"Anaya, sige pa. Kembot. Kembot. Napakatigas ng katawan mo. Mabuti pala at maaga akong kinausap ni Manang Inday na sasali ka sa pageant sa school niyo." Pinagpapalo na ni Mama Baby Mara ang aking tagiliran.
"Ganito, gayahin mo ako." at kumendeng kendeng na ang kilalang bakla sa amin. Kilala si Baby Mara sa amin dahil noong kabataan niya ay suki siya ng mga Gay Pageants at lagi siyang nanalo. Kapitbahay at kaibigan siya ni Manang Inday dahil magkaedaran lang silang dalawa.
" Oh , ikaw na Anaya."
"Okay! Iyong lakad lang muna ngayong araw ha. Sa susunod ang tamang pag pose naman. Tapos sa susunod ay talent. Sa ganda at tindig mo Anaya bagay sa 'yo ang belly dancing o fire dance. Ako din ang magtuturo sa 'yo kaya dapat lahat nang 'yan kailangan gawin mo. Tamang posture. Ha. Entiendes. " istrikto pa nitong paalala sa akin.
Pag nasa eskwelahan naman ay pinapraktis ko ang tamang tindig at postura kagaya nang sabi ni Mama Baby. May praktis din kami sa auditorium sa aming rampa at production number. Pag sa school ay hindi ko tinotodo katulad ng turo sa akin ni Mama Baby para pag sa pageant na mismo ay magulat sila.
Talagang isinapuso ko ang turo sa akin ni Mama Baby Mara. Tuwing hapon pagkatapos ng klase ay pumupunta ako sa kanila para mag ensayo nang tamang pagrampa at nang sayaw na belly dancing para sa talent portion.
Ang nakakatuwa lang ay suportado naman ako ni Manang Inday. Si Nanay Lucia ko lang ang medyo hindi sang-ayun dahil nga baka daw magkamali ako at makantiyawan ng mga tao. Ayaw din niya na baka pagtawanan ako ng mga tao lalo na kung mga magaganda at magagaling ang aking mga kalaban. Buti na lamang at kahit si Mama Baby ay sinasabihan si Nanay Lucia na mabilis daw akong matuto. May talent daw ako sa pagrampa. Buti nga daw at hindi ako nagmana kay Nanay Lucia. Mukhang kahit papaano ay maganda ang lahi ng nakabuntis sa Nanay Lucia ko.
Mansion ng mga Capili
Broommm…brooommmmm….
“P*nyeta! Manang…Kaninong sasakyan ba ang maingay sa labas. Tingnan niyo nga.” sigaw ni Madam Carmina sa katulong.
Ang aga aga ang ingay kung sino mang poncio pilato ang panay ang busina sa labas.
“Madam..Madam..” hangos na pumasok si Manang Letty sa loob ng mansiyon.
“Oh, bakit para kang hinahabol Manang?” nagtatakang tanong ni Madam Carmina sa katulong.
“Eh.. kasi po M-madam may sasakyan po sa labas. Nag –aalburoto pero hindi ko po kilala ang lalaking sakay sa loob. Sabi niya siya daw po ang totoong may-ari nitong mansiyon. Gusto niyang pagbuksan ko siya nang gate eh hindi ko po siya kilala, Mada-“ naputol ang iba pang sasabihin ni Manang Letty.
Broooooooooooooooooommmmmm……
Mas lalo pang lumakas ang busina sa labas.
“Halika, Manang at ako mismo magpapaalis sa kung sino mang p*nyetang lalaki ang bumubusina sa labas. I will make sure that he will be put in jail,” at nagmartsa na sila palabas ng mansiyon.
May nakaparadang isang puting 2005 Ford GT sa labas ng gate. Lumapit si Madam Carmina sa may gate. Sinipat ang tao sa loob ng sasakyan. Hindi niya makita dahil super tinted ang sasakyan. Dahil hindi lumalabas ang tao sa loob ng sasakyan ay napilitan si Madam Carmina na lumabas ng gate para puntahan ang sasakyan. Agad niyang sinipa ang gulong ng sasakyan pagkalapit niya dito.
Bigla namang bumukas ang pinto ng sasakyan ng sinipa ni Madam Carmina ang gulong ng bagong bagong 2005 Ford GT.
Isang lalaki na nasa biente anyos ang edad ang lumabas. Matangkad siguro nasa lampas anim na talampakan na eto at kahit na sa batang edad ay maganda ang katawan. Mukhang babad sa gym. Maganda din etong pumorma. Halatang anak mayaman. Hindi mo masasabing ang gwapo gwapo ng lalaki pero habang tinititigan ay lalong lumalakas ang appeal. Lalo na ang napakaitim nitong mata. Parang nanghihigop. Maalon alon din ang buhok na bagay sa pangahang mukha.
“That’s not how you greet the ‘Real’ owner of this mansion, Carmina.” ani nang lalaki sa baritonong boses.
“Uhmm..Excuse me. And who are you? Ang bata mo pa pero baliw ka na. I will call a police if you will not remove your car in front of our mansion.” Gigil na sabi ni Madam Carmina sa lalaki.
“Well, I would like to introduce myself, again. Baka nakalimutan niyo na ako. I'm Rodolfo Villarica Capili, Carmina. Does it ring a bell?” tuya ng lalaking nagpakilalang Rodolfo. Nakatikwas ang gilid ng labi.
“You’re my Mom’s bestfriend, aren’t you?”
“R-ro-rodolfo..” biglang nawalan ng kulay ang mukha ni Madam Carmina pagkarinig ng pangalan na binanggit ng lalaki.
“Relax, Carmina. Magbabakasyon lang ako dito ng isang buwan then I will go back to Abu Dhabi. Me and my friends are planning to put up a Gym or maybe a Sports Center there. And pag naging successful, then I can go back here and put up my own business and claim what’s mine. For now, rest easy dahil alam kong hindi papayag si Papa na kunin ko etong mansiyon pati na ang ibang ari-arian ni Lolo Ramon.” Pahayag ng lalaki.
“You don’t have any rights to our mansion, Rodolfo. Apo ka lang ni Papa at si Roberto ang kanyang anak,” galit na pahayag ni Madam Carmina.
“Why don’t you ask Uncle Reynaldo and Uncle Roldan…and maybe Papa also. As far as I remember, I’m Lolo’s favorite apo. Most favored even from his own sons. “ tumawa pa eto ng nakakaloko.
“No, you’re lying.” Hindi makapaniwala si Madam Carmina sa mga pinagsasabi ng lalaking eto.
“I’m tired and I don’t want to argue with you. I’m here for a vacation. Please tell to someone to open the gate for me.” Akmang papasok na eto sa sasakyan nito.
“No! I will not allow you to enter in our premises. You imbecile.” Tumakbo si Madam Carmina sa harap ng sasakyan at iniharang ang kanyang katawan.
“Gusto mo bang sagasaan kita diyan, Carmina. Hindi ako natatakot pumatay ng tao. Lalo pa kung ang papatayin ko ay may malaking atraso sa akin.” Madilim ang mukha bago pumasok sa sasakyan ang lalaki.
Hindi pa rin tumitinag si Madam Carmina sa kanyang kinatatayuan.
Broooooooooooooooooommmmmm……
Broooooommmm…
Broooooommmm…
Talagang pinaandar ng lalaki ang kanyang sasakyan. Ini-start at pinaharurot-
Biglang napalayo si Madam Carmina sa harap ng sasakyan at gumilid eto.
Tumigil ang sasakyan sa gilid at binuksan ng lalaki ang kanyang bintana, “ Carmina, I thought hindi ka takot mamatay. Kayang kaya kong banggain ang gate na ‘yan kung hindi mo pa rin 'yan ipabubukas sa iyong mga katulong,” ngisi nito.
Nahintakutan na si Madam Carmina sa inasal ng lalaki. Dali dali nitong pinabuksan kay Manang Letty ang malaking gate.
“Manang bilis, buksan mo na ang gate nang makapasok na ‘yan. Mauna na ako. Didiretso na ako sa kwarto namin ni Roberto. Ayokong makita ang pagmumukha ng lalaking ‘yan.” Nauna nang tumalilis ang nahintakutang si Madam Carmina.
Agad namang pinagbuksan din ni Manang Letty ang lalaking nagmamay-ari ng magarang sasakyan. Sino eto at bakit parang takot na takot si Madam Carmina dito? At bakit ang tawag kay Senyor Roberto ay Papa? Ibig sabihin anak eto ni Senyor Roberto. Pero bakit si Senyorito Ronnie at Senyorita Ronila lang ang kilala ko. Kung mas matanda ‘to, ibig sabihin siya ang panganay. Nasaan ang nanay nito?
Mga katanungan sa isip ng matanda.