CHAPTER 48

2254 Words
Part 1 – General Assembly   Mafia University Habang hinihintay nila ang pagdating ng Reyna sa auditorium ay nagkausap naman si Demone at Aeron. “May sinabi ba sa’yo ang Reyna? Kung bakit tayo nandito,” ani Aeron at marahang hinawakan ang kamay ni Roze na abalang nakatingin sa kanyang cellphone. Hindi na lang ‘yon pinansin ni Roze, matapos niyang tignan ang kamay nilang magkahawak ay ibinalik niya na ang paningin sa cellphone. Parang normal na lang sa kanya iyon, nasasanay na siya kay Aeron. May tinatapos din kasi siyang palabas at naiinip pa siya kakahintay kaya naisipan niya munang manood. Napailing siya. “Wala naman bukod sa kailangan dapat kumpleto tayong labing-dalawa,” tugon ni Demone. “Baka may importanteng announcement,” saad naman ni Iza na ngayon ay nakatingin na kay Demone. Ngumiti siya, gano’n din si Demone at hindi na napigilang ilahad ang kamay sa tapat niya. Wala na siyang pakialam kung mapapansin sila ni Aeron. “Baka lang gusto mo,” aniya. Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi. Parehas lang sila ng nararamdaman kaya hinawakan na ni Iza ang kamay ni Demone. “Gusto,” tugon niya. Samantalang si Gabriel ay nakatanggap nang tawag mula sa kanyang Ina. Tumayo na siya at lumabas muna upang sagutin ang tawag matapos magpaalam kay Snow. “Hindi talaga kayo pinaglalayo ni Gabriel?” nasabi naman ni Simon kay Snow pagkalayo ni Gabriel. Habang si Yumi na nasa gilid niya ay nakasandal sa balikat niya, nakatulog na. “Obviously. Ayaw na namin malayo sa isa’t isa. Our family knows,” at bahagyang natawa. “That’s good,” anito. “Kayo rin naman ni Yumi?” naitanong naman ni Snow. “Yeah,” tugon niya at sinulyapan si Yumi na mahimbing nang natutulog. “She’s precious to me.” “Sabi na, eh. I can see that.” Ngumiti siya at bahagyang sinilip si Yumi. “Mabuti na lang pinayagan siya na pumunta rito.” Napabuntong-hininga naman si Simon. “Oo nga…” may sasabihin pa sana siya ngunit isinantabi niya na lang muna ito. Saka niya na lang sasabihin kapag wala si Yumi sa tabi niya.     -On call- “Yes, Mom?” sagot nito paglabas sa auditorium. Gumilid lang siya sa pinto, hindi na siya lumayo. Napapatungo naman sa kanya ang ibang mga estudyante na papasok sa loob ng auditorium. Tinatanguan niya na lang ito. “Hi, dear. Nakaalis ka na ba sa house? Pinatawag daw kayo sa Mafia University. Kailangan kayong makita ng Reyna.” “Yes, Mom. I drove to MU. Hindi ko na kayo nasabihan ni Dad. Ligtas naman akong nakarating dito, kasama ko na rin si Snow.” “Okay, be careful pag-uwi mo. Gabi na kami makakauwi ng Daddy mo at may kailangan din akong asikasuhin kaya hindi ako makakapunta riyan.” “No problem, Mom.” “Oh, wait. Since kasama mo naman si Snow, ikaw na rin ang bahala sa kanya, ha? Ihatid mo siya pauwi.” “Yeah, I plan to do that but is there something wrong?” tanong niya dahil napansin niya ang tono ng boses ng Ina niya. “It’s nothing. Nagkaroon lang nang hindi pagkakaintindihan kanina sa meeting with Amira. Ang magulang ni Snow ay nag-away.” Napakunot naman ang noo ni Gabriel. “Oh, okay.” Hindi na pinakialaman ni Gabriel kung anong nangyari sa mga magulang ni Snow. After all, it’s not his business. Si Snow lang naman ang inaalala niya. “I’ll hang up now. Bye, Mom.” “Bye, dear. Good luck!” -End call- Matapos ang tawag ay bumalik na siya sa loob. Sakto naman ang pagdating ni Amira at Mortem. Lahat sila ay napatayo na kaya binilisan niya na ang paglalakad para makabalik na sa pwesto niya. Napabuntong-hininga na lang siya at napatingin kay Snow nang maramdaman ang kamay nito na humawak sa braso niya. “Right on time,” nakangiting sambit ni Snow. “Yeah,” ani Gabriel at ibinaling na ang tingin sa harapan. Pag-apak ni Amira sa stage ay nilibot niya ang kanyang paningin. Nasa tabi niya si Mortem, ang kamay niya ay nakasabit sa nakapamulsang braso ni Mortem. Sa bawat sulok ng room ay nakabantay naman ang mga tauhan niya. Samantala, ang mga guro ay nasa second floor mula sa upper part ng auditorium. Kasama na nila si Rara Khan na kararating lang din. Ang asawa niyang si Daem ay nakabalik na sa trabaho.   Bago magsalita ay humugot muna nang malalim na hininga si Amira. “Good morning, Mafia students,” malumanay na bati niya sa lahat ng estudyante na nandito ngayon sa harapan niya. Hindi niya na kailangan ng microphone sapagkat dinig na siya ng lahat dahil na rin sa sobrang tahimik nila. Tanging tunog lang ng aircon at boses ni Amira ang maririnig sa auditorium. Nakatuon lang ang atensyon ng mga estudyante at guro sa dalawang tao na nasa harapan nila. “Good morning, Queen Amira…” bati nila at tumungo upang magbigay galang. Pagkatapos ay saglit din nilang inangat ang ulo upang batiin naman si Mortem. “Good morning, King Mortem,” bati nila at saka tumungo rin upang magbigay galang. Tinanguan na lamang sila ni Mortem at umupo na sila sa kanilang mga upuan. “I just want you all to know that I’m happy for all the things that you’ve accomplished to this University and outside the Island,” panimula niya habang pinagmamasdan ang mga bata. “I am proud to say that you all did a great job of doing your best performances in this school,” at sumilay na ang ngiti sa labi niya. “So, we decided to finally open sets of competitions for all the students that will be entering the Mafia world soon. This will help you, especially this competition between the students that will acquire you set of new skills and friends.” Nagkaroon naman ng samu’t saring komento ang mga estudyante. Ang iba ay nakitaan na ng excitement lalo na ang grupo nila Demone. Habang ang iba ay bigla namang kinabahan dahil maglalaban-laban na sila sa isang kompetisyon kung saan makikipagkitang gilas na sila sa bawat laban na sasalihan nila. “I’m so excited!” Lumiwanag ang mga mata ni Roze habang nakikinig kay Amira. “Me, too,” ani Aeron na hindi naman inaalis ang tingin kay Roze. Hanggang ngayon ay magkahawak pa rin ang kamay nila. “Let’s have a deal,” pagbaling nang tingin ni Roze kay Aeron. Nakaisip siya ng gagawin dahil hindi niya na mapigilan ang kanyang nararamdaman. Patagal nang patagal pakiramdam niya ay mapaamin na siya ng wala sa oras, e pinipilit niya sa sarili na mataas ang pride niya kaya gusto niyang mauna si Aeron dahil sa motibong ipinapakita sa kanya. “What?” napakunot ang noo ni Aeron. “Paglalaruan mo yata ako, eh,” dagdag niya na ikinatawa naman ni Roze. “No, ganito kasi. Kapag madami akong naipanalo, may aaminin ka sa akin. Kapag natalo ako, ako naman ang may kailangan aminin sa’yo. Game?” “Payag ako pero kapag natalo ka, gusto ko may gawin ka para sa akin. Iyon na lang,” suhestyon niya dahil hindi niya hahayaang manalo si Roze kahit na mahal niya pa ‘to. Napabitaw si Roze. “Ang daya! Ayoko—” hindi siya pinatapos ni Aeron. “Bakit ayaw mo? Dahil ba sa natatakot ka na matalo kita?” “Okay, fine! Hindi ako takot. Tatalunin talaga kita.” Tuluyang napangiti si Aeron at kinuha na ulit ang kamay ni Roze. “Deal,” aniya. Samantalang si Iza at Demone ay kanina pa bumitaw. Nagpatay-malisya na lang sila sa usapan na narinig nila mula kay Aeron at Roze. “Baka nilalamig ka na,” ani Demone matapos iligay sa magkabilang balikat ni Iza ang suot niyang coat. Dumapo na lang ang mga mata ni Iza ro’n. “Thank you,” aniya at muling napangiti sa ginawa ni Demone. Bahagya namang dumikit si Demone kay Iza. “May alam ka ba sa dalawa?” bulong niya sa tainga ni Iza. Sinubukan niyang pahabain ang usapan nila. Bumulong din si Iza. “Hindi ako sigurado,” tugon niya. May alam siya kay Aeron pero hindi niya na ‘to sinabi dahil sa respeto niya sa lalaki. “Itatanong ko na lang mamaya kay Roze,” dagdag niya dahil gusto niya ring malaman ang nararamdaman ng kapatid niya. Kung tumama man ang hinala niya, tuluyan niyang susuportahan si Aeron at Roze dahil alam niya ng parehas sila ng nararamdaman. Napatango na lang si Demone at pasimple nang kinuha ang kamay ni Iza upang hawakan ulit ito. “Damn! Umayos ka, Demone,” sa isip-isip niya na hindi mapakali. Sa iba’t ibang kompetisyon na inihanda nila Amira ay maaaring magkakahiwalay na ang labing-dalawa dahil p’wede na nila makalaban ang isa’t isa. Hindi na iyon basta-basta katulad ng ginagawa nila sa training dahil kompetisyon na iyon na kailangan nilang ipanalo. Maaari din na isama sila sa ibang grupo ukol sa isang kompetisyon na naaayon sa pangkat dahil sa motibo ni Amira. “Gusto kong makita na habang nasa kompetisyon kayo ay magkaroon kayo ng bagong mga kaibigan. Hindi lang sa grupo n’yo. I want you all to explore and make some new friends. Kung dati, kalaban ang turing sa isa’t isa. Ngayon, iba na ang gusto kong mangyari,” dagdag ni Amira. Muling binalot ng ingay ang auditorium dahil sa sinabi ni Amira. “Parang ayoko na,” nakasimangot na sabi ni Snow. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Amira. “Why?” tanong naman ni Gabriel. “Ayoko ng ibang friends. Kayo lang ang gusto ko. At saka, baka paghiwalayin na nila tayo,” paliwanag niya. “Don’t worry. I’ll ask Mom about it,” at inakbayan si Snow. “Hindi ko hahayaan na mangyari ‘yon. Trust me.” Tila lumiwanag naman ang mga mata ni Snow, napalitan ng ngiti ang labi niya. “Oo nga pala. Tita Zurikka is also a teacher here. She can do something,” aniya matapos mapagtanto ang sinabi ni Gabriel. “Yes,” at ngumiti na si Gabriel. “Hindi yata ako makakasali.” Napabuntong-hininga na lang na sabi ni Yumi. “I shouldn’t be here. Wala naman akong gagawin, eh.” “It’s okay, Yumi. It’s for your own good,” sabi naman ni Simon at marahan nang hinaplos ang likod ni Yumi upang pakalmahin ‘to. “We can talk to Miss Rara, if you want. Baka payagan ka sa ibang competition na hindi makakasama sa baga mo,” suhestyon niya. Napatango si Yumi. “Thank you, Sy.” Napangiti naman si Simon. Hindi niya akalain na tatawagin siya nito sa nickname niya. Mas lumambot pa ang puso niya nang maramdaman na humigpit ang pagkapit ng kamay ni Yumi sa kanya na para bang ayaw siyang bitawan. “Don’t worry, Yumi. Gagalingan namin para sa’yo,” pagsingit ni Snow nang marinig ang malungkot na boses ni Yumi. “She’s right, Yumi. Part ka na ng MU kaya hindi p’wedeng wala ka rito,” sabi pa ni Gabriel. “Thank you,” nakangiti nang sabi ni Yumi. Matapos ipaliwanag ni Amira ang mga mangyayari sa kompetisyon ay sunod namang nagsalita si Mortem. Sinabi niya ang mga dapat tandaan kapag nagsimula na ang kompetisyon lalo na sa pakikipaglaban. “Handa na ako,” sabi naman ni Jasper na may kasama pang pag-unat. “Lahat kayo luluhod sa akin. Itaga n’yo ‘yan sa bato!” dagdag niya na ikinatawa naman ng iba dahil narinig siya ng mga ito. Napairap na lang si Visca, hindi na umangal dahil baka maasar na naman siya sa lalaki. Samantalang si Anna at Philip ay nakisabay na sa tawa. “Hindi ka sana manalo,” nagsalita na si Philip. “Luh? Agawin ko si Anna sa’yo, eh.” Pambabara naman ni Jasper. Akmang susuntukin na sana ni Philip si Jasper nang saluhin naman ni Visca ang kamao niya dahil nakapagitna siya sa dalawa. “Huwag na kayong gumawa ng gulo. Nakakahiya sa Reyna, please lang,” pakiusap ni Visca at binitawan na ang kamay ni Philip. Inilabas ni Jasper ang kanyang dila para muling asarin si Philip dahil pinagtanggol siya ni Visca. “Buti nga,” aniya. “Hayaan mo na. Si Jasper lang ‘yan,” ani Anna at hinawakan na ang braso ni Philip. Napabuntong-hininga na lang si Philip, mamaya na lang siya gaganti ngunit dahil pa sa sinabi ni Anna ay hindi niya na itutuloy. “Pakibatukan naman si Jasper, Visca.” Sinunod naman ni Visca ang sinabi ni Anna kaya binatukan niya na si Jasper upang matahimik. Napanguso na lang si Jasper habang hinahaplos ang ulo niya dahil umubra ang ginawa ni Visca. “That’s all. Thank you, Mafia students. Good luck. The competition will be set three weeks from now.” Matapos magsalita ni Amira ay napatayo na ulit ang mga estudyante. “Thank you, Queen Amira and King Mortem!” sabay-sabay nilang sabi kasabay nang pagtungo nila. Ngumiti na si Amira at pagkatapos nagtungo na sila ni Mortem sa backstage. May kailangan pa silang makausap bago bumalik sa Throne Palace. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD