Paghatid sa akin ni Bryan sa mall ay nagpaalam na rin ako sa kanya. Hanggang sa paglabas ko ng sasakyan niya ay kinukulit niya pa rin ako na bumalik na sa office. Kaya nga binilisan ko na rin ang paglalakad ko at mabuti naman ay tinatanan niya ako no’ng makasakay na ako. Ni-lock ko nga agad ‘yong pinto no’ng kotse dahil akala ko ay papasok pa siya pero hindi naman niya ginawa. Dahil ni-libre niya ako ngayon ay nagpaalam pa ako sa kanya bago umalis. Kung hindi kasi ay baka umalis na lang ako bigla dahil sa kakulitan niya. Hanggang sa makalayo nga ako ay parang naririnig ko pa rin ‘yong boses niya. Ilang beses tuloy akong napailing para lang malimutan ko ‘yong sinabi niya. Kahit na nakakapagod ngayong araw ay nag-enjoy pa rin naman ako. Ilang araw pa lang akong hindi pumapasok pero parang

