Lumipas ang mga oras at magpapasado alas dose na mahigit nang dumating si Naomi na may dalang mga pagkain na parang pang isang taon na namin. "Ang sabi ko pang midnight snacks lang natin e bakit parang pang isang na natin to Nao" aniya ko na natatawa na lamang na tinitingnan si Naomi na dala dala lahat ng pinamili nya, tumayo naman si Mika upang tulungan ito pero hindi pa man din sya nakakalapit kay Nao ay lumapit na si Nao sakin at umakap na parang batang nagsusumbong sa Ina nya dahil may umaway sakanya. "WHAAAAA mama Ami si kuya kasi pinabili ako ng ganyan sabi ko nga ako lang mamimili tas nagpabili pa ng ganyan kadami kasi pupunta daw sila dito" naka akap parin ito sakin habang sinasabi ang mga iyon. Pinagtatawanan naman sya nina Yumi at Mikaela na mga kagigising lang kani kanina, pinandilatan naman ito ni Naomi kaya napatawa nalang din ako ng bigla kaming nakarinig ng katok sa pinto. Medyo nagulat ako sa part na yon kasi katabi lang namin yung pinto. Nagtataka naman ako ng biglang umalis sa pagkaka akap sakin si Nao at kumuha ng unan sa sofa at tsaka lumapit sa pintuan, hindi naman namin sya pinigilan sapagkat alam na namin kung para saan iyon.
Mabilis nitong binuksan ang pinto at mabilis na hinampas ng unan ang unang lalaking pumasok at sigurado kaming si kuya Rase yon. Napapatawa naman kaming tatlo nina Yumi at Mika dahil sa inaasta nilang magkapatid habang ang mga kaibigan naman ni kuya Rase na papasok palang sa pinto ang mabilis na umawat sa mga ito na parang mga batang hawak ang buhok ng isat isa.
"Naomi ano ba bitaw." May tapang na wika ni Kuya Rase pero kahit ganon ay hindi sya sinunod ni Nao kaya no choice ang mga kabarkada ni kuya Rase kundi hawakan ang kamay nilang parehas at alisin sa mga buhok ng isat isa. "para kayong mga bata" nagulat ako ng may sumabay sa nilintanya kong iyon at nakita ko ang isang lalaking nakasandal sa pintuan habang naka cross arm at nakatingin sa direksyon nina kuya Rase at Nao na masama pa rin ang tingin sa isat isa. "hoy Xen at Ami b-bakit kayo sabay ng sinabi?" aniya ni Mikaela habang masama ang tingin kay Xenon na ngayon ay diretso na ang tayo at parang nahihiyang ngumiti sa akin at sa mga tao sa loob.
"You know what guys gutom lang to, may niready akong food kanina pa and madami din yon so mauna na kayo sa kitchen at mag aayos lang ng ako ng sala dahil muka na tayong nakatira sa junk shop sa g**o" ani ko. Nag alok naman ng tulong si Xenon kaya tinanggap ko naman ito pero bago pa man din ako sumangayon ay nakita ko ang mapanuksong tingin ng nga kaibigan ko, pinandilatan ko naman sila ng mata dahil sa mga inasta nila.
Tahimik lang kaming nag aayos ng sofa ng biglang nagsalita si Xenon. "Ami, this coming Sunday uuwi parents ko and ako mismo ang susundo sa kanila sa airport, uhm i just want to ask you if sasama ka ba sakin to pick them up" sabi nito na parang nahihiya pa na sabihin iyon. " ano ka ba, i would love to come with you to pick them up at the airport, syempre ang tagal ko na ding hindi nakikita sila tita and specially si Lei my baby" sabi ko habang malawak na naka ngiti kay Xen, nakita ko namang nag blush ito kaya lalo akong na ngiti sakanya." Ami tara na don sa kitchen kumain na tayo, pati ikaw Xen tama na ang tingin kay Ami bata pa yan" nagulat naman ako ng biglang sumulpot si kuya Axe na kapatid ko sa gilid namin habang seryoso ang tingin kay Xen na nakatingin pala sa akin.