Episode 9
Tristan Deib Saffiro
"f**k! sagutin mo ko Natalia?" sigaw ko sa kanya, hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Ang sakit kasi kung kailan masaya kami, at balak ko nang mamuhay na kasama siya, ay ngayon niya pa gagawin to.
"Mahal kita Tristan…but I'm sorry," paghingi niyang ng tawad sa akin, at tulyan nang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ako nakaramdam nang awa noong nakita ko siya umiyak, kung hindi galit ang nangingibaw sa akin ngayon.
"Putangina! Kung mahal mo ko hindi mo ko iiwan nang mag-isa para lang jan sa pangarap mo!" galit na sigaw ko sa kanya. At iniwan na siya doon, hindi ko na inantay pa ang sagot niya dahil sobra na yung sakit dito sa dibdib ko.
Hagga't kaya ko pang pigilan ang sarili ko na hindi siya saktan, at baka kung ano pa ang masabi ko sa kanya sumakay na ako nang kotse ko. At pinaharurot ito nang mabilis, hindi ko alam kung saan ako pupunta.
NATAGPUAN ko na lang ang sarili ko sa isang bar. Gusto kong makalimutan ang sakit na nararamdaman ko. Parang pinupunit ang puso ko sa maliliit na piraso. Gusto kong magpakalunod sa alak ngayon, kaya naman iyon ang ginawa ko.
Matagal-tagal din akong nanatili sa bar na iyon. Tinawagan ko rin kanina sila Ajus kaya naman narito sila ngayon kasama mo.
"Pre ba't ka ba naglalasing ha?" tanong sa akin ni Drake na nilalagok ang alak na hawak niya. May pagtataka sa kanyang mukha.
"Oo nga Tristan, ano bang nangyari?" dagdag pa na tanong ni Aden.
"Iiwan na ako ni Natalia," sabi ko sa malungkot na boses. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko para iwan niya ako at piliin ang pangarap niyang magmodelo.
"Hayaan muna pre, babalik din iyon sa iyo," sabi ni Ajus sa akin. Itong mokong na 'to kahit minsan puro kagaguhan ang alam pag minsan may pagkaseryoso rin.
Nag-inuman lang kami buong gabi, hindi ko na nga namalayan na nakuwi na pala ako. Sa sobrang kalasingan ko, wala na akong maalala sa nangyari kagabi.
Bigla akong napabalikwas nang tayo nang maalala ko na ngayong araw na ito ang alis ni Natalia. Kailangan ko siyang makausap, at mapigilan. Dali-dali akong pumunta nang banyo para maligo, agad din akong natapos. Nagbihis na ako, at nagtungo sa garahe. Sumakay na ako sa kotse ko, at pinaharurot ito patungo sa bahay nila Natalia.
Ilang minute lang ay nasa tapat na nga ako ng bahay nila.
“Kuya umalis nap o ba si Natalia?” bungad na tanong ko sa guard na naroon.
“Nako sir kakalis lang po ni Ma’am papunta po nang airport,” agad namang sagot sa akin ni Manong guard.
“Sige po salamat,” saad ko naman sa kanya.
Sumakay agad ako sa kotse ko, at pinaharurot ito patungong airport.
Habang nasa sasakyan ako kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko. Baka hindi ko na maabutan ang taong mahal ko. f**k s**t! Traffic pa.
Bumusina na ako para bilisan pa nang konti. s**t hindi ko alang ang gagawin ko. Ilang Segundo sa kakahintay ay umusad din ang traffic. Mga kalahating oras bago ko narating ang airport.
Pagpasok ko pa lang sa entrance nang airport sumalubong na sa akin ang napakaraming tao. Hindi maaninag ng mga mata ko si Natalia.
“NATALIA,” malakas na sigaw ko, wala akong pakealam kahit na pinagtitinginan ako ng ga tao. I need to her. Nang hihina ako na nagtingin-tingin sa paligid, at natanaw ng mga mata ko si Irish at Mhaica.
Agad akong nagtungo sa direksyon nila, nagulat pa sila ng makita nila ako na papalapit sa kinaroroonan nila.
“Where she is?” tanong ko sa kanilang dalawa.
Walang sumasagot sa kanilang dalawa. Parang walang balak magsalita sa kanilang dalawa kaya nanan nagsalita ulit ako.
“Where’s Natalia?” ulit na tanong ko sa kanila.
Biglang na lang silang umiling na dalawa.
“Wala na siya Tristan nakaalis na,” sagot sa akin ni Irish, at para bang nag-aalala ang mga mata na tumingin sa akin.
“Hindi, hindi niya gagawin sa akin ‘to. Hindi niya ko iiwan mahal niya ko e,” wika ko na para bang nawalan na ako nang lakas. Iniwan niya na ako.
Hindi ko namalayan may dumaloy na mainit na likido nanggagaling sa aking mga mata. Naiyak at napaupo na lang ako sa sakit na nararamdaman ko. Why did she leave me? I am not enough. f**k!
May inabot sa aking letter si Irish.
“Pinabibigay ni Natalia sayo,” sabi niya sabay tapik sa balikat ko. At umalis na kasama si Mhaica.
Naiwan akong nakatitig lang sa sulat na binagay niya sa akin, hindi ko para ito binubuksan. Nang mahimasmasan ako ay tumayo n ako at lumabas para magtungo sa kotse ko. Pagkasakay ko ay binuhay ko na ang makina ng kotse ko, at pinausad ito patungo sa bahay.
Nagpatuloy lang ako sa sarili ko, at para akong lutang na nawala sa katinuan. Hindi ko namalayan narating ko na pala ang bahay namin. Bumaba na ako nang kotse, at nagtungo agad ako sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama ko, at napatingin sa kisame. Hindi ko inisip na kaya pala niya akong iwan nang ganito. May mali ba akong nagawa para iwan niya. Kinuha ko sa bulsa nang pants ko yung letter na binigay ni Irish sa akin kanina at binuksan ko.
Dear Tristan,
I’m sorry Tristan, kung kailangan kitang iwan. Alam mo naman na matagal ko nang pangarap ito. Sorry kung hindi ko sinabi sayo no’n na may nag-offer sa akin na maging modelo. Ayaw kong sabihin sayo kasi alam ko hindi ka papaya sa gusto ko. I need to do this for our future. Alam ko na mas masakit pag nagpaalam ako ng personal. Sana mahintay mo pa yung araw na babalik ako nang buong-buo. Yung masasabi ko na nakamit ko na ang pangarap ko. Na maibibigay ko na ang sarili sa iyo ng buo. I just want to be free for a while, give me the space that I want. I just want to understand me. Minahal kita Tristan pero sa ngayon gusto ko munang mangarap para sa sarili. I’m sorry.
Sincerely
Natalia,
Para akong nanlamig sa nabasa ko, panandalian akong hindi makagalaw. Hindi kayang pumasok sa isip ko na iniwan niya ako para sa pangarap niya. Just the thought makes me crazy. I just f*****g cannot accept the fact that she is not deeply in love the way I love her.
Ako, handa akong ibigay sa kanya ang mundo, ang sarili ko, ang pangarap ko, at ang buhay ko. Pero siya nagawa niya akong ipagpalit para sa kakarampot na kalayaan para sa pagrampa niya sa entablado.
Siya na yung babaeng pinapangarap kong makasama hanggang sa huli, hanggang sa pagtanda ko. Kaya napakasakit para sa akin na hindi ganoon ang nararamdaman niya para sa akin.
I imagine that she will walk on the aisle to marry me, that she will say I do on our vow, that we will promise to love from richer to poorer. At siya na ang magiging ina ng mga anak ko, siya na ang babaeng magiging ilaw ng tahanan namin, at siya ang uuwian ko. She will be my only hope, my only home.
Ang sakit isipin na hindi katumbas ng pagmamahal ko ang pagmamahal niya para sa akin. Sa oras na ito ang gusto ko lang gawin ay ang lunurin ang sarili ko sa alak.
May biglang pumasok sa kwarto ko kaya napatingin ako roon. Nakita ko naman ang seryosong si Aden na lumapit sa akin. Nakita niya ako sa pinakamahinang parte ng buhay ko. Kung saan punong-puno ng luha at lungkot ang aking mukha. Napasandal na lang ako sa headboard ng kama, tila hindi maawat ang luhang dumadaloy sa aking mga mata.
Nilapitan niya ako. “Sige lang pare iiyak mo lang yan hindi nakakabawas sa p*********i mo yan,” sambit niya habang inaabot sa akin ang isang puting panyo.
Hinayaan ko munang tumulo ang aking mga luha. “Ba’t ka pala nandito?” tanong ko sa kanya pagkatapos kong punasan ang mga luha na bumagsak mula sa mata ko.
“Alam na namin ang nangyari, kaya nandito kami para damayan ka,” wika niya at binuksan ang pinto.
“Tara na shot na natin,” bungad na sabi ni Ajus habang may hawak pang whiskey sa kaliwang kamay, at may dala pang naka-cellophane sa kanyang kanang kamay. Pulutan siguro yun. Talagang ang gago lang nang tukmol na ito. Handang-handa sa inuman.
Tuluyan nan gang pumasok sa kwarto ko si Ajus, kasunod si Drake na may dalang shot glass kasabay ng pagngisi nito. Alak na alak na panigurado ang gago, kaya naman ngayon! Walang uuwi na hindi gumagabang ng dahil sa kalasingan!
Umupo na kmai paikot sa sahig. Binuksan ang mga chichirya, ang sisig at lechon manok na pulutan namin. Mayroon silang dala na Black Label, Jack Daniel at Alfonso. Balak talaga nila akong malasing. Ako marahil ang bibinyagan nila ngayon. Ako ang unang na in love sa grupo, at ang unang naging biktima ni Kupido.
“Gago pre, ang pangit mo pala na umiyak ano?” sabay nakakaasar na tawa ng gago, ginatungan pa ni Drake. Kaka-ulol pang-aasar nila sa akin.
“Tangina niyong mga kaibigan. Sana kayo rin, mahanap niyo na yung babaeng katapat niyo,” saad ko na may ngisi sa labi. Para naman silang kinilabutan sa sinabi ko.
“Pera usog gago! Huwag naman!” ani Drake, ayan pota babaero kasi. Ito naman ako, stick to one pero iniwan pa rin.
“Ha? Walang usapan ng karma ditto mga ugok. Tara at shot na tayo aba!” sambit ni Ajus sabay puno ng alak sa shot glass at ipinasa sa akin.
“Hoy, palitan niyo nga itong tanggero natin. Madaya e,” reklamo ko naman. Tinawanan lang ako ng mga demonyo kong kaibigan. Napapailing na lang ako at naisip, naisip ko na kailangan ko nga naman na malasing, para kahit panandalian lang ay malimutan ko na nasasaktan ako ngayon.
“Mahal na mahal mo talaga pare ano? Naalala ko noong bata tayo, ikaw yung tipo ng tao na hindi basta-basta iiyak, yung tipo ng tao na hindi agad panghihinaan ng loob. Kaya nang nakita kita kanina, natakot ako. Parang ang sakit pala na ma in love ano?” ani Aden na siyang pinakamatinong nagsalita kaysa roon sa dalawang mga bugok.
Ngumiti naman ako, ngunit batid nila na hindi ito ngiti ng kaligayahan. This is a smile of sadness, a smile that shows my mourning emotion.
“Alam niyo naman kung gaano ko siya minahal. Pare saksi kayong lahat kung paano ako nag-effort para kay Natalia. Kasi noong oras at panahon na sinagot na niya ako, siya na yung babaeng para sa akin. Siya na yung babae na gusto kong pakasalan at sabihan na mahal ko siya hanggang sa pagtanda namin,” sambit ko habang naiiyak na naman ako.
“Baka par aka talaga sa bakla, pa-kiss nga ako,” biro ni Ajsu. Binatukan ko naman siya. Gago ampota, kadiri.
“Gago, huwag kang magbiro ng ganyan Ajus. Ikiskis mo na lang iyan sa pader.”
“Hindi rin naman kami makapaniwala ano. Hindi namin lubos isipin na mangyayari iyan. Hindi kasi halata na maghihiwalay pa kayo. Pre ang perpekto nan g relasyon ninyo. Legal na kayo sa mga pamilya ninyo. Pwede na nga kayong magpakasal at bumuo ng pamilya e. sino nga ba ang mag-aakala,” sambit naman ni Drake na mukhang seryoso na sa aming usapan.
Mapait naman akong ngumisi, “Wala e, ano pa nga ba ang magagawa ko, kung mas higit niyang mahal ang pangarap niya kaysa sa relasyon namin. She can sacrifice our relation for her f*****g dreams.”
Natulala na naman ako ng ilang sandal bago kinuha yung iinumin na sanang alak ni Ajus.
“Pare akin iyan! Aba, kanya-kanya tayong lagay ng yelo a!” reklamo ng gago.
Sininghalan ko naman siya. “Baka nakakalimutan niyo lang ha? Nag-iinom tayo dahil broken ako mga pre?” paalala ko sa kanila at pinagpatuloy ang pagtungga ko sa alak.
“Sabi ko nga e, ayan sayo na pati baso remembrance ko sayo,” sagot niya sa akin. Gago talaga itong si Ajus kahit kailan. Hindi ako pinatawad kahit alam na broken hearted ako ngayon.
“Sige ganyanan na ha tangina mo,” saad ko sa kanya. At nagptuloy lang kami sa inuman. Nagkukwentuhan sila pero ako ang laman nang isip ko ay ang pag-iwan sa akin ni Natalia.
Sa tuwing naaalala ko ang walang kwentang dahilan niya, sumasakit at sumisikip ang dibdib ko sa sobrang sakit ng ginawa niya. Hinding-hindi ko makakalimutang ang araw na ito, ang araw kung kailan niya ako binago.