EXOTIC GIRL 6

1266 Words
Inaasahan ko nang ipapatawag kami sa Principal dahil sa nangyaring kaguluhan sa gym pero lumipas na ang ilang araw ay walang guro, officer, o kaklase namin ang may nagsabi sa akin na pinapatawag kami. Simula din ng mangyari ang sabunutan sa gym ay hindi na lumalapit sa akin si Johnson. Hanggang tingin na lang siya. Pero hindi ko na rin sila nakikitang nag-uusap ni Ronila. Kasalukuyan kaming nasa lilim ng punong acacia sa malawak na field. Ako, si Julia at Miana. Tanghalian ngayon at kalimitan ang mga estudyante ay kumakain at nagpapahinga dahil magsisimula ang klase sa hapon ng ala-una. "Hindi niyo ba narinig na malapit na ang Miss Santa Barbara Comprehensive School 2005. Sa 2nd week ng August, Biernes daw gaganapin para kinabukasan ay Sabado, walang pasok. Di ba July na ngayon, malapit na." excited si Julia. "Naku, Anaya baka ikaw ang kuning representative sa atin. Ikaw kasi ang pinakamaganda at seksi. Kaso sa Q & A medyo sablay ka dun," nagtawanan kaming tatlo sa sinabi ni Miana kasi totoo 'yon. Medyo mahina nga ako. "Gusto ko din sumali. Malay natin baka may mapadpad na agent o may makadiskubre sa akin." na excite din ako. "Eh kaso baka pag nalaman yan ni Ronila baka sumali din 'yon. Kahit siguro sabihin nating marami pa ang mas maganda at magaling ay malamang siya ang mananalo. Ang laki pa naman ng inggit sa'yo nun," sabi ni Julia. "Paano hindi maiinggit dahil sa ganda niya eh hindi siya ang gusto ni Johnson. Patay na patay kay Johnson 'yon. Kitam binigay pa ang sarili tapos hindi pa rin siya ginawang girlfriend ni Johnson," palatak ni Miana. "Shh... hayaan na natin sila. Buhay nila 'yan. Kung ako ang pipiliin ni Ma'am Airis na maging representative sa ating section, okay lang sa akin. Manalo man o matalo ay gagawin ko na lamang na inspirasyon. Kumbaga parang training ko. Ayoko din mag expect dahil maraming magagaling at magaganda dito sa SBCS." "Ay, sinabi mo pa. Yong sa section 6, si Mia, dinig ko rampadora din 'yon. Magaling at mayaman 'yon pero mabait sabi ng kapitbahay namin na kaklase niya. Pinag-iinitan din 'yon ni Ronila dahil maraming lalaki ang nanliligaw dun." dami talaga alam si Julia. "Julia, bilib talaga ako sa source mo. Dami mo alam." natatawa na lang kami ni Miana sa kanya. Dinggggggg. Dinggggggg. Bell na para sa unang subject sa hapon. Balik na kami sa classroom. "Good afternoon class. Alam niyo na malapit na ang ating Miss Santa Barbara Comprehensive School 2005 Coronation Night. May isang buwan pa tayo para mag prepare para sa pageant pero gusto ko nang pumili tayo para ma train na natin. Kailangan hindi tayo mapapahiya." ang sabi ni Ma'am Airis. Ang aming homeroom teacher. "Ma'am! Ma'am! Kunin po natin si Anaya kasi maganda at matangkad. Yan ang bagay sa pageant, Ma'am," sabi kaagad ni Julia. "Sige para fair sa lahat. Julia doon ka sa pisara. Ikaw ang secretary ha, ikaw ang magsusulat kung sino ang inonominate ng mga kaklase mo. Ako ang mag-oopen ng nomination. The floor is now open for nomination for Miss SBCS 2005 Representative." pahayag ni Ma'am Airis. Daming nagtaas ng kamay. "Ma'am!" "Ma'am!" Halos lahat gustong magnominate. "Okay, Dan," sabi ni Ma'am Airis. "I nominate Gracia for SBCS 2005 Representative." "Julia, write on the board. Gracia is nominated for Representative." "Ma'am!" "Okay, Miana." "Ma'am, I nominate Anaya for Representative." Woahh... Woah.... Anaya! Anaya! Daming sumigaw ng pangalan ni Anaya. Pinatigil sila ni Ma'am Airis dahil hindi pa tapos ang botohan. "Anaya is nominated. Julia, pakisulat." "Ma'am! Ako, Ma'am." "Okay, Joan." "Ma'am, I nominate Selena for Representative." "Julia, please write on the board, Selena is nominated." "Ma'am! Ako, Ma'am!" "Last na 'to ha baka mamaya wala nang boboto dahil lahat nanominate na." tawanan ang mga estudyante. "Okay, Divine." "Ma'am, I nominate Joan." "Divine, sira ka talaga. Bakit mo ako ninominate. Ma'am, ayoko Ma'am nahihiya ako." hindi pagsang-ayon ni Joan. "Okay lang yan, Joan. Malay mo hindi naman ikaw ang manalo. Ipanalangin mo iba ang manalo. Julia, please write Joan on the board. Thank you. Tama na 'yan. Close niyo na ang nomination." sabi ni Ma'am Airis. "Ma'am, ako po." "Okay, Simon." "Ma'am, I close the nomination for Miss SBCS 2005 Representative." "Ma'am, ako ang mag second the motion." "Joaquin, ikaw na." "I second the motion." "It has been closed and seconded. The nomination for SBCS 2005 Representative is now closed. Now we will start our voting. Pero bago tayo magbotohan, kailangan munang pumunta ng mga nanominate sa gitna." pahayag ni Ma'am Airis. "Okay, Miss Gracia, please go to the front. Next is Miss Anaya. Next is Miss Selena and last is Miss Joan." Pumunta na sa harap ang apat na nanominate. "Okay class, please raise your hands doon sa pinili ninyong pangalan ha. Isang beses lamang kailangan mag nominate." "Raise your hands for Gracia. Okay...one..two...three..four..five..ten..Okay ten for Gracia. Julia please write ten for Gracia." "Raise your hands for Anaya. Okay..one..two..three..four..ten..fifteen..twenty..twenty nine for Anaya. Julia, please write twenty nine for Anaya." "Panalo na 'yan si Anaya. Oo, Ma'am kasi kalahati na nang klase ang bumoto kay Anaya. Majority." sigawan na mga kaklase namin. "Okay, class mukhang majority wins kasi singkwenta lang kayo tapos twenty nine na ang bumoto kay Anaya. Majority wins. Si Anaya na ang ating SBCS 2005 Representative. Congratulations, Anaya." tuwang tuwa naman si Anaya dahil parang unang hakbang eto sa pangarap niyang sumali sa beauty pageant. Nang matapos ang klase ay sabay na kaming umuwi nina Julia at Miana. Ako ay naglalakad lang samantalang si Julia at Miana naman ay sinusundo ng kanilang mga drayber. May-ari ng dalawang townhouse sa bayan ang magulang ni Julia at meron pa silang gasoline station. Kaya kami magkaibigan kahit mayaman sila dahil may mga depekto sila Julia at Miana. Si Julia may bingot, noong nasa sinapupunan siya ay natapilok ang Mommy. Paglabas ay doon na nila nakita. Pero mabait ang kanyang mga magulang. Noong medyo malaki na siya at pwede nang operahan ay ginawa nila para hindi halata ang bingot. Sa malayo hindi halata pero pag sa malapit ay makikita ang tahi sa labi ni Julia. Pero hindi ngungo magsalita si Julia. Akala ko nga dati, lahat ng bingot, ngungo. Hindi pala dahil nagiging ngungo pag may basag sa loob siguro ng gums o parte ng mukha na nagiging dahilan ng pagkangungo. Si Miana naman ay anak mayaman din. May-ari ng mga ukay-ukay at dalawang Bakeshop sa Bayan ang mga magulang nito. Ang diperensiya naman kay Miana ay pandak eto. Siguro ay nasa 4'9 hanggang 4'10 lang ang kanyang tangkad. Parehong pandak kasi ang mga magulang niya. Pero kahit ganun sila ay napakabait naman. Kaya din siguro pinagpala ang negosyo ng kanilang mga pamilya. Ako ang huling nakakauwi sa aming tatlo. Kung iisipin, ako ang may pinakamalapit na bahay dahil isang kilometro lang ang layo mula sa eskwelahan pero dahil nilalakad ko lang ay inaabot ako ng bente hanggang kalahating oras. Pag-uwi ko sa bahay ay kaagad kong ibinalita kay Nanay Lucia at Manang Inday na sasali ako sa pageant sa school. Tuwang tuwa silang dalawa lalo na si Manang Inday. "Naku, Anaya kelan 'yan at talagang pupunta kami ng Nanay Lucia mo para sumuporta sa'yo." "Sa 2nd week pa po ng Agosto, Biernes po Manang Inday." "Sige tatandaan namin yan, asahan mo 'yan. Atsaka nga pala, kausapin ko si Baby Mara para turuan ka rumampa at sumagot. Sablay ka pa naman minsan pagdating sa tanungan portion." Mabuti at natuwa sila na sasali ako. Akala ko talaga hindi ako papayagan. Excited na ako sa pageant. Isa sa mga pangarap ko talaga ang sumali sa pageant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD