Mula sa bayan ng Praespero ay tahimik na naninirahan ang angkan ng Sugatzu. Hindi man ganoon kalaki ang kanilang nasasakupan ay kilalang-kilala naman ang kanilang angkan dahil sa yamang kanilang tinataglay. Mga yamang nagkakahalaga ng bilyon-bilyong dolyar dahil sa pambihirang kakayahan at kapangyarihan ang nakapaloob nito. Isang umaga, habang papasibol pa lang ang araw ay masayang pinagmamasdan ng mag-asawang Magnus at Dea ang kanilang anak na si Acutus. Limang buwan pa lamang noong isilang ito ay kita na ang pagiging masiyahin ng kanilang anak. Palagi lang itong nakangiti at tumatawa. May mga pagkakataon rin namang umiiyak ito subalit tuwing ito ay nagugutom lang o hindi naman kaya ay may masamang nararamdaman sa paligid batay na hindi nila maitatangging isang kakaibang kakayahan para s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


