“Excuse me,” sabay turo niya sa sarili niya. “Ako, susundan ka? No way!” maarteng sabi niya pa. Kung hindi lang talaga maraming tao rito ay kanina ko pa siya binatukan. Pasalamat talaga siya at mabait ako ngayon dahil good mood din ako. Bago pa man ako makapagsalita ay napansin ko na tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, medyo nahiya tuloy ako sa ayos ko ngayon. “Ano na namang problema mo?” inis na tanong ko sa kanya. “Totoo talaga na ro’n ka na nagta-trabaho?” tanong niya pa kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. “Kailan pa? Bakit hindi mo sinabi sa akin? May usapan pa naman tayo na kapag may trabaho ka na ay ikaw na ulit ang manlilibre sa ating dalawa.” Ngayon pa lang ay pinagsisisihan ko na talaga na nakilala ko siya. Kung no’ng una pa lang nalaman ko na mahilig talaga siyang ma

