Hera Isabella Diamante Nang sa tingin ko ay tapos ng kumain si Sir Zeus ay nagpunta ako ng dining area. Wala na do’n si Sir at napangiti naman ako nang nakita kong naubos nito ang pagkain na hinanda ko. At least at medyo nakakakilos na ako nang matiwasay dahil napayapa na kahit paano ang utak ko kakaisip tungkol sa nangyari kagabi dahil wala namang matandaan si Sir Zeus. Baka akala niya ay panaginip lang ang lahat. Nang bumalik ako sa kusina ay hinugasan ko na rin ang pinagkainan ni Sir Zeus pati na rin ang kina Kuya Jun at Miguel. Pero hindi na mawaglit sa akin ang mukha ni Sir Zeus habang hinuhugasan ko ang kasangkapan na ginamit nito. Mula sa kutsara’t tinidor. Pati na rin sa tasa ay labi ni sir ang naiisip ko dahil dumampi ang bibig niya sa mga ginamit na pinggan. Paulit ulit na

