bc

Toy Girl Of Mister Zobel (SSPG)

book_age18+
972
FOLLOW
10.3K
READ
billionaire
dark
love-triangle
HE
age gap
fated
friends to lovers
dominant
badboy
powerful
heir/heiress
blue collar
drama
tragedy
sweet
bxg
kicking
loser
single daddy
campus
office/work place
cheating
childhood crush
disappearance
love at the first sight
polygamy
addiction
like
intro-logo
Blurb

‼️ WARNING: SPG WITH DETAILED s*x SCENES AND VULGAR WORDS. READ AT YOUR OWN RISK ‼️

Sumasayaw sa patay-sinding ilaw.

Upang mabuhay sa mundong ibabaw.

Kada sayaw na kanyang binibigay, hiyaw

ang nakukuha niya.

Siya si Jobelle 'Elle' Borja, sa edad na eighteen years old ay natutong lumaban sa buhay simula nang mamatay ang magulang niya. Upang mabuhay sa mundong magulo, nakipagsapalaran siyang ibenta ang katawan upang mabuhay ang sarili at dalawang kapatid niya, dahil hindi sapat ang pagiging yaya at pagla-live seller niya ng mga damit at perfume upang mabuhay sila. Kaya pumasok siya bilang waitress at table girl sa parokyano nila, lalo na sa billionaire na si Mr. Zobel.

Paano niya lalabanan ang tuksong binibigay ni Mister Zobel? Kung hindi siya naniniwala sa salitang pag-ibig pagkatapos siyang iwan ng unang minamahal niya. Paano kung alukin pa siyang maging TOY GIRL nito, sa kadahilanang sa kanya lamang tumatayo ang p*********i nito? Hindi lamang iyon, paano kung bumalik ang unang minamahal niya?

Sino ang pipiliin niya? Ang unang minahal? Or, ang kasalukuyan?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1: New Transferee?
“MAMA, alis na po ako! Babalik po ako mamaya para magbantay!” nakangiting sabi ko kay Mama nang lumabas ako sa small boutique namin. “Babalik? Magpahinga ka na lamang sa bahay, Elle! Kami na bahala ng Papa mo rito at may mga kasama naman kami,” sagot niya sa akin. “Huwag ka munang mag-boyfriend, ha? Alam kong third year ka na, pero bawal mo na ang boyfriend!” Napahinto ako sa paglabas at hawak—hawak ko ang glass door ng small boutique namin. “Ma, naririnig mo po ba ang sinabi mo? Boyfriend? Wala pa po sa isipan ko iyon! Third year high school pa lang po ako,” napaismid na sabi ko sa kanya. “Mahal naman... Eh, ano naman kung mag—boyfriend si Elle. Matalino ang anak natin at responsable, masipag at higit sa kanya sumusunod sa atin... At saka, tanda mo ba na high school din tayo naging mag—jowa, ha? Aray!” Napangiwi ako nang makitang kinurot ni Mama si Papa. “Hoy, Justin, ikaw ang nang—akit sa akin noong high school tayo, kaya naging jowa kita! Akala mo ba hindi ko naaalala na kaya mo kong ginawang jowa para unahan mo ko bilang Valedictorian, ha? Pero, mautak ako at mas matalino sa iyo kaya nga walang effect iyong panliligaw mo sa akin, ako pa rin ang Valedictorian nang batch natin!” Pinapanood ko lamang kung paano mag—reminisce si Mama noong high school silang dalawa ni Papa. Nasa iisang barangay lamang nakatira ang parents ko noong mga bagets pa sila, magkaaway raw silang dalawa sa acads ayon kay tita Cynthia, ang mommy ni Cristy na isa sa best friend ni Mama at ang mommy ni Nikki, na si tita Nakita na best friend din ni Mama, kaya maging kaming mga anak nila ay mag—BFF din kaming tatlo. “I know, Mahal. Kaya nga nang malaman ko sa aking sarili na hindi talaga kita matatalo, niligawan na lamang kita. Ay, baka mapunta ka pa sa ibang lalaki, ʼdi ba? Na—in love ka naman din sa mga panliligaw ko sa iyo, kaya nga sinagot mo ko at nagkaroon tayo ng tatlong anak na magaganda at gwapo.” Nakita ko ang pagsenyas ni Papa sa akin, pinapaalis na niya ako. Ngumiti akong malaki kay Papa at binigyan siya ng saludo. I sneak out habang naglalampungan silang dalawa. Ang parents ko talaga ay sobrang tatamis maglambingan. Sumakay na lamang ako ng traysikel papunta sa Mabunga High School, doon ako nag—aaral at hinango iyon sa pangalan ng barangay namin na Mabunga. Hindi ko alam kung bakit at kung saan nakuha ang pangalan na iyon. Nakarating na rin ako sa tapat ng school namin at bumaba na ako pagkabayad ko, lahat ng sakay ng traysikel ay rito ang baba. Napapalibot ang tingin ko sa paligid ko ngayon. Ang daming nag—tsi—tsikahan agad kahit one week pa lamang nakalipas nang mag—open muli ang school year. Hindi ko na lamang sila pinansin at lumakad na ako papasok, tanghali ang pasok ko, from 10 in the morning hanggang five in the afternoon. Nagsasara ang small boutique namin ng eight in the evening, marami pa kasing tao sa palengke kapag ganoʼn ang oras. Iyong iba ay pauwi pa lamang. “Huy, gwapo raw iyon!” “Nakita mo na ba?” “Maraming nakakita kanina! Ang gwapo raw parang may lahi!” “Saang section kaya siya, ano?” “Sana classmate natin!” Nangunot ang noo ko nang may madaanan akong tatlong babae sa gilid ng corridor, nag—tsi—tsismisan. Sino kaya tinutukoy nila? Pumasok na lamang ako sa classroom namin at nakita ko rin ang bulungan din dito, kaya lalong nangunot ang noo ko sa kanila “Nikki, Cristy, anong mayroʼn?” tanong ko sa kanila nang maupo ako rito sa silya ko. Napatingin ako sa kanila ng deadmahin nila ako. Kausap nila ngayon sina Edward, Stephen and Zon, classmates namin simula first year. “Hoy, anong pinagku-kʼwentuhan niyo?” Kinalabit ko na silang dalawa, kaya nagulat silang napatingin sa akin. “Wooh!” gulat na sabi ni Nikki at maging ang mga mata niya ay namilog. “Kanina ka pa ba dʼyan, Elle?” tanong naman ni Cristy sa akin. “Um, oo, kanina pa ako. Tinanong ko kayo kung anong mayroʼn today? Bakit puro tsismis ang napapansin ko, simula kanina sa gate,” sabi ko sa kanila at nilabas ang book ko sa Math. Mag—aaral ako ngayon, iyon ang first subject namin. “Wala kang alam?” bulalas na sabi ni Edward sa akin. Napangiwi ako sa kanya at binuklat ang libro ko. “Magtatanong ba ako kung may alam ako, Edward, ha?” asik ko sa kanya. “Ang init ng ulo mo agad, Elle!” Kakamot—kamot niyang sabi sa akin. “Hindi mainit ang ulo ko... Curious lang ako kung anong mayroʼn ngayong araw, bakit ang daming tsismosa ngayong araw.” Kumuha naman ako ng pad paper para i—solve ang equation na nasa book. “Wala ka ngang alam, Elle?” Pinaningkitan ko sila ng mga mata ko. Paulit—ulit ang mga ito, wala naman talaga akong alam kung anong mayroʼn ngayon. Busy ako sa pag—aaral ko, sa pag—aasikaso sa dalawa kong kapatid at tumutulong din ako sa small boutique na mayroʼn kami. Kaya paano ko maisisingit ang tsismis? “Hay! Ako na ang magsasabi kay Elle na walang social life!” Si Cristy na ang nagsasalita. “May bagong transferee sa school natin, Elle! And, galing daw ito sa probinsya... Saang probinsya nga siya galing?” tanong niya sa apat. “Aba, ayon sa narinig kong umiikot na tsismis ay hindi rin nila alam.” Nagkibit—balikat si Zon. Sa kanilang tatlo nina Edward and Stephen, siya itong gala at maraming nasasagap na tsismis sa buong school namin, maging iyong square fight ng mga first year ay tsinismis niya sa amin. “Hina naman, bro! Akala ko ba ay ikaw ang king of tsismis, ha?” “Gagu ka ba? Eh sa wala rin silang alam!” Nag—away pa sina Zon and Edward. Hindi ko na lamang sila pinansin at muling tinuon ang aking tingin sa book ko. May bagong transferee? Okay pa naman magpa—transfer kasi first week pa lang naman nakakalipas nang mag—umpisa ang school year. Pero, sino naman kaya ang isang ito para pag—tsismisan? Akala ko naman matalino para pag—usapan. “Huy, Elle, hindi ka ba curious sa bagong transferee, ha?” Narinig ko ang boses ni Cristy sa tabi ko. “Ano naman makukuha kong benefits kapag nakilala ko ang transferee na iyon, Cristy? Matalino ba siya para katakutan ko? Kung matalino siya, mas matalino ako. Saka, magiging classmate ba natin siya? Paniguradong hindi, fourty one na tayong lahat ngayon, kay impossibleng idagdag siya sa section natin. Kaya tanggalin niyo niya sa isipan niyo ang transferee na iyon, mag—aral kayong lima, may magiging quiz sa Mathematics after ng lesson ni Sir,” mahabang sabi ko sa kanila. “Makikinig ako mamaya! Sabi mo naman ay after lesson ang quiz!” Sumisipol—sipol ni Zon at tumayo siya sa kanyang kinauupuan, lumabas siya ng classroom namin. “Stuck knowledge ako, Elle.” Malaking ngiti ang binigay ni Edward sa akin. Naniniwala ako sa kanya, tamad mag—aral, pero nakakapasa sa quiz, exam and nakasasagot sa recitation. “Mangongopya naman ako Ed mamaya.” Proud pa itong si Stephen. Ewan ko ba sa tatlong magkakaibigan na ito. Sina Nikki and Cristy naman ay kapag lesson, nakikinig talaga silang dalawa. “Pero, Elle, gwapo raw iyong transferee!” Nakita ko ang pagkinang ng kanyang mga mata. Kapag usapang gwapo ay kinikilig na itong si Cristy. “Hay, bahala kayong apat dʼyan, basta ako mag—aaral.” Hinayaan ko na lamang silang apat na mag—kwentuhan muli. Nakaka—tatlong equations pa lamang ako ay narinig ko ang malakas na boses ni Zon. “Nandʼyan na ang adviser natin!” malakas na sabi ni Zon na siyang look out namin sa labas. Nagsiayos ang mga classmates namin at akala mo ay hindi galing sa digmaan ang upuan dahil may mga tumakbo kanina. Third year high school na, pero parang mga elementary student pa rin kung kumilos. “Teka, adviser natin ang papunta? Hindi naman natin Mathematics teacher, ha? Mamaya pa natin siya subject, Filipino.” Napatingin ako kay Nikki nang sabihin niya iyon. Oo nga, third subject pa namin siya kaya bakit nandito siya? “Eh, siya ang nakita kong papunta sa room natin, Nikki. Hello, nasa dulo ang room natin, nilagpasan na niya ang section 3, kaya for sure tayo ang pupuntahan.” “Teka, may kasama ba si Maʼam Pitogon?” tanong ko sa kanya. Sana mali ang nasa isip ko. “Hindi ko napansin si Elle.” “Bakit naitanong mo, besh?” Tinignan ko si Nikki at tinignan din ang blackboard namin. “Iniisip ko na baka classmate natin ang transferee na sinasabi niyo,” sagot ko sa kanila. “Pero, wala naman nakita si Zon kaya baka may announcement lamang siya kaya papunta rito.” For sure ganoʼn nga. Kinuha ko ang aking phone sa bulsa ng palda ko, wala namang text message mula kay Maʼam Pitogon. Ako ang President ng section namin. “Good morning, class!” malakas na sabi ng adviser namin nang makapasok siya. “Good morning, Miss Pitogon!” malakas naming balik sa kanya. “Hihiramin ko ang fifteen minutes ni Sir Gabriel. May announcement ako sa inyo, section 1. Mr. Mendoza, please come in.” Nakatingin ako sa pinto at may pumasok na isang lalaki, complete na ang uniform niya. “Oh! Siya iyong transferee na sinasabi nila!” bulalas ni Edward na siyang katabi ko. Ang seating arrangement namin ay Ako, Edward, Nikki, Stephen and Cristy. Si Zon naman ay nasa likod ni Edward. Minsan hindi namin sinusundo ang seating arrangement. Narinig ko ang bulungan ng mga classmate namin. “Elle, classmate natin siya. Mali ka ng pakiramdam,” mahinang sabi ni Cristy kahit nasa dulo siya ngayon. Fourty one na kaya kami, so, fourty two na kami ngayon. “Mr. Mendoza, magpakilala ka sa kanila,” saad ni Miss Pitogon at tinignan niya kami. Moreno, matangkad, sharp ang edges ng kanyang panga at ang kanyang mga mata ay may pagkasingkit. “Ang gwapo niya, Elle. ʼDi ba ganyan ang mga type mo?” saad ni Cristy sa akin kahit nasa dulo—dulo ang pʼwesto naming dalawa ngayon. “Oo nga, ano! Ganyan ang tipo mo sa mga lalak— aray!” malakas na sabi ni Edward. “Edward, tumahimik ka muna, magpapakilala na si Mr. Mendoza sa inyong lahat.” Ngumiti ako sa kanya. “Manahimik na muna, ha?” “Ang sakit mong mangurot, Elle!” madiin niyang sabi at kinamot ng kanyang kanang braso ang kinurot ko, nakita ko ang shape ng aking kuko roon. Kasalanan naman niya iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Mate and Brother's Betrayal

read
675.3K
bc

The Pack's Doctor

read
425.6K
bc

The Triplets' Fighter Luna

read
277.0K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
424.1K
bc

Her Triplet Alphas

read
7.0M
bc

La traición de mi compañero destinado y mi hermano

read
226.1K
bc

Ex-Fiancé's Regret Upon Discovering I'm a Billionaire

read
1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook