AMBER’S POV
My life is in a big mess.
Bakit?
Well, nasalo ko lang naman yata ang lahat ng kamalasan sa mundo. Nasangkot ako sa isang eskandalo kung saan pinaratangan ako na kerida ng business tycoon. C’mon! Isang date lang iyon at hindi na naulit pa. Ni hindi nga naka-kiss sa akin ang tao at mas lalong hindi ko alam na may asawa siya.
Nagising na lang ako kinabukasan na nasa front page na ng pahayagan ang pagmumukha ko. Ang ebidensya ay ang pagsasayaw namin ng sweet music. Sa larawan ay lumalabas na nakahilig ako sa dibdib niya. Hell no! Yumuko ako dahil naapakan niya ang laylayan ng palda ko. Apektado na ako sa grabeng pambabatikos sa akin. Deactivated na nga lahat ng social media account ko dahil pinaulanan ako ng hate comments and messages.
Idagdag pa kasi na noong nakaraan ay nakasagasa ako ng mga fruit vendors dahil sa pag-drive ng lasing. I spent almost twenty-four hours in prison. Mabuti na lang walang nasaktan at inasikaso ng lawyer ko ang lahat. Binayaran niya ang mga vendors para hindi na magsampa ng kaso laban sa akin.
Sa lahat ng nangyayaring kamalasan sa buhay ko ay alak ang naging sandigan ko. So here I am, papasok na naman sa The Cheers Bar. Gabi-gabi ko na ito ginawa at lagi kong sinasabi sa sarili ko na; “Last na ‘to” pero lagi pa rin umuuwi na gumagapang sa kalasingan.
“Good evening, Ma’am.”
Tango lang ang naging sagot ko sa pagbati sa akin ng security guard ng nasabing bar. Tuloy-tuloy lang ako sa pagpasok.
Hindi pa man ako nakakahanap ng pwesto ay marami ng mga mata nakatingin sa akin. Pinupukol ako ng mga lalakeng naroon ng malisyosong titig habang ang mga babae naman ay halatang naiinggit. Hindi na ito bago sa akin at madalas ko na rin pinagkikibit balikat.
Pag-upo ko pa lang sa bar counter ay may lumapit na kaagad sa akin na lalaki na inabutan ako ng isang kopita na naglalaman ng matapang na wine. Madalas na ganito ang eksena kapag nandito ako sa bar na ito.
Maraming lumalapit sa akin na mga lalake na akala ay easy to get ako. For Christ’s sake! Ni hindi ko pa nga naranasan na magkaroon ng boyfriend dahil naging subsob ako sa karera ko. Maraming nanliligaw sa akin na mga elitistang tao pero wala akong sinagot. Hindi ko sila type.
Oh yes, I’m still and definitely a virgin!
Okay, aaminin ko na kaya ako nakipag-date kay Dave dahil type ko siya. Of all men, sa kanya lang ako kinikilig at wala rin akong idea na may asawa siya kaya pumayag ako sa date namin. Ayun nga, turn off ako sa takbo ng pag-uusap namin. He was all about himself. Conceited. Ayaw ko sa ganitong ugali ng lalake. Pinangako ko sarili ko na iyon na ang huling date namin na talaga naman nagkatotoo. In fact, nakakadala!
“No, thanks,” sabi ko sa lalakeng lumapit sa akin.
“C’mon, gusto lang kitang makilala.”
“Well, ako hindi.”
Nagitla ang lalake sa pagkaprangka ko ngunit agad din bumalik ang ngiti sa labi. “Libre kita ng drink. Order what you want.”
“Get off! I can pay for myself” Pagkasabi kong iyon ay lumipat ako nang mauupuan. Mabuti hindi na siya sumunod sa akin.
Thankfully, I canfinally relax and enjoy my wine. Sana lang wala ng asungot na lalapit sa akin. As much as possible ay gusto kong mapag-isa pero siguro ako na imposible itong manyari dahil alam ko mayroon pang lalapit sa akin na naghahanap lang ng tamang tiyempo.
Kung nandito lang ang magulang ko ay sigurado na mabilis ko lang malalampasan ang lahat dahil sila ang magiging source of strength ko. Alam ko na hindi nila ako pababayaan pero nakakalungkot sabihin na wala na sila. Hindi na nila ako matutulungan. Namatay sila sa isang aksidente anim na buwan pa lang ang nakakaraan. Hindi pa ako ganap nakakabawi mula sa kalungkutan tapos heto, dumating pa ang sunod-sunod na problema sa buhay ko.
I belong to the middle class family. Only child ako. Both of my parents are teachers. Nakapagtapos ako sa kursong Business Administration ngunit hindi ko pinili ang magtrabaho sa opisina. Instead, ibang karera ang tinahak ko – ang pagmomodelo.
Nagsimula lang ako noon nang madiskubre ako ng isang talent scout. Nakita niya ako na pagala-gala sa mall. Nilapitan ako, tapos in-offer-an kung gusto ko raw ba maging commercial model. Binigyan niya ako ng calling card. At first, hindi kaagad ako nagtiwala dahil lipana nga naman ang mga manloloko sa mundo.
Pero ang kaibigan ko mula pagkabata na si Kitty ay pinipilit ako na subukan ko raw. Siya pa nga ang nag-dial sa numero ng talent scout at nagkunwari na ako. Nagulat na lang ako isang araw na basta niya na lang ako hinila dahil may pupuntahan daw kami.
Pareho kaming nagulat ni Kitty nang makaharap namin ang sikat na direktor na kasama ng talent scout. Legit! Hindi scam! Mapapanood talaga ako sa T.V kapag pumayag akong pirmahan ang kontrata kasi nga pasado kaagad ako sa panlasa ng direktor.
Hindi sa pagmamayabang pero maraming nagsasabi na maganda ako at may ipagmamalaki rin na hubog ng katawan. Ang mukha ko ay depende kung paano ako bihisan. Pwede maging sopistikada kung bibihisan ng glamorosa. O maging mukha inosente kung pasusuotin ng simpleng bestida.
Wala akong background sa pag-acting pero madali lang naman ang pinapagawa sa akin. Kailangan ko lang ngumiti ng matamis habang dumadaan sa tatlong lalaki. Yes, isang sikat na toothpaste kasi ang produkto.
Simple lang ang commercial pero naging patok. Doon nagsimula ang kaliwa’t-kanan na mga alok sa akin. May iba na pursigido talaga na kunin akong artista pero hindi ako pumayag at sa halip ay mundo ng pagmomodelo ang tinahak ko. Hindi naman ako nagkamali ng desisyon dahil hindi nagtagal ay nakilala rin ako sa international scene. Hanggang sa doon na ako nanirahan sa America ng ilang taon at bumalik lang dahil nga namatay ang parents ko.
Naging daan ang pagmomodelo ko sa pagginhawa ng buhay namin. Ang magulang ko ang nag-aasikaso ng negosyo namin na supermarket na may lima nang branches sa parti ng Luzon. Binigyan ko rin sila three storey house at tatlong kotse, pero hindi ko alam na iyon din ang magpapahamak sa kanila.
Pauwi na sila mula sa Tagaytay sakay ang bago kotse na iniregalo ko sa kanila. Mabagal naman daw ang pagmamaneho ng papa ko ngunit inararo ang kotse ng isang truck na nawalan ng preno. Fatal ang aksidente. Hindi na naitakbo ang parents ko sa hospital na buhay.
My life ends six months ago. Nawalan ng saysay ang lahat. Para ano pa ang pagpapakahirap ko sa trabaho kung wala ang mga inspirasyon ko?
Ngayon ko lang napatunayan na hindi lang pera ang makapagppapasaya sa isang tao. Look at me now. Isang bankable model – yeah before because as of now, sira na ang karera ko bilang modelo dahil sa kinasangkutan ko na mga eskandalo. Nag-back out na ang mga sponsors at endorsement ko dahil may masamang imahe raw ako. Whatever! Ang importante ay may naipundar ako. Hindi ako magugutom.
May bilyon ang pera ko sa bangko pero masaya ba ako? Nope. Hindi. Bumabangon at gumigising ako dahil obligasyon kong huminga pero sa totoo lang wala nang sense ang lahat. Hindi ko naman kaya na wakasan ang sarili kong buhay dahil baka hindi ako kilalanin ng magulang ko kapag nagkita kami sa kabilang buhay.
Ilang sandali pa ay nagpakalunod na ako sa alak. Nagmistulang tubig lang ang iniinom ko. Hindi ko na alintana kung ako man ang pinag-uusapan sa katabing table dahil narinig ko ang pagbanggit ng isa sa mga babae sa pangalan ko.
Naririnig ko na pinag-uusapan ako ng mga babae sa kabilang table at unti-unti na rin ako nakakaramdam ng inis. Kesa sa mga mapaaway pa ay minabuti ko na lang na lumipat. Bitbit ang kopita ng wine ay naghanap na naman ako ng pwedeng mapagpuwestuhan.
Pinili ko ang malapit sa disco floor area para wala akong marinig dahil sa malakas na music. Nakatingin lang ako sa mga sumasayaw pero wala sa kanila ang utak ko. Iniisip ko kung paano na naman ako bukas. Alak na naman ba ang magiging solusyon ko laban sa problema at lungkot?
Panahon na rin siguro na iwan ko ang pagmomodelo. Hindi pwede na habang buhay na ganito ako. Siguro kailangan ko nang pag-isipan ang alok sa akin ng matalik kong kaibigan na si Noah na makipagsosyo sa negosyo niya. Kailangan ko lang daw mag-invest para maging isa sa stockholders. Sa kakayahan ko ay maliit lang ang magiging share ko pero mas mabuti nang mapunta sa tama ang pera ko kesa sa magwaldas.
Sikat na bachelor sa bansa ang kaibigan ko na si Noah. Paano ba naman kasi, namamayagpag ang ND company niya. At itinuturing na isang matagumpay na negosyante. Maraming babae ang naghahabol sa kanya pero ewan ko ba kung bakit hindi niya pinapansin.
Well, mga bakla ang karamihan sa mga kaibigan ko sa America kaya marunong ako umamoy ng mga kagaya nila, and Noah is not one them. Lalaking-lalaki ang kaibigan ko. Wala lang oras sa lovelife dahil laging subsob sa negosyo.
Naging magkaibigan kami ni Noah noong koliheyo. Pareho kami ng kurso. Anak mayaman siya. Sikat sa university dahil siya lang ang estudyante na mayroong BMW. Naalala ko na nasa canteen ako noon nang matapilok at matapunan ko ng pagkain ang sarili ko. Nadumihan ang suot ko. Gahol na sa oras kung uuwi pa ako dahil isang oras na lang ay exam na.
Mabuti na lang at nilapitan ako ni Noah. Pinahiram sa akin ang extra niyang t-shirt. Iyon din ang unang pagkakataon na in-approach niya ako. So, Ayun nga, doon na nagsimula ang pagkakaibagan ng isang mayaman at isang dukha.
Noah is my hero. Suportado niya ako sa lahat ng bagay. Siguro kung wala siya at si Kitty malamang tumalon na ako sa tulay at natagpuan na palutang-lutang sa ilog.
Inubos ko lang ang laman ng kopita nang tumayo ako at pumunta sa disco floor. Naengganyo akong sumayaw. Kasabay ng magaslaw na musika ay ang pag-indak at paggiling din ng katawan ko. I dance like there’s no tomorrow. Hanggang sa nahawi na nga ang disco floor dahil tumigil na ang lahat sa pagsasayaw at pinanood na lang ako. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghalukipkip at pagtaas ng kilay ng mga babae.
Gustong-gusto ko na nakikita silang naiinis kaya mas lalo ko pang ginalingan ang paggiling. Ngayon, hindi na maipinta ang mga mukha nila.
Habang nagsasayaw ay may nagbibigay sa akin ng alak. Tanggap lang ako nang tanggap. Hindi ko na inisip kung delikado man ito. Balewala na rin sa akin kung pinalilibutan na ako ng mga kalalakehan, ngunit bigla akong napahinto nang napansin ko na dumidikit na ang katawan nila sa akin.
Agad akong dumistansya. Baka mamaya maging trending na naman ako.
“Get off!” tinulak ko ang lalaki na sa tingin ko ay mas bata pa sa akin sa edad kong twenty four. May lahing intsik yata siya dahil singkit at mas maputi pa sa akin. Halatang anak mayaman.
“C’mon, let’s dance, baby!” Hinila niya ako sa braso.
“No!”