Episode 5

2094 Words
Episode 5 Natalia Nunez   What is happening to me? Why is my heart beating so fast? Just because his smiling at me. What is this feeling? takang tanong ko sa sarili ko.   Nginitian lang ako ni Tristan, pero ba’t parang sasabog na ang puso ko sa bilis ng t***k nito. Hindi pwede ito, si Aden ang gusto ko. Ba’t sa simpleng ngiti lang ni Tristan sa akin  ay nagre-react ng ganito ang puso ko.   Pinapanuod ko lang ang mga grupo na naglalro nang tag tail. Pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi mapatingin sa grupo nila Tristan. Lalo na sa kanya, gwapo naman si Tristan, charming, gentleman din pero hindi katulad ni Aden na hinahangaan, at ideal man ng mga kababaihan na kagaya ko.   Si Aden kasi yung tipo ng lalaki na tahimik, bihira mo lang makitang ngumiti kasi laging seryoso ang mukha. Pero kahit ganyan iyan mabait, gentleman at maasahan sa ano mang-oras kaya naging magkaibigan kami e.  Maraming nagkakagusto kay Aden, at isa na ako doon. Iyon nga lang ay mukhang hindi ako iyong tipo ni Aden, and I am quite disappointed with it.   Lahat naman ata sa kanilang magkakaibigan ay maraming nagkakagusto. Dahil na siguro sa mga gwapo sila, talented at mabait. Walang pwedeng itapon sa kanila, lahat sila pinagpala sa kagwapuhan.    Sa pag-iisp ko hindi ko namalayan na tapos na pala ang game, kaya naman nagulat ako nang bigla na lang sumulpot sa harap ko si Tristan. I was stunned for a moment, hindi dahil sa gulat kung hindi dahil sa maamong mukha niya. Damn it! It should be a sin to have such a handsome face.   “Hi Natalia,” bati sa akin ni Tristan na may genuine na ngiti, gosh ba’t ba kung makangiti ‘to  sa akin parang inaakit ako. Nag-isip muna ako nang tamang sasabihin. I can feel butterflies in my stomach. Para ding tinatambol ang puso ko sa sobrang bilis nito. Naguguluhan ako sa mga nararamdaman ko na ito. There is something wrong with me.   Huminga muna ako nang malalim bago sumagot. “Hi Tristan,” batik o na may tipid na ngiti, pinipigilan ko kasi yung nararamdaman ko. I can also feel the burning gaze of some girls envying me. Nagseselos marahil sa akin, dahil kinakausap ako ng lalaking pinagpapantasyahan nila.   Nakita ko na parang natutula nang kaunti sa akin si Tristan. Nauutal siyang sumagot sa akin. “Can we be friends?” tanong niya sa akin na parang nahihiya pa. “Yeah sure,” sagot ko naman sa kaniya na nag-aalangan, dahil hindi ako mapakali sa nararamdaman ko. “Thanks Natalia, kita na lang tayo mamaya,” sabi niya sa akin, at umalis na sa harap ko. At nagtungo kung nasaan ang mga kaibigan niya. Nang makaalis na si Tristan, bumalik na ako sa tent namin nila Irish at Mhaica. Nadatnan ko si Irish na busy sa pagsusulat nang kanyang story sa kanyang laptop.  Napangisi naman ako sa kanya. “Hindi ba bawal gadgets Irish?” tanong mo sa kanya habang pinagdidilatan ko siya ng mata. “Hoy, huwag ka ngang maingay dyan,” sabi niya sa akin na naiinis pa ang itsura niya. “Bahala ka nga dyan,” sabi ko nalang sa kanya at iniwan siya , at nagtungo kung nasaan si Mhaica.   Ang tigas talaga nang ulo ng babae na iyon. Hanggang dito ba naman sa camping dala-dala niya ang kaadikan sa pagsusulat nang stories. Hay wala akong mapapala sa kaibigan ko na ito.   Habang nasa tent kami at nagpapahinga, ay bigla naman kaming tinawag nang instructor namin. Activity na pala naming mga babae. We will be playing beach volleyball as our activity.   Everything will be composed of six members every team, and thank goodness kasama ko si Irish at Mhaica sa team.  Hindi kasi ako sanay na makihalubilo sa ibang girls. Even though, I am the SSG President.   Tinawag na ang pangalan ng kanya-kanyang team, at nakipagkamay ang bawat isa-isa bilang simbolo nang respeto sa bawat isa or support man ship.   Nang tuluyan na matapos iyon, they explain the rules of the game, and we start. The referee will use a coin to distinguish who will serve first. Luckily we get the first ball.   Yung mga kalaban namin ay pini-personal ang laro namin. Ilan sa kanila ay sinasadyang patamaan ako sa balikat. Kaya naman nag-iinit na rin ang ulo ko. At nang mga barkada kung si Irish at Mhaica, kaya naman nagkatinginan kaming tatlo, at nagtanguan bilang signal na kailangan na namin magseryoso.   Nagpatuloy ang laro, lamang nang apat na puntos ang mga kalaban namin, kaya kailangan naming humabol para hindi kami matalo. Sakto namang ako na ang magse-serve , huminga muna ako bago ko nag-serve. Hindi tinamaan ni Ella, isa sa mga kalaban namin kaya naman napangiti ako. Pangalawang serve ko hindi pa rin nila na nahabol, kaya naman puntos ulit sa amin. Ilang serve pa ang aking ginawa, hanggang sa lumamang na kami ng six points sa kabilang team.   Finals na kaya naman mas lalo pa namin na pinagbuti, hanggang sa natapos na ang oras. Nang in-announced na ang scores ay panalo kami. Nakipagkamay ulit kami sa isa’t-isa, at napansin ko na isa sa mga kalaban namin na si Ella ay masama ang tingin sa akin.   Hindi ko na lang siya pinansin, at pumunta sa team ko para makipag-group hug. Masaya kaming tatlo dahil napanalo namin ang una naming laro. Habang naglalaro kami kanina, dinig ko kung paano ako ipag-cheer ni Tristan. Kalalaking tao kung makasigaw parang wala ng bukas. At dahil sa pag-chicheer niya sa akin ay maraming mga kababaihan na masama ang tingin at naiinis sa akin.   Hinayaan ko na lang sila at nagpatuloy na kaming maglakad na tatlo patungo sa tent namin. Kukuha lang kami ng mga damit, para makaligo na kami dahil sobra na ang lagkit ng katawan namin dahil sa pawis.   Nakapagpahinga naman na kami kanina, at hindi na pagod ang katawan namin kaya naman pwede na kaming maligo. Pagkatapos naming kumuha ng kaniya-kaniyang damit ay nagpunta na kami sa girls comfort room. Hindi naman ito kalayuan  sa tent namin. Kaya naman madali lang kaming nakarating dito, at nag kaniya-kaniya nang pumasok.     Pagkatapos naming maligong tatlo, ay naglakad na kami patungo kung nasaan ang tent namin. Nasa kalagitnaan na kami nang paglalakad naming tatlo, bigla nalang humarang sa dinaraanan naming sila Ella, at ang tatlo niya pang kaibigan. “Hey girls, ito na ang b***h na hinihitay natin,” sabi ni Ella sa mga kasama niya, habang ang mata niya ay nakatingin pa rin sa akin na may pang-uuyam. “Ella ayaw namin ng away kaya padaanin niyo na lang kami,” malumanay na sabi ko sa kaniya. Ayokong makipag-sagutan pa sa kaniya kaya naman naglakad kami ulit nila Irish at Mhaica. Hindi pa kami nakakalayo, nang bigla na lang hilahin ni Ella ang buhok ko. “Kinakausap ba kitang malandi ka,” galit na sabi niya sa akin, hawak niya pa rin ang buhok ko. “Ano ba Ella bitawan mo ko, nasasaktan na ko,” nagmamakaawang sabi ko, habang tinatanggal ko ang pagkakasabunot niya sa buhok ko. “Mang-aagaw ka inagaw mo si Tristan sa akin kaya humanda ka,” tila pa rang isang lion si Ella na galit na galit. Tinutulungan ako nila Irish at Mhaica nang tanggalan ang pagkakasabunot ni Ella sa buhok ko. Ngunit malakas siya at inaawat nang mga kasama niya sila Irish at Mhaica. Nagtitingin na ang mga ibang tao na naroon, ngunit hindi sila makalapit sa amin.   Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak ni Ella sa buhok ko, nang bigla na lang may malakas na kamay na humila kay Ella para matanggal ang pagkakasabunot nito sa akin.   “Ano bang ginagawa mo Ella, bakit mo sinasaktan si Natalia?” tanong ni Tristan kay Ella. Hindi maipinta ang mukha ni Tristan habang nakatingin kay Ella. “Wala akong ginagawa sa malandi na iyan, siya ang unang umaway sa akin,” pagsisinungaling ni Ella na nagmamakaawa pa ang mukha. “Wag ka ngang magsinungaling Ella, marami ang nakakita sa ginawa mo. At hindi naman marunong makipag-away itong si Natalia,” sabi ni Tristan kay Ella.   Hindi ko alam bakit bigla na lang parang may humaplos sa puso ko, sa ginawang pagtatanggol sa akin ni Tristan.  Nilapitan ako ni Tristan, at hinawakay ako sa pulsuhan. Hinila niya ako, at nagpaubaya na rin ako. Marami kasi ang tao na naroon, nang lumingon ako sa likuran ko nakita ko yung dalawang kaibigan ko na nakangiti, at tinanguan ako.   Hila-hila pa rin ako ni Tristan, hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nang bigla na lang kaming huminto sa ilang malaking puno na may upuan, at matatanaw ang dagat. Tuluyan na kaming umupo, at nakatanaw lamang sa dagat. Wala pang gustong umimik sa amin, nang biglang basagin ni Tristan ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Okay ka lang ba, may masakit ba sa iyo,” may pag-aalala sa boses niya, at makikita mo ito sa gwapo niyang mukha.   Bigla nalang bumilis ang t***k nang puso ko. Natulala ako sa napakagwapo niyang mukha. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Bakit ba ganito siya kung mag-alala sa akin? Iyan tuloy nagre-react ang puso ko. Sabi ko sa sarili ko nang hindi sinasagot ang tanong niya.   Naiiling na lang ako, dahil hindi ko malaman kung ano itong nararamdaman ko. “A-aah ayos lang ako,” nauutal na sagot ko sa kaniya. “Ayos ka lang ba talaga,” nag-aalalang tanong niya ulit sa akin. “Oo naman, ayos na ako,” sabi ko kay Tristan na may ngiti sa aking mga labi.   Nang makita niya na akong ngumiti, parang naging panatag na siya. Ngumiti na rin siya sa akin. “Tristan salamat pala,” sabi ko sa kanya, at nakatingin ako sa mukha niya. Habang nakatingin siya sa karagatan. “Wala iyon ginagawa ko lang kung ano ang tama,” aniya sa akin na hindi inaalis ang mga mata sa dagat.   Nakaupo lang kami, at nakatanaw sa dagat. Walang gusting umimik sa aming dalawa. Tila na parang pareho kami nang nararmdaman. Kahit walang lumalabas na salita sa aming mga labi, nagkakaintindihan naman ang aming mga damdamin.   Ilang minuto lang kami ganun, nang bigla na lang magsalita ulit si Tristan. Humarap siya sa akin, at nagtama an gaming mga mata. Walang gusting umiwas nang tingin kaya naman magkatitigan kami. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, napakalakas nang t***k nang puso ko. Para akong maha-heart attack sa bilis nito.   “Natalia… Tukmihim muna siya ulit, at tilang kinakabahan siya habang nakatingin sa akin. “Natalia, Can I court you?” tanong sa akin ni Tristan, na may kaba na makikita sa mukha niya. Naguat ako sa tanong ni Tristan, hindi ko alam ang isasagot ko. Lalo na isa ko pang iniisip kung bakit bumibilis ang t***k nang puso ko sa kanya.    Hindi naman siguro masama na umoo ako, nakakahiya kasing tanggihan ang isang gwapo na katulad niya. Hindi naman siya mahirap magustuhan e. Isa pa gwapo siya, gentleman at charming. “Oo sige,” nag-aalangang sagot ko sa kaniya. “Yes, thank you Natalia,” masayang sabi ni Tristan, at nagtatalon habang may pasuntok pa sa hangin.   Natawa na lang ako sa ginawa niya, para siyang nanalo sa luto. Hindi ko mapigilan habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko inakala na may ganitong side pala ang gwapo na si Tristan Deib Saffiro.   Nagtambay pa kami nang ilang minuto roon, at nagkwentuhan. Nang maisipan naming bumalik sa site kung nasaan ang mga tent namin. Nag-umpisa na kaming maglakad, hindi naman malayo ang lugar kung nasaan ang site kaya naman agad naming itong natanaw.    Hindi nangtagal ay nakarating na nga kami sa site, kung saan nag-aabang na pala ang mga kaibigan niya at ang daawa kung kaibigan na sila Irish at Mhaica.   “Saan ba kayo nagpunta bro?” bungad na tanong sa amin ni Drake isa sa mga kaibigan ni Tristan. “Dyan lang malapit sa dagat,” agad namang sagot sa kaniya ni Tristan. “Hay girl, kanina pa kayo naming hinahanap. Halika na nga Natalia, at may pag-uusapan pa tayong tatlo.” Sabi ni Mhaica sa akin, at hinila na ako papalayo sa apat.   Humarap ako sa likuran para magpaalam, at kinawayan ko na sila habang nagpapatianod kay Mhaica at Irish. Hindi ko alam kung bakit parang ang gaan, at ang saya nang pakiramdam ko ngayon.   Nakarating na nga kami sa tent naming tatlo. Agad naman akong pinaupo nang dalawa, at humarap sa akin. “Hoy bruha, saan kayo galing ni Tristan?” mataray na tanong ni Mhaica sa akin, na nakataas pa ang isang kilay. “Doon lang sa tabing dagat,” walang pag-aalinlangan na sagot ko sa kanila. “Ikaw girl, wala kang sinasabi sa amin tungkol sa inyo ni Tristan,” nanunuksong sabi sa akin ni Irish habang nangiti pa. “Ano ba kayo, walang kami no. At saka tinanong niya lang ako kung pwede niya akong ligawan.” Seryosong sagot ko sa kanila. Grabe ‘tong mga kaibigan ko advance kung mag-isip. “Ayiiiieeeee kinikilig ako girl,” tiling sigaw nilang dalawa.   Shit ang sakit sa tenga ang boses ng dalawa na ito. Hinayaan ko na lang silang dalawa na magtitili doon, at pumunta na ko sa pwesto ko para magpahinga. At hindi ko namalayan ay tuluyan na akong nakatulog.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD