“Sir Alexander?” gulat na wika ko nang makita ko siyang papasok sa loob ng store. Buti nga at nagawa ko pa siyang tanungin kung bakit siya nandito. Hindi ko kasi inaasahan na mapupunta siya sa mall na ‘to. Isa pa annd alam ko ay may trabaho sila ngayon kaya naman nagtataka ako kung anong gagawin niya rito. Hindi naman siya mukhang bibili ng damit dahil alam ko na marami na siya no’n. Dali-dali tuloy lumapit sa pwesto namin si Lily dahil siya ang assistant manager namin, wala rin naman kasi si Miss Vivian ngayon. “Good afternoon, Sir,” masayang bati ni Lily. At dahil siya na ang mag-a-assist sa kanya ay umatras na ako. Napansin ko na tinignan pa ako ni Sir Alexander kaya naman nag-iwas na lang ako ng tingin. Akala ko ay ayos na pero mas nagulat ako ng makita ko si Miss Carol na dumatin

