“Attorney?” Napakurap ako nang marinig ulit boses ni Ephraim mula sa tabi ko. Nakatayo siya ngayon sa harap ng dessert station habang may hawak na maliit na tray ng plated desserts. Mainit pa iyong isa roon dahil may manipis pang usok na umaakyat mula sa chocolate glaze. Bahagyang nakataas iyong sleeves ng chef coat niya hanggang siko at halatang pagod na rin siya sa dami ng ginagawa sa kitchen. Pero kahit ganoon, relaxed pa rin iyong aura niya. Iyong tipong madaling lapitan. Madaling kausapin. “You okay?” tanong niya habang sumusulyap sa hawak kong baso. Napatingin ako roon. Hindi ko namalayang halos mahigpitan ko na pala ng hawak iyong juice glass. “Oo naman,” sagot ko agad saka pilit na ngumiti. Hindi siya mukhang naniwala. “Kanina ka pa nakatulala roon,” sambit niya habang su

