CHAPTER 1
Diana's Life
"MAMA GISING KA NA!"
Mas lalo akong nabwiset nang makarinig ako ng sigaw. Kunot na kunot ang noo ko sa frustration, oh my gosh sila!
Sunod kong naramdaman ang pagyugyog ng balikat ko at parang may humahalik-halik sa pisngi ko.
"MA!"
"MA!"
"MAMA!"
Bwiset na bwiset akong bumangon sa kama at tiningnan silang masama.
"Oo na, ito na! Kayo talaga...." Ang inis ko sakanila ay biglang nawala ng makita ko ang mga itsura nila.
Para silang batang kalye na gutom na gutom ang mukha. Tuloy, nanlalambot ang puso ko sa nakikita ko.
"Good morning mama..." Bati nila sakin at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit.
Gumantin naman ako ng yakap at hinalik-halikan sila sa ulo at noo.
"Good morning mga anak..." I mumbled.
"Na-miss ka po namin, mommy." I smiled when Renesmee said that.
"Weh? Totoo ba?" Kunwari pa akong hindi naniniwala.
"Oo naman po!" Aniya sabay kiss sa pisngi ko.
Ang sweet-sweet talaga ng mga anak kong ito. Kay umagang-umaga good mood ako.
"Halina kayo, magluluto na si mama okay? Gutom na ba kayo?" Tanong ko sakanila habang akay-akay palabas ng kwarto ko.
"Yes, mom!"
"Opo mama"
"Opo"
Napangiti ako sa mga tugon nila. Ito talaga ang morning duty ko. Ang pagsilbihan ang mga anak ko sa uumaga
Dito lang kami sa isang simpleng apartment tumitira dahil ibinenta ko iyong dati naming bahay sa probinsya para may ipon kami at may pang-paaral ako rito sa mga bata. Walang-wala talaga ako noon dahil estudyante pa lamang ako sa mga panahong iyon kaya hirap na hirap akong magtrabaho. Lalo pa't....wala na akong magulang noon.
"Auntie Bebeng, magbabayad naman po ako eh. Kailangan ko lang po talaga ngayon." Paki-usap ko kay auntie Bebeng, kulang na lang ay lumuhod ako mapagbigyan niya lang ako.
"Ay nako, Diana, ilang beses ka nang umutang sa tindahan ko tapos madalang ka pa magbayad. Luging-lugi na nga ako oh!" Saad naman ni aling Bebeng sakin.
"Pero auntie Bebeng, gutom na gutom na ho talaga iyong mga bata....kawawa naman yung mga anak ko, auntie Bebeng, maawa kayo.." Nagsimula na akong maiyak nang maalala ang mukha nilang nanghihina. Ilang oras na rin kasi silang walang kain.
Dahil hindi talaga ako pinagbigyan ni auntie Bebeng, nagpunta ako sa naaalala kong kamag-anak namin sa kabilang bayan. Walang-wala na talaga akong alam na paraan.
"Tita...kahit sikwenta lang ho...para sa mga anak ko, butas na po kasi ang bulsa ko. Taob na ang bangka, tita." Sambit ko kay Tita Marisol.
Sa dami ng iniisip ko ngayon para lang may makain sila, iniwan ko pa sila sa bahay. Natatakot ako, hindi ko kayang makita sila sa ganoon na sitwasyon.
"Hija, pagpasensyahan mo na dahil wala rin akong maibibigay sayo ngayon. Gipit din kami, wala pa akong pension at hindi pa sume-sweldo ang tito mo. Gustong-gusto kitang tulungan kaya lang wala rin ako ngayon..."
Doon ay tila nanlumo ako. Pilit akong ngumiti at nagpaalam sakaniya at umalis na.
Umuwi akong bigo at walang dala kahit ano para sakanila.
"Mama?" Tawag kaagad nila sakin nang makita ako papasok ng bahay.
"Pasensya na mga anak...kailangan na nating lumipat ng tirahan, ayusin niyo na mga gamit niyo lagay niyo na sa maleta at sa bag okay?"
Hindi naman sila nagtanong pa at sumunod na lamang sakin.
Wala na akong ibang choice. Kung hindi ko ito gagawin, mamamatay kami sa kagutuman. Kung ang pagbenta sa bahay na ito kapalit ng maayos naming pamumuhay, gagawin ko.
Buti na lang ay may bibili, sinabi na sakin ng taong iyon noong isang araw pa kaya lang nagdalawang-isip pa ako kung ibebenta ko nga ba.
Ngayon, desidido na ako.
"Mama, saan tayo pupunta?" Tanong ng panganay ko.
"Sa Maynila, anak." Maikli kong sagot dito.
"MAMA, NAKIKINIG KA PO BA?"
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang sipatin ako ng bunso kong anak.
"Sorry, 'nak may iniisip lang ang mama." Ginulo ko ang buhok niya bago ihain ang mga niluto ko.
Nagluto lang ako ng hotdog, itlog at pancit canton. Hindi naman kami mayaman para maghanda ng mas marami pa. Atsaka, ito pa lang ang kaya kong lutuin para sakanila. Sa susunod, papatikimin ko sila ng bacon, para sosyal.
"Kain na kayo, mga 'nak." Sabi ko sakanila ngunit hindi pa rin sila gumagalaw kaya tiningnan ko silang lahat.
"Ma, kailangan natin mag-pray muna." Ani ng panganay kong lalaki, si Caius.
Lumaki ang mata ko sa gulat, oo nga pala! Anak ng tokwa! Muntik ko nang makalimutan iyon ah. Nakasanayan na rin kasi namin na magdasal bago kumain iyan ang bilin ko sakanila simula pa lamang. Dahil sa Kaniya, hanggang ngayon buhay a kami at ligtas.
"Ay oo nga pala...oh, bunso, pangunahan mo na ang panalangin." Wika ko sa aming bunsong si Renesmee. Pa-cute naman siyang tumango sa akin. Nag-sign of the cross kaming lahat at pumikit. At pinakinggan ang dasal ni bunso.
"Good morning po papa Jesus! Thank you po kasi ginising niyo kaming lahat, thank you rin po kasi may pagkain kami sa lamesa. Salamat po sa pag-stay palagi sa tabi namin. Papa Jesus, sana po araw-araw ganito—kasama namin si mama, inaalagaan niya kami. Thank you po, mahal po namin si mama at kayo rin po papa Jesus, mahal ka rin po namin. Salamat po sa umagang ito. Amen."
Hindi na yata ako titigil sa kakangiti rito. Kahit bunso siya, ang bibo-bibo niya na, Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti. Oh...my little one is so sweet.
"Kain na mga anak." Nakangiti kong sabi sakanila na agad naman nilang ginawa.
Kita ko ang saya sa mga mata nila, yung para bang mga bituin sa kalangitan na nagniningning? Mga anak ko nga talaga ito, walang duda.
"Mama, wala ka pong work today?" Tanong bigla sakin ng pangatlong anak kong si Alice.
"Wala anak, day-off ko today, eh." Sagot ko dahil totoo naman, it's Saturday and it's no bar day. Weekend eh.
Sumunod naman na nagtanong si Jane, ang pang-apat kong anak. "Eh, bukas mommy? May pasok ka?"
"Wala rin, linggo bukas. Family day natin ngayon at bukas, okay?" Sabi ko na lang sakanila.
"Sana araw-araw ganito mama, kasama ka namin." Para naman nadurog ang puso ko sa sinambit ng aking anak. Dahil tuwing weekends ko lang sila nakakasama ng ganito. Gabi-gabi na ako umuuwi minsan.
Hindi na lang ako nagsalita at ngumiti ng bahagya sakanila.
Malas man ngayon ang buhay namin, walang maipagmamalaki, butas palagi ang bulsa at hindi kumpleto. Swerte naman ako sa mga anak kong ito. Ang lima kong chikiting na ubod ng kapilyuhan ngunit mabubuti naman.
Si Bella, ang panganay kong anak, kasalukuyang nasa senior high, grade twelve. Gra-graduate na siya kaya todo kayod ako kadami-dami pa naman nilang ginagawa. Future architect mag-partner talaga sila ni Caius. Team building ang peg nila.
Ang sunod sa panganay, iyon si Caius, junior high, grade ten. Iyan ang masipag mag-aral sa kanilang lahat though, lahat naman silang masipag, pero siya kasi umaga't hapon pag-aaral ang inaatupag niyan. Parang hindi nga nagpapahinga eh. Future engineer daw siya, sabagay, magaling naman siya sa Math kay may maipaglalaban din.
Pangatlo si Alice, junior high school, grade eight. Sa kanilang lima, siya ang fashionista. Kahit galing sa ukay kaya niyang magpaganda. Kaya minsan napapagkamalan siyang model, magaganda nga naman kasi ang mga kapatid ko, hindi pakakabog itong si Alice. Kutob ko nga rito ay magiging fashion designer ito pagdating ng araw.
Pang-apat sa magkakapatid si Jane, nasa elementary pa lamang at grade five. Siya ang pinakamaingay na bata pero sweet sakin iyan. Talkative kasi siya tapos feeling Dora the Explorer siya. Naadik sa panood na iyon. Kaya iyon, may bangs na pagkakapal-kapal.
At ang bunso kong anak na si Renesmee, grade two na yung bata. Ang mapagmahal kong bunso. Naalala ko noon, nagkasakit ako at siya ang tumulong kay Jane na alagaan ako, pinaypayan niya pa ako noon. Bibo ang batang iyan.
Hindi ko alam kung coincidence lang ba na ang mga pangalan nila ay galing sa panood na Twilight, 'yung bida na sila Edward at Bella? Wala akong maalala pero baka naisipan ko talagang ipangalan sakanila iyon, paborito ko kasing panood iyon dati.
Ewan ko ba kung bakit ang agang ibinigay sakin ito, hindi naman ako malungkot, masaya dahil nandiyan sila.
Natigil ako nang biglang may mga imaheng pumapasada sa utak ko. Ang mga iyon...parang pamilyar.
"Bella! Nasaan ka ba?!" Naiinis kong turan. Kanina pa ako paikot-ikot sa bahay namin ngunit hindi ko siya makita. Wala namang pasok iyon dahil may event ang school.
"Bella?!" Tawag kong muli.
"Bakit a—"
"Tulong! Si Renesmee!!"
Napasinghap ako nang bigla na lamang akong nahilo at sumasakit ang ulo ko.
"Ma? Anong nangyari?"
"Mommy, ayos ka lang po ba?"
Imbis na sumagot, para akong hinihingal habang pinipilit na tumingin sakanila ngunit parang umiikot ang paningin ko. Pumikit ako ng mariin, kasakit sa pakiramdam.
Hanggang sa hindi ko na kinaya at bumagsak. Ang huli kong narinig ang mga sigaw ng mga anak ko bago ako lamunin ng dilim.
"MA!"
Dumating ang tanghali at nagising ako. Dinamba nila ako ng marami nilang tanong ngunit puro kasinungalingan lang ang isinagot ko sakanila dahil maski ako hindi ko rin masagot. Masiyadong magulo ang utak ko ngayon.
Sinabi kong magbihis na sila at isasama ko sila sa parlor. Raket ko kasi iyan today. Sayang pa ang kikitain kong three hundred doon ano!
"Ma, raket nanaman ba?" Inaasahan ko na iyan na itatanong ni Caius.
"Oo, nak"
"Madali ka lang doon?" Tanong niya ulit.
"Opo." Sagot ko ulit.
I heard him sighed deeply. Tiningnan niya pa ako habang ako ay nag-aayos ng sandals ko.
"Ayos ka na na talaga ma?"
Ngumiti ako sakaniya at lumapit. Pinisil ko ang pisngi niya dahil ang kulit-kulit. Paulit-ulit ko bang sasabihin.
"Oo nga anak ko. Ikaw Caius ha, hm." Aniya ko sabay kurot ulit sa pisngi niya.
"Tara na ma, para maaga kang matapos sa work mo." Tumango ako sa sinabi ni Jane.
Gumayak na kami, nagpara lang ako ng isang tricycle kasya naman kami doon. Mahigit pitong minuto lamang ay narating din namin ang isang beauty parlor. Bumaba na kami at nagbayad ako sa driver.
"Hay nako, Marie! Bakit ngayon ka lang?? Dami nating costumer sister, need ko ang iyong tulong!" Bungad kaagad sakin ni Maruicio, ito talagang baklang ito. Oo, beki siya ganiyan lang talaga ugali niya.
"Ito na nga ako, sister." Saad ko rito nang makapasok kami. Humarap muna ako kila Bella. "Dating gawi mga anak, doon muna kayo sa staff room ha?"
Ibinigay ko kay Renesmee ang cellphone ko samantalang silang apat ay may sari-sariling cellphone na dahil binilhan ko sila noon. Pinag-iipunan ko pa iyong kay Renesmee.
"Mag-cellphone muna kayo roon habang nasa work si mommy okay? Huwag magulo roon ah?" Bilin ko sakanila.
Tumango-tango naman sila bago isa-isang hinalikan ako sa pisngi. "Oh, sige na." Sabi ko.
"Okay ma."
Masunurin talaga ang mga anak kong ito. Ngumiti na lamang ako at ito na nga, nagsimula nang manermon sakin si Mauricio habang inaasikaso namin itong sandamakmak na costumers niya.
Ako ang nakatoka sa pagkyu-kyutiks, matapos niyang manermon, ito na, dinaldal niya na ako.
"Raketerang ina ka na niyan, Marie."
Napatawa naman ako dahil sabagay, totoo naman iyon. "Che ka! Luwal ka na rin para may asikasuhin ka rin maliban sa parlor mo bakla!" Saad ko.
"Eh sa wala pa ngang nagcla-claim sakin, sis! Susme nanggigigil ako kay Pedro, iniwan ako sa bar kagabi sis!" Hinaing niya bigla.
I chuckled lightly habang kinu-kyutiksan ko ang isang customer.
"Try mo yung dark way sis, sure ako effective yan." Sambit ko and I smirked when I saw him blush.
"Gagi! Hindi ko kayang gawin, beh! My pride won't bow." Arte niya pa habang kunwari may hinanakit sa dibdin niya. Pati yung ibang customer na nakikinig samin ay napatawa.
Nailing na lang ako. Nag-stay pa kami roon ng dalawang oras bago ko makuha ang sweldo ko ngayon. Pagkatapos kong makuha, umalis na rin kami, hinagkan pa ako ng sister niyo!
"Mama, saan tayo pupunta?" Alice asked me habang pumapara ako ng tricycle sa daan.
"Grocery anak, may budget ako pang grocery, bili tayo ng pang-stuck natin sa bahay."
Tumango-tango sila at sumakay na nang may mapara akong sasakyan. Kilala ko yung driver dahil palagi ko siyang pinapara noon para magpunta sa bar na pinagtra-trabahuhan ko.
"Manong sa Supermarket nga po." Ani ko sa driver, tumango naman siya at umalis na kami.
"Kasama mo mga anak mo ah, naning." Sipat niya sa mga anak ko.
"Ah, opo." Turan ko. "Batang ina ako tatang." Dagdag ko pa at tumawa ng bahagya.
Mahinang natawa lamang si manong at hindi na kumibo.
Nang makarating kami sa supermarket, tuwang-tuwa sila. "Caius, kuha ka na ng cart. At ikaw Bella, kuha ka ng isang basket." Saad ko sa dalawa kong anak.
Kaagad naman silang sumunod at naiwan itong tatlong chikiting ko. Pumunta muna ako sa ward ng mga gamit. Pinaiwan ko ang dala-dala kong eco-bag at kinuha ang number card.
Habang lumalakad kami, napansin kong kanina pa ako tinitingnan ni Renesmee. At nang magtama ang tingin namin, kumuno't ang noo ko.
"Bakit anak ko?"
Natigil din sa paglalakad ang dalawa dahil sa sinabi ko.
"Mommy...may tanong ako." Dahan-dahan niyang sabi sakin.
Ano nanaman kaya ito?
"Sige lang anak, tanong ka lang."
"Nasaan po si daddy namin?"
Para akong dinumbol ng isang tren sa itinanong ng aking anak. Natuod ako na parang naging blangko ang utak ko.
"P-Papa niyo?" Ulit ko pa.
Suminghap ako nang sumakit bigla ang ulo ko. Parang may parte sa ulo ko ang kumikirot kaya napaaray ako ng mahina.
"Ma? Ayos ka lang?"
Umakto akong maayos nang dumating ang dalawa ko pang anak. Tumingin ako kay Renesmee at ngumiti ng alanganin sakaniya.
"Nak, sa susunod ko na sasagutin iyan tanong mo ha? Medyo sumasakit kasi ang ulo ni mama." Tugon ko kay Renesmee.
"Ano ba iyon ma?"
"Wala iyon." Pagsawalang bahala ko. "Halina kayo, doon muna tayo sa mga dilata tapos sunod yung mga noodles at canton niyo okay? Panghuli na lang yung mga junk foods niyo, neh?" Pag-iiba ko ng topic.
Nagpapasalamat naman ako nang tumango sila sakin at hindi na nagtanong pa.
Habang naglalagay ako ng dilata, tumabi nanaman sakin si Renesmee at ginalaw-galaw ang laylayan ng blouse ko.
"Bakit nanaman anak?"
"Saan ka po ba nagtra-trabaho mama?" Tinanong nanaman ako nito.
"Maraming trabaho ang mommy, nakalimutan mo na ba?" Sawsaw naman ni Alice.
"Hindi ate! Ano yung trabaho ni mommy kapag Monday to Friday? Bakit siya umaalis ng nine sa umaga? Tapos babalik siya ng eight sa gabi, ang tagal naman ng trabaho niya." Katwiran ni Renesmee.
Ito na ang kinakatakutan ko, ang pagiging mapagpatanong nila sakin. Puro palusot ako noon pero ngayong lumalaki na sila, alam kong magtatanong at magtatanong sila. Si Bella hindi naman ako tinatanong, kutob ko nga ay may ideya na ito kung ano ang trabaho ko, nananatili lang na tahimik.
"Anak kas—"
"MARIE??!"
Naputol ang dapat kong sasabihin nang may pamilyar na boses ang sumigaw ng pangalan ko. Napalingon tuloy ako roon at nakita ko si Faye na naka-jumper jean. Kumaway-kaway siya kaya ginawa ko rin iyon. Ngiti-ngiti siyang lumapit samin.
"Hala! Hindi ko inaasahan ito ha, mag-grocery din kayo?" Tanong niya samin. Tumango naman ako bilang tugon.
"Oo, girl. Paubos na yung stock namin doon sa bahay eh."
Naputol ang usapan namin ni Faye nang dinamba siya ng yakap nina Renesmee.
"Tita ninang!" Tili nila
Faye pouted and hugged them back. "Ay sus, kalalaki na ng mga anak mo Marie ha. Next time na lang gift ko sa inyo nakshies ha? Gipit ninang niyo eh." Aniya at sinabayan pa ng tawa.
Humagikgik sila at humalik sa pisngi ng tita ninang nila.
Nagpatuloy kami sa pamimili habang nagkwe-kwentuhan kami ni Faye, ang mga bata naman ay inutusan kong maglagay lang sa cart ng mga dilata at mga kailangan namin.
"Bella, ikaw naning ka, baka ikaw ay may boyfriend na ha? Huwag ka muna magganon ha?" Pagpapaalala ni Faye sa anak ko.
Agree ako sakaniya, maski ako ay hindi ko pa hahayaang magka-boyfriend itong si Bella. Kung manliligaw ay ayos lang sakin basta kaya niyang maghintay kay Bella. Mataas ang mararating ng batang iyan, gusto kong tuparin niya kung ano man ang gusto niya sa buhay.
Tumatawang nilingon ni Bella si Faye. "Tita ninang naman eh. Wala pa po akong gano'n. Pag-aaral po priority ko ngayon." Tugon ni Bella.
Umiling ako at nagtuloy-tuloy. Nang medyo lumayo ang mga bata samin dahil nandoon na sila sa noddles at canton ward. Inumpisahan naman akong daldalin nitong si ate girl.
"Huy, Marie! Ano 'yung kagabi ha? Yung si isang hottie?" Sinamaan ko siya ng tingin at umiwas ng tingin.
"Gaga wala lang 'yon, lakas lang siguro ng tama ng lalaking 'yon." Ilag ko pa sa topic.
"Woy hoy, anong wala lang? Kita kong bumuka bibig no'n kagabi, may sinabi sayo!"
Naalala ko tuloy yung sinabi ng lalaking iyon kagabi, hindi mawala sa isip ko iyon.
"Ay sus, kumekerengkeng na si Marie!" Saad ni Faye sakin. Hinampas ko naman ang braso niya.
"Bibig mo gagi, marinig ka ng mga anak ko." Paalala ko sakaniya.
She just pouted and smirked.
"Sino po 'yun mama? Crush niyo po o boyfriend niyo?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa may likuran namin ni Faye. Mabilis akong lumingon doon at nakita ko si Jane.
"H-Huh?"
Kailan pa siya diyan? Narinig niya ba lahat ng napag-usapan namin ni Faye? Susmiyo po.
"Yung pinag-uusapan po ninyo ni tita ninang, boyfriend niyo po? May boyfriend ka na po, mama?"
Hindi pa man ako nakakasagot nang biglang may nagsalita nanaman
"Sinong boyfriend ni mama?" Tanong ni Caius na galing sa kaliwang bahagi.
"Anong? May bf di mommy?" Tanong din ni Bella habang nakasunod sakaniya si Renesmee. Galing sa kanang bahagi.
Mas nawindang pa siya nang dumagdag si Renesmee sa usapan.
"Magkaka-daddy na tayo?"
Lahat sila tumingin sakin na para bang hinihintay nila ang magiging sagot ko sa lahat ng tinanong nila.
"Patay ka sister, bahala ka mag-explain." Parang gusto ko ngayong sapakin si Faye dahil sa kaingayan niya.
I laughed awkward, bahala na, para lang makalusot sa mga tanong nila.
"Wala akong boyfriend mga anak, end of the discussion, okay?" Ani ko sakanila.
Bumuntong hininga si Caius and he eyed me suspiciously. Parang duda pa siya sa isinagot ko, huh.
"Tuloy na namin ma." Sabi na lang ni Bella at hinila muli si Renesmee sa kabilang ward.
Nang matapos na, pumunta na kami sa counter at pumila. Mas nauna si Faye at kalaunan ay nagpaalam na rin na aalis dahil mayroon pa siyang gagawin. Na alam ko naman na raraket din siya.
Pagkatapos nito, binabalak ko silang ipasyal sa park. Ito lang kasi ang kaya ko sa ngayon, next time na sila mag-mall.
"Two thousand eight hundred fifty-five po ma'am." Sabi ng cashier kaya naglabas na ako ng three thousand. Iyan ang budget ko pang grocery namin eh.
Nang makabayad na kami at kinuha ang eco-bag ko sa waiting ward, umalis na kami at pumara ulit ng tricycle.
"Sa amusement park nga po, kuya." Sabi ko sa driver.
"Anong gagawin natin doon mama?" Tiningala ako ni Jane.
"Tatambay lang anak, alam kong pagod kayo."
Hindi naman nagtagal ay nakarating kaagad kami sa park. Nagbayad ako at bumaba na. Pansin kong maraming tao, mas maganda.
"Mama! Gusto ko sa swing!" Turo kaagad sakin ni Renesmee, tukoy niya sa duyan na iyon.
"Punta ka lang anak, basta huwag kang lalayo ah?" Bumaling naman ako sa apat. "Kayo rin, enjoy'in niyo na itong araw na ito, bukas ay magraraket tayo at the same time, papasyal."
"Okay, ma!"
"Sige po, mommy."
Lumayo na sila sakin at nagmuni-muni. Samantalang ako ay umupo lamang sa isang bench sa gilid at tinanaw sila.
Kita ko palang ang saya sa mga mata nila, masaya na kaagad ako. Siguro ganito talaga ang pakiramdam na nakikita mo ang mga anak mong masaya.
At the very young age, twenty-eight pa lamang ako pero heto, may responsibilidad kaagad. Hindi ko maisip na nailuwal ko talaga silang lima.
Pinagtataka ko talaga...imposible namang hindi ko sila anak dahil...kamukhang-kamukha ko sila kaya wala nang duda na mga anak ko talaga sila.
"Thank you, mommy!"
Hanggang sa hindi ko na pala namalayan na nandito na ang mga anak ko, nasa harapan ko at ang lalapad ng mga ngiti.
Pinipigilan kong maluha dahil iyong mga mata nila, may pinapahiwatig iyon sakin.
"Mga anak ko..." I whispered.
Dinamba nila ako ng yakap. Kaya hindi ko napigilang yumakap din pabalik.
"Mommy."
Niyakap ko sila, isang mahigpit na yakap. Yakap ng isang ina.
A/N: 60 comments to unlock the next chapter : )