Zeus Nicolai Cervantes “The hell I care!” Binagsak ko ang hawak na cellphone. I was about to call Hera but I stopped myself from doing so. It’s past 9 pm and she’s not yet here. Hindi ko maintindihan kung bakit ko pa siyang kailangang intindihin. Pero sigurado ako sa sarili na dahil lang ‘yon sa baby na dinadala ng katulong na ‘yon. Baby na malamang na anak ko. Kung wala ang bata na ‘yon ay wala akong pakialam kahit maligaw pa siya at hindi na makabalik sa pamamahay ko. Kanina pa ako nakauwi galing sa opisina ko. Akala ko ay nakauwi na rin si Hera dahil ang sinabi lang naman nito ay dadalaw siya sa Ninang nito. Muli kong kinuha ang binagsak kong cellphone sa kama ko. Binuksan ko ang video na pinadala sa akin ng direktor ng ospital kung saan nagpa-check up si Hera nitong nakaraang a

