ZBS2#4

935 Words
Addison Isang buwan na ang nakalipas matapos ang nangyari sa amin ni kuya Lucas. Pilit kong kinakalimutan ang pangyayaring yun kagaya nang sinabi ko ritong kalimutan na lamang ito. Inabala ko na lang sarili sa pag-aaral para upang tuluyang makalimot. Katunay katatapos lang ng exam namin at niyaya kami ni Carla na kumain kami sa paborito naming pizza parlor. At kagaya nang dati nag-aaasaran na naman sina Oliver at Carla. "Eto na po ang order ninyo," saad nang crew sabay lapag nang order namin sa mesa. Kumuha ako nang isang slice ng pizza at nagsimulang kumain pero hindi ko nagustuhan ang lasa at lalo nang maamoy ko ito parang babaliktad ang sikmura ko. Kaya naman kumuha ako ng tissue at iniluwa ang nanguya ko na. "Anong problema Addy," tanong ni Oliver. "Hindi ko nagustuhan yung lasa hindi masarap saka ang baho nakakasuka." saad ko saka ibinalik sa box ang nakagatan ko nang slice ng pizza. "Ano ka ba Addy ang sarap kaya saka hindi naman mabaho actually ang bango nga," ngumunguyang saad naman Carla na inaamoy rin yung pizza. "Ayoko nang kumain niyan kayo na lang." itinulak ko pa sa harap nila ang box ng pizza. "Ano bang nangyayari sayo Addy paborito mo nga itong inorder natin tapos hindi ka kakain," nagtatakang saad pa ni Carla. Tama si Carla isa sa paborito kong pagkain ang pizza kaya kong makaubos ng limang slice pero ngayon hindi ko alam kung bakit hindi masarap sa panlasa ko at ang baho nang pang-amoy ko sa pizza na para bumabaliktad ang sikmura ko. 'Ang wierd naman' "Ayaw mo ba talaga ang sarap kaya," saad ni Carla habang patuloy kumakain ng pizza. "Ayoko talaga, sige lang mag-enjoy kayo sa pagkain." saad ko pa. "Ikaw ang bahala, gusto mo ba mag-order tayo ng iba," tanong ni Oliver. "Hindi na saka hindi ko rin gusto kumain nang kahit na ibang flavor ng pizza ang baho kasi parang binabaliktad ang sikmura ko," sagot ko. "Ayos ka lang ba talaga Addy hindi ba masama pakiramdam mo kaya ka walang gana?" tanong ni Oliver. "Oo nga Addy ayos ka lang, ang weird kasi ito ang first time inawayan mo ang pagkain ng pizza," segunda ni Carla. "Ayos lang talaga ako," ani ko pa. "Punta lang ako ng restroom," pagpapaalam ko sa kanila. Habang tinatahak ko ang daan patungong restroom nakaramdam ako ng pagkahilo at tila ako masusuka hindi ko mapigilang mag-isip kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin. Ang totoo dalawang araw na akong nakakaramdam ng pagsusuka at hindi lang yun pati pagkahilo na rin. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip ng hindi maganda na baka may malala na akong sakit. 'Pero baka naman dala lang ito ng ilang araw kong papupuyat sa pagrereview nasobrahan yata ako' "Ayos ka lang ba, miss?" tanong ng babae nang mapansin ako. 'Miss akala siguro ng babaing ito na babae ako, madalas naman kasi talaga akong mapagkamalang babae' "Ayos lang ako salamat, medyo nahilo lang ako saka hindi ako ba---" hindi ko sasabihin nang magsalita ito. "Nahihilo ka gusto mo ba tulungan kita," presinto nito. "Naku, hindi na salamat," nakangiting saad ko rito. Bigla ko na namang naramdaman na para akong masusuka kaya naman tinapakan ko ang bibig ko kasi baka doon pa ako magkalat ng suka kung sakali nakakahiya naman. "First time mo bang magbuntis?" tanong nito. "Huh" gulat na saad ko sa hindi ko inaasahang tanong ng babae. "Ganyan rin kasi ako noong first time kong magbuntis nahihilo, sensitive ang pang-amoy at nagsusuka," dagdag pang saad nito. 'A-ako buntis pero lalaki ako paanong mabubuntis ako' "Kung may boyfriend ka natural lang magbunga ang ginagawa ninyo," nakangiting dagdag pa nito. "Pero hindi naman ako buntis lalo't lala---," hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tumunog ang cellphone ng babae. Kinuha nito ang cellphone sa bag at sinagot ang tawag nang matapos ito makipag-usap sa caller ay muli nito akong hinarap. "Naku hinahanap na pala ako nang asawa ko," nakangiting saad nito. "Ayos ka na ba talaga gusto mo bang dalhin ka namin sa ospital," dagdag pa nito. "Hindi na miss, ayos lang talaga ako sige na hindi ba at hinahanap ka na nang asawa mo, kaya ko na ang sarili ko" ani ko. "Okay, so paano ingat ka," saad nito saka ito umalis. Nasundan ko na lamang nang tingin ang papaalis na babae at napailing nang maalala ko ang sinabi nitong buntis ako. Pero hindi rin impossibleng mangyari ang ganoong bagay kagaya nang kakilala ko na kasalukuyang buntis kahit ito ay lalaki. 'Pero isang beses lang namang may nangyari samin at isa pa walang kasiguraduhan na buntis nga ako at may kakayahang magdalang-tao' Napailing na lamang ako sa mga inisip ko isa lang naman ang puwede kong gawin para mapanatag ang kalooban ko at malaman kung ano nga ba talaga ang nangyayari sa akin ay kailangan kong magpatingin sa doctor. "Guys, I'm sorry but I need to go already," paalam ko kina Oliver at Carla pagbalik ko galing restroom. "Bakit hindi mo pa kami hintayin mauubos na rin itong kinakain namin," saad ni Carla. "Oo, nga para maihatid ka na rin namin kung saan man ang punta mo," segunda ni Oliver. "No, need saka kailangan ko na talagang umalis," saad ko pa. "Ganito na lang ihahatid kita tapos balikan ko na lang itong si Carla," dagdag pa ni Oliver. "Salamat na lang Oli pero magta-taxi na lang ako, sige mauna na ako," saad ko saka nagmamadaling lumabas ng pizza parlor baka kasi magpumilit pa talaga si Oliver na ihatid ako. Hindi nila puwedeng malaman na maagpupunta akong hospital kailangan kong malaman kung ano nga ba ang kalagayan ko.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD