PROLOGUE

2429 Words
PROLOGUE His order "OY, MARIE! MAGBIHIS KA NA, MALAPIT NA ANG OPENING!" Napatigil ako sa pagkakatunganga ng sumigaw si Faye, ang kaibigan kong parang nakalunok ng megaphone. Nang tingnan ko siya ay nakabihis na siya, may kalorete na rin sa kaniyang mukha. "Oo na! Magsusuot nanaman ako no'n." Ani ko ng may pagkadisgusto. Napalabi siya at sinabing, "Wala tayong magagawa bes, trabaho natin 'to." I sighed. "Right, ginusto natin, ginusto ko, wala tayong choice." Bahagya pa siyang natawa pero hindi umabot ang ngiti niya sa mata. "Tama na nga ang drama! Ikaw talaga, baka maabutan pa tayo ni boss dito na nagchi-chismisan!" Pumunta na ako locker ng mga employees at kinuha ang damit ko rito. Pagkatapos ay tumungo na ako sa dressing room para magpalit. This is my weekly routine, ito ang main job ko. Kapag weekends naman rumaraket ako pangdagdag kita. Halos wala na nga akong oras sa pamilya ko, ngunit wala eh, kailangan kong gawin 'to. Kung hindi, kami rin ang mamamatay sa kahirapan at kagutuman. "Baba mo ng kaunti girl, baka mapagdiskitahan ka pa diyan, makikita na 'yung ano mo!" Sambit sakin ni Faye na nasa counter. Sinunod ko naman siya. Sa dinami-dami kasi ng uniform dito sa pinagtra-trabahuhan ko ay ganito pa! Biruin mo naman kasi, isang itim na maikling palda na may raffles pa sa gilid, at isang white fitted na long sleeves na may manipis na kulay itim na blazer. "Ano pa bang order?" Sabi ko na lang. This is my job, in a bar as a server. Samantalang si Faye ay nasa counter at nagpre-prepare ng orders. Marami kami rito, hindi lang kami ni Faye. Mga nasa thirty plus yata kami sa pagkakatanda ko. Inaayos niya ang pagkakalagay sa tray ang mga orders. "Five glasses of martini and ten bottles of black label sa table forty-one" "Okay." Nang matapos na niyang ayusin, kinuha ko na at maingat na hinawakan habang naglalakad. Nag-iingat lang ako no, baka mahulog ko pa, isa pang babayaran ko rito. Napansin ko ang pagdasa na ng mga to rito sa bar, dito sa Dim Star Light. Kaya mas lalong nag-iingay ang paligid. Dumiretso ako sa table 41 na puno ng kalalakihan at may iilang babae sa couch. "Here's your order sirs....five glasses of martini and ten bottles of black label, is that right sir?" Ulit ko sa order nila baka kasi mali. Mukha naman silang matitino dahil sinagot nila nang maayos ang tanong ko. "Oo miss, salamat." Tipid akong ngumiti sakanila and bowed my head a bit. Umalis na ako at bumalik sa counter kung nasaan si Faye. "Uy, Marie! Thank God you're here na!" Napansin ko pa siyang parang nakahinga ng maluwag nang makita ako. Kaya taka ko siyng tiningnan. "Oh? Bakit? Teka nga, ano na next order? Nang makauwi na ako ng maaga, hayst." Aniya ko rito. "Eto na nga be, buti na lang nandito ka. Ikaw na lang mag-serve doon dahil kung iba pa ay pumalpak! May dumating aksing walong hottie rito, eh, ang sabi ni boss i-serve raw ng mabuti at malinis. Syempre ikaw na mag-serve, noh, 'wag ka na chaka 'teh ang gwapings no'ng mga yo'n." Mahabang linyahan nito habang prine-prepare yung mga orders. Teka, walong hottie? So, it means lalaki? "Gaga! Hindi naman lahat gano'n kalantod no! Sama ng ugali mo talaga, judger" Sikmat ko rito. Para kasing sinabi niyang mas mabuting ako nalang ang mag-serve kaysa sa ibang server baka kasi landiin, ganoon? "Shut up ka diyan girl, concerned lang ako sakanila baka bigla silang putukan diyan." Lumuwa naman ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hoy! Ang bastos mo Fayerilyn!" I exclaimed. Iba kasi ang dating ng sinabi niya, diba? Pinanlakihan niya naman ako ng mata at tumawa. "Bwiset ka girl, what I mean is baka mabaril sila kasi may dalang mga baril 'yun. Pulis yata mga hottie eh." Mas lalo akong naintriga. Lakas kasi mag-kwento nito. "Ay talaga ba? First time kong malaman na may nagdala ng baril dito sa bar ha?" Nilapag na niya ang mga alak sa container at tumingin sakin. "Hindi naman bawal, kaya lang, yung mga kakilala lang ni boss 'yung pinapayagan. Favoritism ba." Nagkabit balikat na lang ako at hindi na nagtanong pa. "Oh, ito na ang orders nila girl. Five glasses of vodka, two cups of Whiskey Sour with additional grapes and lemon sa table thirty-three." Kinuha ko na ang tray at hinawakang mabuti bago magpaalam sakaniya. "Hatid ko na this, baka naiinip na iyong mga hottie mo" I said before turning my back to her. And she mouthed at me a, be-care-fool-look. Ingat na ingat ko talaga paglalakad ko, baka mamaya pumalpak ako tapos barilin bigla ako ng mga 'yun no. Hindi pa naman ako sanay na may mga baril dito sa loob ng bar. Ang alam ko kasi talaga ay bawal. Pero siguro mga mayayaman 'yong mga yun kaya pinapasok ni boss. Kadami-raming nakatayo at sumasayaw kaya lumalayo ako sakanila, I don't want to create a scene here. Ay pak! Nag-english pa ang lokaret. 'Time can never mend The careless whispers of a good friend' 'To the heart and mind Ignorance is kind There's no comfort in the truth Pain is all you'll find' Kalakas-lakas ng speaker dito sa bar, dinaig pa iyong speaker ng kapitbahay namin. Kabasag tainga. Eh, sa wala akong choice, ito yung trabaho ko eh, shemays. Nang makarating na ako sa table na 'yun, kaunting sulyap ko lang at nagbaba kaagad ako ng tingin at sa mga inumin lang ako naka-focus dahil nako, baka high sila tapos bigla akong bariliin, edi tigok kaagad ako. Ayaw ko pang humimlay ng maaga. "Here's your order sirs. Five glasses of vodka, two cups of Whiskey Sour with additional grapes and lemon. Is that correct sirs?" I asked politely. Tumango naman sila kaya inayos ko na ang mga inumin habang nakababa pa rin ang tingin. Tinago ko ang panginginig dahil ayaw kong masabihan ng hindi professional sa trabaho. Kahit nakakatakot sila, aayusan ko ang trabaho ko. 'I should've known better than to cheat a friend (should've known better, yeah) And waste the chance that I'd been given So, I'm never gonna dance again The way I danced with you, oh' The music absorbs the air, talagang sinasakop lahat. Binilisan ko na para makaalis kaagad ako. Hindi kasi ako mapalagay dito sa pwesto lalo na rito sa kalalakihan. Pakiramdam kong nakatingin silang lahat sakin. Kita ko rin na may mga babae silang kasama na alam kong mga bayaran lang. Wala pa nga sila sa 'ganon stage' eh, may lumalabas na sa bibig nila. How pathetic. Nang matapos ako ay tumayo na ng tuwid at kaunting yuko sign iyon ng paggalang. "Look at me, woman." Parang natuod ako dahil nanigas ang mga binti ko ng marinig ko iyon mula sa isa sakanila. Gusto niyang tumingin ako? Bakit kaya? Hala! Baka naman pagka-tingin ko, may baril ng nakatutok sakin, ah? Pero costumer siya, baka magkagulo pa rito at mapagalitan ako ni boss. Kaya kahit ayaw ko at napipilitan, tumingala ako at tumingin sakanila at sa kung sino ba iyong nagsalita. My lips parted as I saw the man who spoke. 'Tonight, the music seems so loud I wish that we could lose this crowd Maybe it's better this way We'd hurt each other with the things we'd want to say' "Bakit ka nakayuko?" He asked me. Natameme talaga ako sa itsura niya plus 'yong boses niya! Hala! Hala! Kagwapo-gwapo kasi, kahit dim ang lights tapos may pa-disco pa, kita ko yung makinis niyang mukha na parang walang tumutubong pimples, huh. Kaiingit naman nito. Katangos pa ng ilong niya tapos ang puti-puti niya pa. Siguro kano ito, pero alam niya magtagalog tapos parang bihasa na siya do'n ha! "Tinatanong ka niya miss." Sabat ng isa sa kanila kaya naputol ang pagkamangha ko sa lalaki. Pakiramdam ko ay namula ng husto ang pisngi ko dahil lahat sila ay nakatingin sakin na parang hinihintay ang sasabihin ko lalo na iyong lalaking iyon. "A-Ah! K-Kasi..ano sir,ah...p-pasensya na po. Kasi a-ano po..." Napapikit ako ng mariin dahil nilalamon na ako ng hiya at kaba. Hindi na tuloy ako mukhang professional! Nakakahiya! "Tulala ka kasi miss, eh, sino kaya ang tinitingnan mo." One of them stated kaya mas lalo akong napahiya. "S-Sorry po..." Yumuko na lamang ulit ako. Baka nakakagawa na kami ng eksena rito, huh. Pero mukhang hindi naman, maingay pa rin ang mga tao at busy sa pagsasayaw sa dance floor. "Enough." Halos magbuka ang bibig ko roon sa boses niya, kay gandang pakinggan ba. Swerte naman kung may grilfriend ito or asawa? Hay, sana wala pa. Wala naman na akong gagawin dito kaya aalis na ako tulad ng gusto nila, diba? "A-Ah, enjoy sirs." Sabi ko na lang at tumingin sakanila kahit sulyap lang. At kita ko ang ngisi ng isa nilang kasama. Tila nang-aasar ito. Hindi ko nalang pinansin at umalis na. Katakot naman shemays! Bumalik na ako sa counter at humingi ako ng tubig kay Faye dahil para yata akong nauhaw doon. Hingal na hingal yarn? "Uhaw na uhaw? Bakit? Sobrang hot ba nila?" Asar pa niya sakin. Umirap ako sakaniya at tiningnan ang cellpone ko mula sa bulsa. "Doon muna ako sa gilid, titingnan ko muna kung may text na si Bella. Baka hinahanap na ako ni Renesmee." "Gaga, bilisan mo girl. Baka may mga orders nanaman, daming tao oh." Sabi niya sakin. Tumango na lamang ako at tumungo muna sa gilid at nag-check ako ng mga messages sa cellphone ko kung mayroon nga ba. Miss ko na sila. Makalipas ang dalawang minuto tinawag ako ni Faye dahil may mga orders ulit. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pumunta sa counter. "Ano nanaman?" Bagot na bagot kong tanong. "Sissy! Mag-seserve ka ulit!" Excited na excited siya base sa pagkakasabi niya. "Nag-order ulit yung walong hottie!" Lumaki ang bata ko dahil doon. My lips parted too, ang angas. "Oh, tapos? Bakit ako?" Ayaw ko na nga mag-serve doon sa table nila, nakakahiya na. Baka matulala nanaman ako mamaya. Tapos pala dino-doggshow na nila ako. "Bakit? Sino pa ba ang mag-seserve ateng? Ikaw na, gaga nito." Nagkamot batok ako sakaniya. "Napahiya na ako kanina girl, kung alam mo lang, sobrang intimidating nilang tingnan!" Her eyes widen at what I just said. "You mean, natulala ka? Gaga!" "Hoy bibig mo!" Suway ko rito. "Ih! Ikaw na ang mag-serve. Ito na oh, ready na nga eh." Pinakita niya pa naka-ready'ng mga bote ng alak at mga baso. Tatanggi pa sana ako nang dumating si boss, si manager namin. Naka-formal attire si boss at naka-wig dahil nga kumikinang-kinang siya umaraw man o umuulan. "Bakit po boss?" Tanong naming dalawa. "Yung order sa table thirty-three, pakibilisan. Kilala ko ang mga iyon, huwag niyo silang paghintayin, baka itong bar ko ang pasabugin." Sabi ni boss at halata ang takot sa boses niya. Agad akong tinuro ni Faye at sinabing, "Ito ang mag-seserve sir oh, katagal-tagal pumunta." Ani nito. Tiningnan tuloy ako ni boss at pinangdilatan ng mata. "Diba ang sabi ko, kung sino na ang nandiyan, siya na ang mag-serve?" "I-Ito na nga sir eh." I-serve iyon sa table na Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Wala akong choice, kung hindi ko susundin, edi wala na akong trabaho niyan. Kaya kahit ayaw ko na bumalik doon ay ginawa ko. Tinungo ko ulit ang table nila at pansin ko sa order nila...same as before. Siguro favorite nila itong drinks. I just sighed deepl, kailangan ko 'tong gawin. Ha! Kahit mga gwapo sila, lalo na siya, hindi ako papaapekto! Huha! When I reached at the table, agad-agad kong nilapag ang order nila. "Here's your order sirs." I used my formal voice to sound professional. "Si miss ganda pala ito, eh." Puna ng isa sakin. "Naknamputcha, si idol pala ito, eh." At ng isa pa. "Naks! Kaya pala nag-order ulit, ikaw naman pre, gusto mo lang yatang makita si miss ganda." Halos pamulahan ako roon ngunit pinigilan ko. Imbis na pansinin sila, kinumpirma ko nalang ang orders nila. "Same as your orders recently diba po?" I politely asked. "Ahuh." Kumpirma naman ng familiar na boses na iyon. Hindi ako tumingin sa gawing iyon, tumititig ako sa isa sakanila, malamang obvious naman na iniiwasan ko ang lalaking iyon. I smiled dearly. "Okay, enjoy po." Sabi ko na lang at ambang tatalikod na sana nang sagiin ako ng isang babaeng papunta sa direksyon nila. "Watch on the way miss, saan-saan ka kasi nakatingin." Malditang sabi sakin. Kaysa sa magpaumanhin, ganto pa sasabihin? Wow ha! Sorry siya, hindi ako pinalaki ng duwag at hindi marunong tumindig sa kung anong tama. Hindi naman tama ang nakabangga pa ang mukhang agribyado? Diba? "Well, hello po ma'am, ang lawak-lawak po ng daan para daanan niyo." Birit ko rito. Kita kong nangunot ang makapal niyang kilay at mas lalo siyang nagmukhang masama dahil akma niya akong susugurin nang mahawakan ng lalaking iyon ang braso niya. Nagsinghapan ang lahat at alam ko na, nakakagawa na kami ng eksena. "Enough, Pauline." Saway sakaniya ng lalaking iyon. Aangal pa sana ang babae ngunit isang mabagsik na tingin lang ng binata ay tumahimik ito at tumingin sakin ng masama bago umalis. Nawala na rin ang tinginan nang mawala siya, mga chismosa nga naman. Naapahinga naman ako ng malalim, sigurado akong tatanungin nanaman ako ni Faye mamaya kung anong naganap. It's a tea again to be spilled. Bago ako tumalikod, I met his stares. Para akong natuod ng makita ko ang light brown niyang mga bata na tumitingkad sa disco lights. Ang fluffy nyang buhok na siguradong masarap hawakan. Oh, may gulay, fit na fit siya kapag nakatayo or kahit nakaupo. He's giving me a long stare, nakakalunod. Parang hindi ako makaahon. Pero bakit ba siya nakatingin? Hala! Siguro sinusuri niya na ako? Pangit ba ako? Or nagagandahan siya sakin? Wow, swerte ko naman kung ganoon ang iniisip niya. Sa gwapo ba naman niyang 'yan, maraming babae ang mabibighani. Nagulat ako nang magsalita ito. Kahit pa malakas ang musika, narinig ko ang sinabi niya. "A server huh." He even adds a 'tsk' on his word. Habang ang mga kasama niyang lalaki ay nakikinig lang sakaniya, not minding that I'm still here. "Soon, you're the one who will order....me." Hello! I hope you find this exciting and interesting! I would like to know your thoughts in this. I hope my bodyguards will build lessons in you and protect your young hearts from pain and sorrow : ) See you in the next chapter! You can follow or interact with me every time in these social media; Facebook: Ysa Aquino/Ysa WP Tiktok: ms_ysaawp Instagram: ms.ysaaxxtys_ Twitter: msysaaxxtys_
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD