Pagkatapos kong mag-grocery ay iniwan ko muna sa sasakyan ‘yong mga pinamili ko. Dapat pala talaga namasyal-masyal muna ako bago ako nag-grocery. Pero ayos lang din pala dahil baka malimutan ko rin mamili kung sakali. ‘Yon pa naman ang dahilan bakita ako pumunta rito sa mall. Pagbalik ko sa loob ay parang bigla akong natakam sa mga pagkain. Sunod-sunod din kasi ang mga fastfood kaya nakakagutom. Kumain naman ako kanina kaya hindi pa talaga ako gano’n na nagugutom. Magtitingin muna siguro ako rito sa loob. Habang papunta sa department store ay parang may napansin ako na pamilyar na mukha. Medyo hindi pa ako sigurado no’ng una dahil malabo ang mata ko at baka namali lang ako ng tingin. Ilang segundo pa akong tumingin sa tao na ‘yon at nang makilala ko kung sino ay agad akong nag-iwas ng

