Episode 4

2029 Words
Episode 4 Tristan Deib Saffiro   Papunta ako sa library, nang makita ko na magkasama si Aden at si Natalia na papalabas sa pinto nang library. Dali-dali akong nagtago sa gilid nang isang room para hindi nila ako makita. At nang tuluyan na silang makaalis lumabas na ako sa tinataguan ko.   Nakita ko silang patungo sa likod ng school. Ano kayang gagawin nila doon. Tanong ko sa sarili ko, at hindi ko matiis kaya naman sinundan ko sila.   Tuluyan na silang nakarating sa likod ng school, kung saan may mga upuan doon para tambayan. Umupo ako sa pangatlong upuan malapit sa puwesto nila, para marinig ko ang usapan nila.   Nag umpisa nang mag-usap ang dalawa at nikikinig lang siya. At para akong nabingi sa narinig ko, ang mga salitang binitawan ni Natalia, para kay Aden.   Gusto kita Aden. Mga katagang dumurog sa aking puso, nang pinong-pino nang dahil sa sinabi ni Natalia kay Aden. At unti-unti akong nanlabot, kaya naman tumayo na ako para umalis sa lugar na iyon.   Kung kailan unti-unti ko nang nalalaman, kung ano talaga 'tong nararamdaman ko para  kay Natalia. Ngayon ko pa malalaman na gusto niya pala ang kaibigan ko.   Kaya naman lumayo nalang ako sa lugar na iyon at bumalik sa room, hihintayin ko na lang ang next class namin.Nang makarating ako sa room nadatnan ko na naglolokohan ang dalawang timang na si Drake at si Ajus.   "Hey bro, ba't para kang pinagsukluban ang itsura mo?" bungad na tanong sa akin ni Ajus nang papalapit na ako sa kanila. "Oo nga bro,"  dagdag pa na sabi ni Drake sa akin.   Diretso lang ako sa upuan ko, at humarap ako sa kanila. Damn it! Sasabihin ko ba sa kanila ang nangyari? f**k! Nag dadalawang isip ako, baka tuksuhin pa ko nang mga mokong na ito.   "What will you do when, the girl you like, has like someone other than you?" tanong ko sa kanila na ikinatanga nila.   "Tang'ina bro may natipuhan ka nang babae?" takang tanong sa akin ni Ajus, at gulat pa rin at itsura nito. Ako kasi iyong tipo nang lalaki na charming pero, hindi mo makikitaan na may   matitipuhan na  babae. Kung bagay parang itsura na walang alam sa salitang love. Kasi nga gusto ko pag-aaral muna ang unahin ko. Ayokong kasing madisappoint sila mommy, kaya lang tinamaan ako kay Natalia eh.   "Hoy bro!" sigaw sa akin ni Drake at may kasama pang tapik sa balikat ko. Para mahimasmasan ako, at bumalik sa katinuan. "Okay, ka lang natutulala ka jan. Tumira ka ba nang katol ha?" dugtong na tanong sa akin ni Ajus, at pinag mamasdan ako ng maigi. "A-ah oo," nag-aalangang sagot ko sa kanilang dalawa. "Nagkatol nga ang gago na ito, wala sa sarili eh," tatawa-tawa pang sabi sa akin ni Ajus, at bumaling kay Drake na may kinakalikot sa phone niya.   "Hoy tukmol halika rito, tulungan natin itong si Tristan," sabi ni Ajus kay Drake na busy sa phone niya. Pero tumalima naman sa sinabi ni Ajus, at itinigil ang kanyang ginagawa. "Sino ba iyang chicks na sinasabi mo bro?" tanong sa akin ni Drake. "Si Natalia, yung SSG President dito sa school," sagot ko sa kanila na walang pag-aalinlangan. "Gago pare ang ganda non," sabi sa akin ni Ajus na hindi makapaniwala na si Natalia ang babaeng nagugustuhan ko. "Oo nga eh,  kaya lang nalaman ko may iba siyang gusto. At saka umamin na siya rito. Siguro nga baka sila na niyan sa mga oras na'to," malungkot na sabi ko sa kanila na ikinatingin nila sa akin. "Paano mo naman nalaman?" tanong sa akin ni Drake. "Narinig nang tenga ko at nakita nang dalawang mata ko," sagot ko naman kay Drake. "Oo nga naman, maririnig niya ba sa ilong, at saka makikita niya ba sa bibig ha Drake," pilosopong sabi ni Ajus kay Drake. “f**k you ka Ajus!” he looks annoyed, while he raising his middle finger to Ajus. Talaga itong dalawa na'to laging may banat sa isa't- isa lagi nalang naglolokohan. Hay magkakaibigan nga naman ako nang mga takas sa mental.  At bigla nalang nila akong inakbayan sa balikat.   Sabay sabing "Ayos lang yan tol marami pa naman iba jan, at sa gwapo mong yan marami ngang nagkakagusto sayo eh. Malay mo pagdating nang araw mapasayo din si Natalia," payo nila sa akin. Minsan may lumalabas din na magagandang salita sa bibig ng dalawa na ito.   Kahit masakit ang aking puso sa nalaman ko. Napagaan naman ito ng dalawang kong kaibigan na handa akong damayan.     Loko- loko man sila at minsan may topak ang mga utak ng mga kaibigan ko. Pero asahan mo sa oras nang pangangailangan lagi mo silang karamay. Kaya hinding-hindi ko sila itatapon kahit anong mangyari.   Nagkukwentuhan lang kami nila Drake at Ajus habang inaantay ang oras, nang pumasok sa room si Aden na seryosong ang mukha.  Sabagay ganyan naman lagi aura niyang si Aden.   Ano na kayang nangyari sa kanila si Natalia, sila na bang dalawa? Tanong ko sa isip ko. At hindi ko napansin na nakaupo na siya sa tabi ko. "Oy bro, may sasabihin ako," sabi ni Aden sa akin na kinabigla ko. "Oh ano iyon?"  balik ko namang sabi sa kanya. "Alam ko kahit hindi mo sabihin sa akin na gusto mo si Natalia, nakikita ko iyon sa mga mata mo, at sa pagtitig mo sa kanya pag nakikita mo siya dito sa school. Kaya naman ni-reject ko siya," deretsiyahang sabi sa akin ni Aden. At nakikinig lang sila Drake at Ajus sa amin dalawa ni Aden. "Bakit mo naman siya nireject bro? Hindi mo ba alam na masasaktan siya sa ginawa mo," sabi ko sa kanya na parang naiinis sa ginawa niya kay Natalia.   "Hindi ko siya gusto bro, kaibigan lang talaga ang turi ko sa kanya hanggang doon lang iyon, at saka alam kong gusto mo siya kaya ayoko siyang patusin," sagot niya sa tanong ko.   Kaya naman kumalma ako, at natutuwa sa mga narinig ko kay Aden. Kaso nalulungkot ako sa nararamdaman ngayon ni Natalia, sigurong nagdaramdaman iyon dahil sa pagre-reject sa kanya ni Aden.   "Salamat bro ha," sabi ko sa kanya habang may ngiti sa mga labi, at saka kami nagtapikan ng balikan.   Hindi ko akalain na sa mga salitang narinig ko kanina na dumurog sa aking puso, ay may kalalabasan din palang masaya na balita. At mayroon na akong pagkakataon na sabihin kay Natalia ang nararamdaman ko, kailangan ko lang kumuha nang tiempo.   Ipinagpatuloy namin ang pagkukwentuhan habang wala pa ang last subject namin. Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang aming guro, at nagsimula na itong mag-discuss nang lesson. Nang matapos siya sa pagdi-discuss ay nag-aayos na kami ng mga gamit namin nang magsalita ulit si Sir Dave.   "Ah class next week pala meron tayong Camping na gaganapin sa Camp Rock," paalala sa amin ni Sir Dave, at saka na nagpaalam.   Excited naman ang mga kaklase ko, kaya naman nag-uusap na kong ano-ano ang gagawin at dadalhin nila. Kanya-kanya sila nang grupo, at tila ba nagbabalak nang kung ano-ano.   Nanahimik lang ako sa upuan ko, wala naman kasi akong maisip na gawin. Sa gitna nang pananahimik ko bigla nalang nagsalita si Ajus, at sabay-sabay kaming napatingin sa kanya.   "Alam ko na bro, bat di ka nalang umamin nang nararamdaman mo para kay Natalia, pag nag-camping tayo," suggestion niya sa akin. Ba gumagana ata ang utak ngayon nang lokong ito ha. "Oo nga bro, tutulungan ka namin,"dagdag pa ni Aden na ngayon ay pangiti-ngiti. "Sige magandang idea iyan," sabi ko naman sa kanila. At napag-usapan na namin ang mga plano namin sa camping ay ang pag-amin ko kay Natalia.   Nang matapos naming pag-usapan ang mga plano namin sa camping sa susunod na linggo, ay nagkanya-kanya na rin kami para umuwi. Tapos na rin kasi ang klasi namin kaya napag-isipan na naming umuwi.   Mabilis na lumipas ang mga araw, at hindi ko namalayan na bukas na pala yung camping namin sa Camp Rock. Isa sa mga kilalang magandang lugar ang Camp Rock. Dahil nakakamangha ang lugar, at maraming makikita doon na halaman at nandoon ang kilalang beach sa lugar na iyon.   Knowing our school. Nakilala dahil mga pakulo nito. Na kahit sa mga filed trip at camping, they want the best. Maaga palang ay aligaga na si mommy, palagi niyang pinapaalala ang mga dapat kong dalhin.   Minsan nga naririndi na lang ako eh. Nasiisip ko na yung pangit kapag mama’ boy ka. “Iyong lotion mo, yung mosquito repellant mo?” maraming tanong ni mommy, ulit-uit na nga lang nakakasakit ng tenga. “Mom ulit-ulit ka na lang kamo, I am a grown man already.” Napaismid naman si mommy na umaaktong nagtataray. “Tigilan mo ako Tristan Deib Saffiro, 4 years ago hindi ka pa tuli tapos ginaganyan mo na ako,” malakas na sabi ni mommy. Pati tuloy iyong mga katulong nakatabi naming ay natatawa.   Fuck! I am so embarrassed. Napailing na lang ako at saka na nagpahatid sa meeting place naming, which is sa parking lot ng school. Kung hindi ako aalis doon baka matuliro ako sa mga sasabihin ni mommy.   Maaga pa at madilim sa labas. Pagpa five pa lang ata nang umaga, at inaantok pa ko. The trip is short, na agad kaing nakarating sa school.   Tinulungan ako ni Mang Jun na ibaba ang mga gamit ko. One of the school attendant helps us na ipasok sa trunk ng bus yung mga bag ko.   Di nagtagal nakita ko rin iyong tatlong kulugo. Si Ajus na mukhang nangchi-chicks, si Aden na nagbabasa ng libro kahit madilim pa, at si Drake na mukha pang wala pa sa sarili. “Hi mga bulbol,” bati ko sa kanila. Agad naman akong inakbayan ni Ajus.   “I love you too din bro,” bakla-baklaan niyang sagot sa akin. Pinakita mo naman sa kanya ang kamao ko. Nagusap-usap muna kami, at pinaalala nila ang dapat kung gawin. Bigla akong kinabahan eto na pala ang araw na sisimulan ko nang manligaw kay Natalia.   Sumakay na kami sa bus. Mukha namang ayos ang loob iyon nga lang pandalwahan lang ang upuan. At kung minamalas ka nga naman, si Ajus pa ang nakatabi ko.Putangina pagbaba naming nang bus baka baliw na ko.   Hindi ako natamihik buong biyahe dahil sa katabi ko. Parang bakla ang puta kung makayakap sa akin. Akala mo kikidnapin siya. Kaya yung dalawang tukmol sa likod naming kanina pa tawa ng tawa dahil sa katabi ko, ako na naman ang napagtripan nila.   Maya-maya ay may ilalabas si Ajus sa bag niya. Mantakin mo ba naman magbaon siya nang mangga na may bagoong  s**t umamoy sa aircon. Kanya-kanyang takip nang ilong iyong sa bus. Tangina nakakahiya lahat sila nakatingin sa amin.   Nagpasalamat ako sa poong may kapal nang makarating kami sa Camp Rock. Natapos na din ang kalbaryo ko sa gagona si Ajus. May saltik sa utak e. Hindi na ako nasanay.   Mineeting kami n gaming instructor kung sino-sino yung makakasama naming sa ten. At sinabi na rin sa ain na magkakaroon kami nang ib’t-ibang laro, at makakalban naming ang mga ibang section. Nang maapos kaming i-orient ng instructor naming, at saka na siya nagpaalam.   Nang tuluyan na kaming nagkahiwa-hiwalay nang mga kaklase naming kami na lang apat na magkakaibigan ang nagsama-sama. Hinihanda na na naming yung mga gamit namin, at para na rin umpisahan na naming itayo ang tent naming na magsisilbing tulugan namin. Isang oras ang ginugol namin bago namin natapos na itayo ang tent.  Nagpapahinga kami ngayon sa isang malaking puno. At nagkakwentuhan na rin at nagbibiruan. Ayaw kasing tumigil ni Ajus sa gaguhan niya, kaya hindi kami matamihik magkakaibigan tapos sasabayan pa ni Drake na may toyo din.     Tanghali na rin noong pianatawag kami ulit para mag-umpisa na sa larong gaganapin. Magkakasama kami apat, at kalaban naman ang ibang grupo. Unang laro ay ang tail tag na kung saan may isang lubid na kailangan hawakan nang magkalabang grupo, kung sino ang unang bumitaw at lumagpas na line na nasa gitna ang siyang talo.   Dahil nga tabing dagat kami, at maraming babae ang nanunuod sa amin kasama na si Natalia ay may naisip kaming kalokohan. Naghubad kami ng damit at nag-iwan lang nang short. Kaya naman kita ang aming magagandang  hubog ng katawan.   Hindi maiwasan na magtili nang mga babae lalo na ngayon na wala kaming pang-itaas na suot. “Pre huwag tayong papatalo,” saad ni Drake habang tinitignan yung mga chicks niya, sabay kindat sa mga ito. Natawa pa nga ako kasi may nahimatay, lakas talaga ng gago.   At napatingin ako sa kaliwang bahagi, nakita ko si Natalia na nanunuod sa amin. Nagtama ang mga mata namin kaya naman napangiti ako sa kanya.                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD