Episode 3

2104 Words
Episode 3 Natalia Nuñez   Just like a perfect little girl… Lahat ay sinasabi na maswerte ang mommy at daddy ko. I am smart, grown elegant, shaped like a lady, but the truth is I am sad like an empty shell.   My mom was busy taking care with her growing international clothing line. My dad was a well known business tycoon who has a lot of business affairs. Unica ija lang ako, busy ang mga magulang ko. Kadalasan ay ako lang mag-isa sa napakalawak namin na mansion, kadalasan ay ang yaya ko talaga ang aking kasa-kasama.   Lagi na nga lang silang wala, tapos ang mahirap pa ay napaka-taas ng expectation nila sa akin. They always want to make me the dream daughter of them. Yung hindi nila ikakahiya, yung pwede nilang ipagmalaki like a trophy daughter.   They want me to be the top girl with a high grades, they want me to learn how to play piano, violin and dance like a pristine ballerina. Minsan, o madalas ay nakakasawa ng magpanggap na masaya sa mga inuutos nila.   In the school, girls are inevitably envying me. They thought na masaya ako kasi sobrang yaman ko at nakukuha ko lahat ng material na gusto ko. Hindi nila alam na para lang akong puppet ng mga magulang ko.   At bilang isang dalaga na, natural lang na mayroon akong crush. One of them is Aden. Isa siya sa apat na kilalang magkakaibigan sa school namin. He is a gentleman, apat sila sa grupo pero isang lalaki lang ang nakakuha sa atensyon ko. I rememeber how he is kind to me. Nakakasama ko siya madalas sa library. Hindi maiwasan na makaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Aden is my first crush.   Nakilala ko pa ang isa sa mga kaibigan niya na si Tristan, another heartthrob of our school. Gwapo rin ito, mayaman at mukhang charming din. Ngunit hindi siya yung tipo ko. Alam niyo naman kung sino, at si Aden iyon. Nakilala ko siya ng makabangga kami. He looks stunned that time, hindi ko alam kung bakit. That is just a short encounter.   Pero nagkakilala kami ulit ng dahil sa isang business dinner. That is not expected, ang alam ko lang ay dinner lang iyon.   I met his mother and his dad. Both well known and powerful in terms of the business world. Nagkaroon kami ng short moment. Okay naman siya sa totoo lang, but he is not specifically my dream guy.   Nang makauwi kami ni mommy, at si daddy naman ay pumunta sa isang emergency business conference kahit late na ng gabi.   Akmang aakyat na ako sa kwarto ko, dahil nga pagod at tila ay masakit na ang ulo ko, ay bigla naman akong tinawag ni mommy.   “Umupo ka ija,” she instructed. I seated on the nearby couch.   “Yes po,” sagot ko naman, I do not feel good with his question.   “Kakilala mo naman ang anak ng kumare ko anak, you just know the soon to be heir of Saffiro group of companies… I want you to get close to her,” sabi ni mommy. I just want to ask why? Until it gets sink on my mind, she is planning for a greater business expansion, at ako ang investment.   “Pero mommy?” Akmang aangal ako ng sumbatan ako agad ni mommy.   “Ija? Don’t you like Tristan? He looks a young fine man. He will be a great help for us, secured na ang buhay at future mo. Makipaglapit ka sa kanya, and that is final. No more buts okay?” Ano pa ba ang magagawa ko? The finality on her voice is the highest authority I can heard in this manor.   Nakayukom ang kamao ko sa galit, nasa likod ko ito. I am enough with this manipulation, but what could I do? Wala… laging sila at ang gusto nilang masunod ang nasusunod. Sawang-sawa na rin naman ako sa ganitong buhay. Pero wala pa akong kayang patunayan.   “Opo mommy,” sabi ko sa mahina na tono. She smiled again before instructing me to go out.   They are so greedy. Aanhin ba namin ang sobra-sobrang pera? They are so into wealth, kahit na ang kapalit nito ay ang kalayaan ko na mamili ng gusto ko. Time will come at makakalaya rin ako sa pagkakagapos nila.  Pagpasok ko sa kwarto ko nag-half bath lang ko, at kumuha ng damit na pantulog. Ang daming nangyari sa akin ngayong araw na’to. Nahiga na ako sa kama ko, at unti-unti na kong hinila nang antok. Kinabukasan maaga akong gumising sa hind ko malaman na kadahilanan. Tumayo na ako sa pagkakahiga, at nagtungo sa banyo para maligo, para makapasok na sa school. Ayokong nagtatagal sa bahay lalo na ‘pag nandito ang parents ko.   Pagkatapos kong mag-ayos kinuha ko na ang gamit ko sa study table, para makaalis na. Bumaba na ko at dumaretso sa garahe para magpahatid na sa driver ko. Nang makasakay ako ng kotse, ay agad naman itong umusad patungo sa school ko. At nang makarating ako sa school ay bumaba na ko ng kotse, at naglakad patungo sa hallway. Hindi ako agad pumunta sa classroom namin kung hindi dumiretso ako sa cafeteria, para mag-breakfast. Hindi ako nakapag agahan kasi nan doon si mommy ayoko siyang kasabay, kasi baka ano na naman ang ipagawa niya sa akin. Katapos kong mag-breakfast pumunta na ako sa classroom namin, kasi malapit na rin naman ang oras for our first subject. Pagkapasok ko sa classroom ilan-ilan na lang na mga classmate ko ang wala.  Agad naman akong lumapit  sa circle of friends ko. Na sina Irish at Mhaica. Una kong nakilala si Irish way back in my elementary days. We become close friend, because we have some similarities.  Pareho kaming mahilig sa mga pocket books like stories of Nicolas Sparks. She looks like an indian with her expressive eyes, she has her perfect shade of chocolate eyes, maganda rin ang kanyang curly na buhok. When we are became a freshmen student’s at Creston Academy, doon naman nakilala si Mhaica. If I will describe her, she looks like brat but honestly ay napakabait nito. She has this voluptuous shape, at sinong mag-aakalang maraming manliligaw ang kaibigan naming na ito. They greeted me in chorus. “Hey girl, mukhang hindi ka ata nakatulog nang mabuti. Look at those eyes bags,” maarteng sabi ni Mhaica habang napapangiwi pa. I let generous amount of sigh. “Kung alam niyo lang,” namomroblema kong sabi habang umuupo sa aking respective chair. Nagsalita naman si Irish na parang hindi na maistorbo kanina sa pagbabasa ng libro. “Huluan ko, your parents again?” tanong niya pero mas magandang sabihin na halata naman. “My parents won’t stop controlling my life! Kung alam niyo lang kung gaano na ako sakal na sakal. Lagi na lang ang negosyo nila, at pera nila ang iniintindi nila.” They are looking at me with pity. Wala naman kasi silang magagawa sa sitwasyon ko. They know how toxic my family is. Ang ina-abangan ko lang ngayon ay ang pagkikita namin ni Aden sa library. I am planning to confess my feelings to him. At this time, hindi ako makakapayag na kontrolin ako ng mga magulang ko. Dumating ang lunch break, mabilis kong tinapos ang aking meryenda bago nagtungo sa library. I wasn’t disappointed when I saw the familiar figure of Aden. He looks handsome with him and his eye glass. Sa kanilang magkakaibigan ay siya lang ata ang goal oriented. Nilapitan ko siya and I greeted him with a smile bago ako umupo sa harapan niya. “Hi Aden, busy ka ba?” tanong ko sa kanya. Nag-angat naman siya ng mukha at nasilayan ko ang kagwapuhan niya. “Hindi naman, patapos na rin ako dito sa binabasa ko,” sagot sa akin ni Aden, habang may seryosong tingin sa akin. Nilakasan ko ang aking loob. “Can I talk to you in private?” lakas loob na tanong ko. “Sure,” seryoso pa rin siya habang sumaagot sa tanong ko. Tumayo na ako, para lumabas sa loob ng library, at nakasunod lang sa likod ko si Aden. Hindi ko alam kung saan ko siya pwedeng kausapin nang masinsinan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, at hindi ko namalayan ay dinala ako nang aking mga paa patungo sa likod ng school. Tahimik dito mayroon din student’s table na pwedeng tambayan ng mga student, pero kadalasan walang mga estudyante rito. May malawak na  bonatical garden, at may maaliwalas na koi fish pond. Hindi ba at napakagara, likod lang ng school yan ha! Hehe… Umupo kami ni Aden sa pang-dalawahang upuan. Damn it kinakabahan ako, parang naiihi ako na ewan, as if there are butterfly on my stomach. Paano ko ba uumpisahan, napakaseryoso pa naman nang kaharap ko. Parang hindi alam yung salitang ngiti sa sobrang seryoso ng mukha. “Aden, matagal ko nang gustong sabihin sayo ito, ang kaso ay nahihiya ako, at natatakot,” kinakabahang sabi ko sa kanya. “What is it?” seryoso pa rin na tanong sa akin ni Aden. Gosh, hindi pa rin mawala yung seryoso niyang aura. Madalang ko lang talagang makitang ngumiti itong si Aden na ‘to. Pero kahit ganyan yan, siya lang yung lalaking nakakuha sa aking atensyon.   "A-a ah kasi Aden matagal na kitang gusto," nauutal na sabi ko. Nabanggit ko rin sa wakas, para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ko.     Pinakatignan niya muna ako nang ilang minuto. Walang lumalabas kahit isa, at ano mang salita sa bibig ni Aden. Nakatingin lang siya sa akin na para akong sinusuri. Sh*t may dumi ba ko sa mukha, baka may muta ako hindi ko natanggal kanina sh*t naman. Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa aming dalawa, bago niya ito basagin. "Sorry Natalia, pero hindi ko kayang sirain ang pagkakaibigan namin nila Tristan. I know that Tristan have feelings for you. Kahit hindi niya sabihin sa akin alam ko, sa mga tingin niya pa lang sa iyo, alam ko nang may nanaramdaman ito sayo," malumanay na sagot sa akin ni Aden. Sa pagbasag ni Aden sa katahimikan namin kanina, ay iyon din pala ang pagkabasag ng aking puso. Para akong pinag-bagsakan ng isang truck nang bato na graba, at kulang na lang ay lagyan nang semento para manigas na lang sa kinauupuan ko. Ang sakit nang puso ko parang dinudurog na pamintang buo, para lang maging pino ganun kasakit ang ginawa sa akin ni Aden sa pag-rereject niya sa akin. Nang mahimasmasan ako tumingin ako sa kanya bago nagsalita. "Okay lang iyon Aden, akala ko kasi pareho tayo nang nararamdaman kaya naglakas loob akong mag-confess sa iyo," sabi ko sa kanya at pinasigla ko nang konti ang boses ko, para hindi niya mahalata na nasasaktan ako. "May feelings rin naman ako sayo Natalia, Hindi ka naman mahirap magustuhan eh," sabi niya sa akin. "Ba't mo ko ni-reject kung gusto rin naman pala ako," sabi ko.  At naupo nang maayos habang hinihintay siya sagutin ang tanong ko.   Lumipat siya sa tabi ko at inakbayan ako bago siya nagsalita ulit. "Kasi mas importante sa akin ang pagkakaibigan namin, at ayokong masira iyon ng dahil sakin. At saka oo nga gusto kita pero gusto lang kita bilang kaibigan hanggang doon lang Natalia, I am sorry." sabi niya sa akin habang inaalo ako. "Oo na, okay lang kahit hindi mo ko gusto. Ikaw kasi ba't ang bait mo, at gwapo mo iyan tuloy nagkagusto ako sayo," sabi ko sa kanya habang nakangiti na.   Naiintindihan ko naman iyong point niya. Kaya kahit masakit tanggap ko pa rin yung naging desisyon niya. At wala akong sama ng loob doon. "Friends pa rin tayo ha, kahit gusto mo ako." Ngingiting sabi niya sa akin. Marunong rin palang magbiro itong lalaki na 'to eh. Kahit paano ay gumaan ang loob ko, at nasilayan ko na naman ang matamis na ngiti ni Aden. Nagkwentuhan at nagkulitan pa kami nang ilang minuto doon. At nang mainip kami nagkayayaan na kaming bumalik sa loob nang school. Malapit na rin kasing matapos ang break time. Sabay kaming naglalakad sa ni Aden patungo sa loob nang school. Matagal ko na ring kilala si Aden lagi ko siyang nakikita, at nakakatabi sa library. Doon kami nagkakilala, at dahil doon naging magkaibigan kami dahil pareho rin kaming mahilig magbasa ng mga libro. Hindi ko nga naisip na magkakagusto ako sa lalaki na ito. Pero ang sweet niya kasi sa akin at napaka gentleman kaya, agad akong ma-fall sa kanya. Kaya lang hindi pala tulad ko ang tipo niyang babae. Ang saklap lang!   Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa malapit na ako sa classroom namin. "Natalia, una na ako ha," sabi ni Aden sa akin nang mapatapat kami sa room ko. "Ah sige ingat ka ha, Salamat," sabi ko sa kanya sabay ngiti, at may pa-wave pa nang kamay si Inday. "Okay bye, see you," sabi sa akin ni Aden at nginitian ako. Aba parang nahipan nang hangin ang lalaki na iyon ha. Ilang beses na siyang ngumiti ngayong araw na ito. Nakakapanibago ha laging seryoso ang pag mumukha ng timang na iyon. Hayaan na nga, makapasok na nga sa room baka hinihintay na ako ng dalawa kong matalik na kaibigan.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD