Pasibol pa lang ang araw nang sinimulan nila Acutus at Lux ang kanilang paglalakbay patungo sa bundok ng Cognitionis. Gaya ng napagplanuhan ay pinili nilang tahakin ang pinakamabilis na daan na tatagal lamang ng isang linggo. Isa itong malaking Labyrinthus na tinatayang pitong talampakan ang taas. Ang bahagi at mga pader nito ay yari sa kongkretong bato at kakaibang batong umiilaw lamang sa gabi. Maingat silang pumasok sa bukanang nagmimistulang pasukan ng Labyrinthus. Sa pagpasok pa lang nila pakiramdam nila ay para na silang naliligaw dahil sa pagliko pa lang nila sa kaliwa ay sa isang daanang walang lagusan ang natumbok nila. "Subukan natin sa kabila," sabi ni Lux kung kaya minabuti nila na maglakad pabalik upang balikan ang unang likuan at doon sila kumanan hanggang sa maging maayos

