Dito lang sa mansion,” Sagot ko na hindi man lang t

