Hera Isabella Diamante Agad akong lumuhod para daluhan si Nanay. “Nay, please!” Pagmamakaawa ko. Dinilat ni Nanay ang mga mata niya. Buhay pa siya kaya nagkaroon ako ng pag-asa. “Nay! Dadalhin ka namin sa ospital. Kumapit ka, please. Huwag mo po akong iwan!” Tumingin sa akin si Nanay. Binuka niya ang bibig niyang may umaagos na dugo at napatingin ako do’n. Nakakapanlatang makakita ng dugo pero ayaw kong bitawan ang nanay ko. “H-hera, anak ko…” Sobrang hina ng boses ni Nanay pero nagawa ko pa rin na marinig ‘yon. “N-nay, dadalhin ka namin sa ospital. Huwag mo po akong iwan…” Sambit ko na hinawakan siya sa pisgi at nalagyan pa ng dugo ang palad ko. Lumingon ako sa paligid. Napapalibutan kami ng maraming tao na nakatunghay sa amin. “Tulong! Tulungan niyo ang Nanay ko! Please tumawag

