ZBS2#3

942 Words
Addison "Addison... Addison...," ang boses ng kung sino mula sa kung saan na tumatawag sa pangalan ko. Mabibigat ang talukap na minulat ko ang aking mga mata at makita ang mukha ni kuya Lucas kasabay nang pagragsa ng mga alaala ng nakaraang gabi. Mabilis naman akong napabangon ngunit ramdam ko ang pananakit ng aking katawan. Nakita ko sa mukha ni kuya Lucas ang pag-alala at pagsisi. "W-we need to talk Addison, hihintay na lang kita sa labas. Nasa couch ng pala ang damit mo," saad nito saka lumabas nang silid na iyon. Hindi ko alam ang dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon ngunit mukhang tama ngang mag-usap kami. Ang buong akala ko paggising ko ay hindi ko na ito makikita at umalis na lang pero hindi nito ginawa. Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay lumabas na ako ng silid at doon nakita ko si kuya Lucas na naghihintay at mukhang malalim ang iniisip. Napukaw ko ang atensiyon nito nang maupo ako sa tapat nito. "Addison," tawag ni kuya Lucas sa akin saka bumungtong-hininga. "Unang-una sa lahat, I'm really sorry about what happened last night. Alam kong hindi excuse ang pagiging lasing ko para gawin ang bagay na 'yon. Handa akong harapin ang lahat ipakulong mo ko," pahayag nito. Ramdam ko ang sensiridad ng paghingi nito nang kapatawaran sa nangyari at nakapagpasya na rin naman akong kalimutan kung anuman ang nangyari. "K-kalimutan na lang natin ang nangyari," saad ko. Bakas sa mukha nito ang gulat sa aking sinabi. Ayoko lang na masira ang magandang samahan ng mga pamilya namin at ayoko ring malaman pa ni ate Freya ang nangyari kahit naman hindi kami ni close ni ate ayaw ko itong masaktan. "A-ano sigurado ka ba?" gulat na saad nito na tila hindi makapaniwala sa aking sinabi. "O-oo, isa pa wala namang maniniwala kapag sinabi kong pinilit mo lang ako saka magkaibigan ang pamilya natin ayoko nang palakihin ang ganitong klaseng bagay. Ayos na sa akin na humingi ka nang tawad sa pagkakamaling nagawa mo sa akin," pahayag ko. "Pero ang kasalanan ay kasalanan at kailangan kong harapin ang pagkakamaling ginawa ko" saad pa ni kuya Lucas. "Nagpasya na kong kalimutan na lang kaya naman kung gusto mo talagang harapin ang pagkakamaling ginawa mo sakin igalang mo ang desisyon ko Please, iyon na lang ang gusto kong gawin mo." Napabungtung-hininga naman ito sa mga sinabi ko. "Sige, kung iyan ang gusto mo gagawin ko," saad nito. "Kung ganon salamat," ani ko saka ako tumayo. "Kailangan ko na ring umuwi," pagpapaalam ko. "Ihahatid na kita pauwi," alok nito. "Hindi na kailangan, salamat na lang" pagtanggi ko saka ako humakbang palabas ng hotel room na iyon. Nang tuluyan akong makalabas ng hotel ay agad akong sumakay nang taxi pauwi. Tinginan ko ang relos na suot ko alas kuwatro na nang umaga kailangan kong makauwi agad hindi puwedeng malaman ni mommy at daddy na hindi ako nakauwi kagabi. ***** Lucas Hindi pa rin kasi mawaglit sa isipan ko ang ginawa ko noong isang gabi kay Addison. Kaya naman pilit kong inaabala ang sarili ko sa case file para sa susunod na court hearing nang client ko. Abalang-abala naman ako sa aking ginagawa nang bigla na lang bumukas ang pinto ng opisina ko at pumasok si Freya. "What are you doing here Freya?" kaswal na tanong ko. "Gusto ko sanang magpaliwanag sayo," saad nito. "Ano pang ipapaliwanag mo malinaw na nakita nang dalawang mata ko ang ginagawa ninyong milagro ng lalaki mo." "Hindi 'yun katulad nang inaakala mo Lucas," saad nito saka lumapit sa mesa ko at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Please, I beg you listen to me first," dagdag pa nito. Binawi ko naman kamay ko mula sa pagkakahawak nito. "Sige nga ipaliwanag mo kung ano yung nakita ko," hamon ko kay Freya. Gusto kong marinig kung anong kalokohan ang sasabihin nito sa akin gayung malinaw naman na nakita ko itong nakikipagtalik sa ibang lalaki sa mismong pad nito. Kung hindi siguro nagkataong naiwan ko ang cellphone ko noong isang gabi sa pad ni Freya hindi ko malalaman na bukod sa akin meron pa itong ibang kasintahan. Hindi ko akalain nasa maganda at inosenteng mukhang katulad nang kay Freya magagawa ako lokohin. "A-ang totoo kasi bina-blackmail ako ni Henry ibibigay niya raw sayo yung s-s*x video naming dalawa noong kami pa tapos palalabasin niyang niloloko kita kung hindi ako makikipagbalikan sa kanya natakot ako Lucas hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman pumayag ako sa gusto niyang mangyari na maging kami ulit," naiiyak na saad nito. "Puwede ba Freya hindi ako isang bata paslit na basta muna lang mauuto, kung sana sinabi muna lang agad sakin na may ganyang pangyayari nga baka naiintindihan pa kita at hindi tayo umabot sa ganito pero anong ginawa mo pinili mo pa rin akong lokohin," mariing saad ko. "Please, maniwala ka naman sa akin Lucas mahal kita," gumilid na ito sa mesa ko at umiiyak na yumakap sa akin. Tumayo ako at pilit naman akong kumawala sa yakap nito sa akin at nagtagumpay naman ako hawak ko na ito ngayon sa dalawang braso nito. "Listen to me Freya, wala na tapos na tayo at kahit ano pang paliwanag hindi pa rin noon mababago na pinili mong lokohin ako," pinal na saad ko. "Please, naman babe maniwala ka sa akin." "Makakaalis ka na Freya nagawa munang sabihin dapat mong sabihin pinagbigyan na kita." "S-Sige, pero babalik pa ulit ako Lucas kahit paulit-ulit ko pa kong magpaliwag sayo gagawin ko bumalik ka lang ulit sa akin," ani nito habang pinapahid ang mga luha sa mata. Nang masigurado nitong wala nang luha ay tuluyan na rin itong umalis sa opisina ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD