Tahimik iyong biyahe pauwi mula Tagaytay. Hindi uncomfortable iyong katahimikan sa loob ng sasakyan. Sa katunayan, parang mas naging mabigat lang iyong mga iniisip naming dalawa pagkatapos ng usapan namin sa overlooking ridge. Mahina iyong tugtog ng music sa stereo habang tanaw ko mula sa bintana iyong sunod-sunod na ilaw ng expressway. Paminsan-minsan ay sumusulyap si Chadri sa akin, pero hindi niya ako pinipilit magsalita. At siguro iyon iyong isa sa mga bagay na hindi ko namamalayang nasanay na ako sa kaniya. Marunong siyang maghintay. Marunong siyang tumahimik kapag kailangan. Nakakapagod pala iyong may taong gano’n. Kasi mas lalo kang walang dahilan para umiwas. Nakasandal lang ako sa passenger seat habang hawak iyong sleeves ng jacket niya na nakapatong pa rin sa balikat ko. Amo

