Chapter 1 - Prologue
Deception.
It is an act trying to make someone believe in something untrue, something without basis.
It is nothing new in our lives to deal with deception. From the day that we are born, deception is everywhere. Most of the time, deception is also used in life and death situations. Deception become a cultural social norm and unfortunately will continue to be.
Betrayal.
According to dictionary, betrayal is breaking or violating presumptive contract, trust, or confidence that produces moral and psychological conflict within the relationship amongst individuals.
An act of betrayal creates constellation of negative effects, thoughts, and feelings in both its victim and perpetrator.
But what would you feel if the one who you trusted the most betray you?
Will you just acknowledge that it happened, make your feelings known, and then stop focusing on what damaged the trust and set your sights on rebuilding?
Or will you confront and talk your problem out?
-----
Nakakainis! Bakit ba naman kasi ang malas ko? Matalino naman ako, pangit nga lang. Kaloka naman si life, bakit ako pinapahirapan ng bongga. Sa dami ng tao sa mundo, ako pa talaga ang pinalad na mapili ng kamalasan.
Ilang oras na akong naglalakad. Nakakailang job interview na rin ako. Pero halos iisa lang sagot nila, “Tatawagan ka na lang namin regarding sa result ng interview mo.”
Tatawagan pa, sana sinabi na lang nila ng diretsa na hindi ako nakapasa. Masyado silang paasa! Bakit ba naman kasi ang hirap maghanap ng trabaho?
Akala ko kapag mataas ang grades at maganda ang credentials ay madaling makakahanap ng trabaho. Maganda naman at kilala ‘yung university kung saan ako grumaduate.
Kalalakad ko hindi ko na napansin kung saan na ako napadpad. Last interview na rin naman na ‘yong napuntahan ko kanina, makauwi na nga lang.
Habang naglalakad may napansin ako na nakapaskil sa bulletin board ng isang kumpanya. Basta talaga karatula na tungkol sa trabaho ang linaw ng mata ko. Agad ko ‘tong nilapitan para tignan kung ano ang nakalagay.
SelfSteem
PASSIONATE ABOUT DESIGNING?
WE ARE HIRING: Fashion Designer
Contact Person: Romina Mina (09123456789)
Or email your resume at selfsteem@hotangowner.com
Wow! Ang bongga ng pangalan ng company, SelfSteem. Nahiya pa ‘yung owner, hindi na lang pinaghiwalay para Self Esteem na ang dating.
Agad kong sinuri ‘yong buong company at isa lang masasabi ko. Ang ganda at ang laki! Mukhang bongga ang isang ‘to. Gusto ko sanang mag-apply kaso nagda-dalawang isip na ako. Makauwi na nga lang muna, mamaya na lang ako magd-decide.
Kinuhanan ko muna ng litrato ‘yong advertisement hiring at dumiretso na sa sakayan ng bus. Ang hassle mag-commute, kung hindi lang coding ang sasakyan ko hindi naman ako mahihirapan ng ganito. Bakit ba kasi pakiramdam ko lahat ng pahirap sa mundo nasalo ko na.
Nung nagsaboy ata ng kaswertehan ay mahimbing ang tulog ko.
“Cubao! Cubao! Sino papunta Cubao r’yan? Sakay na!” agaw eksena naman sa page-emote ‘tong si manong konduktor.
At dahil rush hour ngayon, kailangan ko pang makipagsiksikan para makasakay sa bus.
“Manong sandali, sasakay ako!” sigaw ko nung magsimula nang umandar ‘yong bus. Wala ng arte-arte, agad kong hinabol ‘yong bus habang sumisigaw, buti na lang at huminto kaya nakasakay na rin ako agad.
Struggle is real talaga. Halos puno na ‘yong bus pero buti na lang may isa pang bakanteng upuan sa gitna.
Agad akong lumapit sa bakanteng upuan para sana maupo pero biglang nilagay nung lalaki ‘yong bag niya sa katabing p’westo. Magsasalita pa lang din sana ako ay inunahan na niya ako.
“Babayaran ko ‘tong katabi kong upuan kaya sa iba ka na lang,” sabi niya at nagsalpak na ang earphone sa tainga niya. Kaya ayoko talagang nagc-commute eh. Hindi na lang ako nakipagtalo at tumayo sa gitna ng bus, wala naman akong choice, basta makauwi lang ako ayos na.
Sanay naman akong mag-commute dati pero simula nang makabili ako ng kotse ay hindi na ako nag-commute ulit, depende na lang kapag coding o kaya ay wala talagang masakyan. Hindi rin naman ako makapag-book ng Grab dahil dead battery na rin phone ko.
Huminto ‘yong bus para magsakay ng pasahero. Napatingin naman ako sa babae na kasasakay lang, maganda, sexy at matangkad siya. Luminga-linga siya, mukhang naghahanap ng bakanteng upuan. Napunta naman ang tingin niya sa lalaki na nasa harapan ko, ‘yong lalaki na hindi ako pinaupo sa katabing upuan niya.
Lumapit sa kanya ‘yong babae pero mukhang hindi niya napansin dahil may nakasapak na earphone sa tainga niya.
“Uhm, excuse me,” tawag nung magandang babae sa lalaki sabay kalabit, “may nakaupo ba rito?” malambing na tanong nung magandang babae. Mukha namang nagulat ‘yong lalaki dahil hindi siya nakasagot agad.
“Ah, wala. Sige upo ka na,” at ang walang hiyang lalaki, agad-agad na inalis ‘yong bag niya para makaupo ‘yung magandang babae.
Kainis! Discrimination is real ba? Kapag maganda at sexy, go lang? Pero kapag kagaya ko na… na pa--… na normal lang, ayos lang na nakatayo? Arte ni kuya, gusto lang na maganda katabi niya.
Wala namang kaso sakin kung nakatayo ako, nasanay na lang din ako. Sino ba naman ang gugustuhin ang babae na kagaya ko?
May makapal na salamin.
Mahaba at buhaghag na buhok.
May normal at comfy na pananamit.
Walang makeup sa mukha.
“Hoy, Francheska! Matalino ka. Matangkad. Mabait. At matalino ulit. Hindi nga lang maganda,” bulong ko sa sarili ko, mahirap na, akalain pa nila na nababaliw na ako dahil nagsasalita akong mag-isa.
Matapos ang halos kalahating oras na pakikipagtalo sa sarili ko, nakarating din ako ng buo sa condo. Agad akong dumiretso sa unit ko para magpahinga. Ala-singko pa lang ng hapon pero nagugutom na agad ako, hindi rin pala kasi ako nakapag-lunch kanina.
Agad kong ni-charge ‘yong cellphone ko at nagbihis muna bago kumain.
Pagkatapos magayos ay sakto naman na tumunog ‘yung cellphone ko. “Sino naman kayang tumatawag?” I said at kinuha ‘yong phone ko.
Nicholai Calling…