Episode 7

2329 Words
Episode 7 Natalia Nunez   One week has passed. When our relationship become official.Our relationship become smoother, and we both introduce our relationship in our parents. Masaya ang naging pagtanggap ni mommy kay Tristan, dahil iyon naman talaga ang plano niya e. Gusto niyang mapalapit ako kay Tristan, para rin maging maunlad ang kumpaniya niya dahil sa connection ng mga pamilyang Saffiro. We can finally dominate the world of industry. Isa naman talaga iyon sa mga objective ng magulang ko. There is always a hidden agenda behind all of these plans.   Hindi naman sadya ang pagkakagusto ko kay Tristan. Maybe, for some other people ay masyado akong mabilis sa pagsagot kay Tristan. Pero hindi ko rin mahanap ang sense kung bakit kailangan ko pa na patagalin ang pagtugon ko sa panliligaw ni Tristan. I am also attracted to that guy. He is unexpectedly handsome, gentleman.   Kaya naman pagkatapos ng aming graduation ay sinagot ko na siya. I saw the genuine happiness from his eyes. I also gave him my first kiss… and I do not think I will regret it.   Sa buong bakasyon ay  tila mas laging mas sweet ang pakikitungo sa akin ng lalaki. Hindi ito nagmimintis sa kaka-chat at tawag sa akin kung wala kami sa tabi ng isa’t-isa . We also traveled a lot of local and international places while we are still on the vacation.   We visisted the beauty of Siargao, the cold vacation in Tagaytay and Baguio. We also traveled Paris famous attraction- Eiffle tower. Our vacation is much happier with Tristan.   At dalawang araw nalang nga, ay mag-uumpisa na ang College life namin. Nag-enroll ako sa GEU, hindi ko nga akalain na doon din pala nag-enroll sila Tristan. Kaya naman lagi na naman kaming magkasama niyan, tinadhana nga yata kami e.   Excited na ako sa pasukan. And I am taking a tourism as my course. It is my dream course after all. Pangalawa ay ang pagmomodelo. I am always been a fan of modeling and fashion.   Gusto nila mommy kumuha ako nang business management, para daw pagka-graduate ko ng college, ay ako daw ang magma-manage nang company namin. But i refuse it, si Tristan rin naman ang makakatuluyan ko kaya hindi ko na kailangan kumuha no'n. Isa din iyon sa perks ng pagsagot ko kay Tristan. I am attaining some freedom.   Nakahiga lang ako sa kama ko ngayon, wala akong magawa eh at saka hindi pa tumatawag sakin si Tristan. Ilang minuto pa lang ako nakahiga, nang bigla na lang tumunog ang phone ko. Speaking of Tristan, siya ang tumatawag kaya agad kong sinagot sa kabilang linya. "Hello babe," sabi ko sa masayang boses. Namiss ko siya kahit kasama ko pa lang siya kahapon. "Hey babe, I miss you," sambi  ni Tristan na may lambing sa kanyang tono. "I miss you too babe," sagot ko naman sa kanya. Napaka sweet talaga nitong lalaki na 'to. Nagkwentuhan lang kami, sobra ang kulit niya. Hindi nauubusan nang kakulitan, at kwento ang mokong na iyon. Ilang minuto pa kaming nagkausap, at nagpaalam na kami sa isa't-isa. At pinatay ko na ang tawag niya .   Miss ko na  ang napakagwapo kong boyfriend. Matagal-tagal na rin ang relationship namin ni Tristan, at hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago. Lagi siyang sweet, parating may surprise, at hindi siya nawawalan nang time para sa akin. Kaya naman lalo akong naiin-love sa kanya e.   Mabilis lumipas ang dalawang araw kaya eto ako ngayon, nakahanda na para pumasok nang school. Ngayon ang unang araw ko sa Golden Eclipse University. Naglalakad na ako sa campus, nang bigla na lang may sumabay sa akin. Pag lingon ko si Tristan pala.   "Good morning babe," bati niya sa akin habang mas masayang ngiti sa kanyang mga labi.   "Good morning din babe," balik na bati ko sa kanya, at ikinawit ko ang kamay ko sa braso niya.   Ang dami kasing mga babae na nakatingin sa babe ko. Sorry na lang sila pero sa akin lang siya.   Hindi ko pa pala natatanong sa kanya kung anong course ang kinuha niya. Kasi alam ko naman na Business Management ang kukunin niya, kasi nga siya ang taga pagmana ng mga Saffiro.   "Ah babe saan ka niyan?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa hallway. "Doon ako sa Aeronautical Science Department babe," sagot niya sa akin. "Bakit doon ka, diba business management yung kinuha mo?" takang tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung ba't napunta siya sa department na iyon. "No babe, I am taking Aeronautical Science. I want to be Pilot someday." sagot niya sa akin. "Ganun ba, akala ko kasi business iyong kinuha mo. Kasi diba ika ang taga pagmana ng company niyo," sambit ko naman sa kanya. "Yes, but I want to pursue first my dream. Before I manage our family business. Kaya pumayag sila mommy sa gusto ko." sabi niya sa akin habang patuloy pa rin kaming naglalakad.   Paano na niyan ang balak ni mommy, para wala naman atang balak mag-manage nang business nila si Tristan. Hay at saka ko na lang nga problemahin iyon. Ang mabuti pang gawin ko, ay ang magpakasaya habang kasama ko si Tristan.   Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang, sa tumigil na kami sa tapat ng building ko. Tumingin muna ako sa kanya. "Thank you sa paghatid babe," sabi ko sa kanya at nginitian siya. "Wala iyon babe, bye." sabi niya sa akin, sabay halik sa pisngi ko at umalis na para magtungo sa building niya. Pag-alis ni Tristan ay umakyat na nga ako nang building namin. At hinanap ko na ang room number ko, nakakalungkot lang kasi ako lang mag-isa. Iba-iba kasi kami na kinuha na course nila Irish at Mhaica.   Tuluyan ko na ngang nakita ang room number ko, at pumasok na ako. Hindi pa naman ganoon kadami ang narito. Kaya umupo na lang ako sa may likuran. Ilang minuto lang ang lumipas, ay nagsidatingan na ang mga iba ko pang kaklasi, at maya-maya ay kasunod na nila ang prof. namin. Kaya naman nag-umpisa na siya sa pagpapakilala, at pagtuturo.   Naging maganda naman ang unang araw ko dito sa GEU. Mababait naman yung mga classmate ko, and they are friendly.   Hapon na rin nang matapos ang klasi ko. Bumaba na ako at nagtungo sa may park na pwdeng pagtambayan doon, umupo ako sa bench para hintayin si Tristan.   Madali niya lang naman ako makikita dito sa kinauupuan ko. Dito lang naman kasi malapit sa oval nang school. May mga bench sa gilid kaya madaling makita yung mga tao sa bawat bench.   Habang nakaupo ako sa bench, pinalibot ko ang tingin ko sa school. Marami-rami din ang mga nag-aaral dito. Hindi naman kasi puro mayayaman lang ang tinatanggap nang school na 'to. Sa pag kakaalam ko meron din silang mga scholars.   Maganda naman dito, malawat, maayos ang mga building, may mga fast food chain sa mismong loob nang school, at iba pa. Ilang segundo pa ako nagtingin-tingin sa paligid. At nang matanaw ko na si Tristan na papalapit na sa kinaroroonan ko. Kahit anong ang gulo ang gwapo ng boyfriend ko. Napakaswerte ko talaga sa lalaki na 'to.   Nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin, ay inakbayan niya na ako. At sabay na kaming naglakad sa hallway. Naghihintay na rin kasi yung mga sundo namin sa labas.   Months  has passed. Laging ganun ang routine namin ni Tristan, lagi kaming sabay pumasok. Pag lunch break naman sabay-sabay kaming nalu-lunch ng mga kaibigan niya. At pag minsan naman kasama din namin sila Irish.   Maraming mga requirements na kailangan ipasa, kaya naman sinabihan ko na si Tristan na baka hindi ako makasabay sa kanya. Kailangan ko kasing matapos yung mga yun bago ang deadline. Nauna na akong umuwi sa kanya, at saka na sabi niya rin kanina na may training sila. At oo sumali sila ng mga kaibigan niya sa basketball team, and hopefully nakapasa naman sila sa training kaya isa na sila sa mga varsity nang school   Hanga nga ako sa boyfriend ko e. Kahit minsan nawawalan kami nang time sa isa't-isa, gumawa pa ein siya nang paraan para makabawi. And I am thankful that he is my boyfriend.   Next month na pala iyong anniversary namin, kailangan ako naman ang magsuprise sa kanya. Lagi nalang kasi siyang may suprise sakin. At may naiisip na rin naman akong suprise sa kanya.     From all this time, magmula nang maging kami ni Tristan ay siya na lagi ang nage-effort sa amin. Siya yung tao na handang magbigay mapasaya lang ako. He is selfless and gentleman.     Kaya nais ko naman na sa pagkakataon na ito ay makabawi ako sa kanya. I want to pay back what he deserve.         Tristan Saffiro   Excitement, that is the dominant feeling on me. Our next monthsary is coming. And I want to surprise her this time again.   Inihanda na namin ang surpresa ko kay Natalia my love. Sa tulong ng tatlong bugok. Wala naman silang matinong love life, kaya naman obligado silang tulungan ako siyempre.   Gabi na naman, narito kami sa clubhouse namin sa mansyon. Kasama ko si Drake na may ka-chat na naman na babae, the Ajus who watch some anime series on his phone at si Aden na nagbi-billard sa isang banda.   Kakatapos lang namin na mag-isip ng surprise ko para sa monthsary namin bukas ni Natalia.   Naistorbo naman ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. Someone is calling me, the name is registered with my girlfriend's name.   "Hello? Irish, napatawag ka?" tanong ko sa kung sino ang nasa kabilang linya.     She sounds nervous and coughing. "T-tulong Tristan, si Natalia, na kidnap. Please tulungan mo kami. Ise-send ko yung address ha? Huwag ka raw magsasama ng mga pulis. Please!" sabi nito na naiiyak.     Para naman akong nawalan ng dugo sa labis na takot. Nauutal akong sumagot sa kanya.   "S-Sige..." Iyon na lang ang nasabi ko.   Agad ko ring nilapitan ang tatlong ugok. Napansin din nila ang labis kong pagkakaba at pagkaputla.   "Anong nangyare p're? Natatae ka ba?" Balasubas na tanong ni Ajus. Binatukan naman siya ni Drake.   "Namumutla na nga itong tropa natin, nakuha mo pang magbiro..."     Sinabi ko naman sa kanila ang problema ko. Ngayon ay nagsimula na kaming magseryoso at magplano. Natnggap na.namin yung address na na-send ni Irish. We found out that it is located in an abandoned amusment park.     Kumukuha ng criminology si Ajus, kaya lagi itong may dala ng baril. Pumunta na kami agad sa lugar na iyon. Humingi na rin kami ng tulong sa mga kamag-anak ni Ajus na mataas na pwesto sa pulisya at militar.     Kabado ako kaya naman si Aden ang nagmaneho, siya ang pinaka kalmado sa amin kaya naman siya ang pinag-drive namin.   Pagdating namin sa harapan ng malaking gate ng abandonadong amusement park. Kahit kinakabahan ay pumasok na rin kami.   "Pre ikaw ang mauna," saad ni Drake kay Ajus. Mayabang naman ngumisi ang tukmol. "Sus basic," sabi nito na. Akmang bubuksan ni Ajus iyong gate nang may tumalon na pusa sa kanya. Parang baklang nagtititili ang bugok kaya, agad namin tinakpan ang bibig niya baka mahuli pa kami ng mga kidnapper. "Ang ingay mo gago." sabay batok ni Drake kay Ajus. "Ay barbie sabi ko na," ang nasabi ko naman. Naglakad na kami habang nagmamasid sa kapaligiran. Kita na napakadilim ng lugar kaya, ginagamit namin ang aming mga cellphone bilang flashlight.   Patuloy pa kaming naglakad, at alerto pa rin sa kapaligiran. Inihahanda namin ang mga hawak naming baril, at baka may mga sumugod na mga suspek.   Ilang minuto pa ay nakarating kami sa pinakagitna ng amusement park. May carousel doon nakita namindoon sa harap ang nakataling si Nathalia. Mas naging alerto kami, tapos bumukas ang ilaw ng carousel, at umardar ito. Mula sa dilim ay lumabas ay lumabas ang magkaibigang Mhaica at Irish. Inalis nila sa pagkakatali ang kaibigan nila sa pagkakatali, at inabutan ng gitara.   Unti-unting nagliwanag ang kapaligiran, dahil bumukas ang ilaw. May mga blue at pink na balloons, at kaninang creepy na paligid ay naging masaya. Ngayon ay gets ko na kung ano ang nangyayari.   Ang babaeng minamahal ko ay inumpisahan nang patugtugin ang hawak niyang gitara at kumanta.   My eyes are no good, blind without her The way she moves, I never doubt her When she talks, she somehow creeps into my dreams She's a doll, a catch, a winner I'm in love and no beginner Could ever grasp or understand just what she means Baby, baby blue eyes Stay with me by my side 'Til the mornin', through the night Well baby Stand here, holdin' my sides Close your baby blue eyes Every moment feels right And I may feel like a fool But I'm the only one, dancin' with you Oh oh oh oh   Hindi ko akalain na marunong pala siyang manggitara, at sobrang ganda nang boses niya. Lalo ko tuloy siyang minamahal.   At ang kaba na nararamdaman ko kanina, ay napalitan na ng sobrang kasiyahan. Pagkatapos siyang magkanta, ay nilapitan ko siya at sabay yakap sa kanya ng mahigit.   Hindi ko inexpect na gagawin niya sa akin 'to. Napakaswerte ko talaga sa babaeng ito. Sobra niya akong napapasaya. Sinuklian niya rin ang pagkakayakap ko sa kanya.   "Happy Anniversary babe, nagustuhan mo ba ang suprise ko?" tanong niya sa akin habang magkayakap pa kami. "Sobra babe hindi ko inexpect 'to, Happy Anniversary babe, and thank you so much." sabi ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.   At pinagpatuloy na nga namin ang kasiyahan kasama ang mga kaibigan ko, at ang mga kaibigan niya. Hanggang sa matapos ang araw nang anniversary namin, hindi nawala ang sobrang saya na nararamdaman ko at ang mga ngiti sa aking labi.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD