"Nahanap ko rin kayo sa wakas." Parehas kaming natigilan ni Sir Alexander. Pagtingin ko sa likuran namin ay bumungad sa akin ang hinihingal na si Bryan. Mukha siyang basang sisiw dahil tumutulo pa ang damit niya. Paniguradong sumugod sa ulan ang isang 'to. Isa pa, ano namang ginagawa niya rito ngayong dis oras na ng gabi. "Huh? Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko sa kanya. "Didn't you promise? Na ililibre mo ako ng dinner. Bakit hindi ka tumutupad sa usapan?" hinihingal na sabi niya pa. "Bakit? Nalimutan mo na ba 'yong pangako mo dahil kasama mo si Sir Alexander?" Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya. Teka, kailan ko sinabi na ililibre ko siya. Base sa pagkakatanda ko ay tapos ko na siyang ilibre ng lunch dahil sa pagtulong na ginawa niya sa akin dati. Never din naman akong

