CHAPTER 47

2415 Words
Bago mangyari ang pagtitipon sa Mafia University. Throne Palace Hindi nagtagal ay napagdesisyunan ni Amira na ipaalam na sa ibang Mafia boss ang plano niyang pag-iimbestiga sa mga estudyante sa Mafia University. Nagkaroon naman ng samu’t saring opinyon at pagkakaiba ng ideya ang naging diskusyon nila. “Pasensya na at ngayon ko lang kayo pinatawag lahat,” panimula ni Amira. “Naisip ko na magkaroon ng general assembly ang mga bata sa Mafia University. Kasama ang mga anak n’yo at mga bata natin sa Gang.” Nanatili silang tahimik, nakikinig sa bawat salitang sinasabi ni Amira. Nakatayo siya sa harap nila habang si Mortem ay nakaupo naman sa mismong upuan niya kung saan napapagitnaan siya ng lahat. At dahil nasa gitna rin si Mortem, ang mga mata niya ay nakatuon lang kay Amira.   “Mula sa grupo ni Jasper Bill. May bago silang nakalap na impormasyon tungkol sa Imperial, sa tulong na rin ni Mister Itakeshima Yuu,” pagkasabi niya ay bumukas naman ang projector. Pinindot na ni Tim mula sa kanyang laptop ang ipapalabas niya mula sa white screen. Bahagya namang gumilid si Amira upang maipakita na sa kanilang lahat ang sulat na binigay ni Jasper. Nang mabasa na nila ang nakasulat sa screen, halos lahat ay nagulantang sa kanilang natuklasan lalo na ang mga Mafiusa. “Ngayong alam na natin na apat ang traydor sa Isla. Isa ro’n ay bata. Naisip ko na imbestigahan lahat ng mga estudyante sa MU…” at saglit na huminto. “Kapag sinabi kong lahat, pati mga anak n’yo ay kasama.” Pagbuntong-hininga niya. “Excuse me?” Napatayo si Ibbie. “Bakit ngayon lang namin ‘to nalaman, Amira?” “Hon, calm down. Alam ko naman ‘yong plano ni Amira,” ani Wilder sa asawa. Nanlaki naman ang mga mata ni Ibbie. “And you didn’t even bother to tell me?” napaawang ang labi niya. Hindi makapaniwala na ililihim sa kanya ng asawa. “Utos ng Reyna. Sinunod ko lang,” mariin namang sabi ni Wilder. “I’m your f*****g wife, Wilder!” may diin sa bawat salitang binitawan ni Ibbie na parang sinasabi sa likod ng mga salita nito na karapatan niyang malaman dahil asawa naman siya. Napabuntong-hininga si Wilder. Hindi kayang makipagsagutan sa asawa. “Yes, you’re my wife,” at napapikit na tila nagtitimpi sa pagsigaw sa kanya ni Ibbie. “Pero mamaya na tayo mag-usap. Just…just listen to her, please?” “Oo nga naman, Ibbie. Pakinggan muna natin si Amira,” pagsingit ni Rara. Napahawak na lang sa ulo si Zurikka, umiiling-iling. Parang dismayado, gano’n din si Fairoze. Habang ang mga asawa nila ay naintindihan na kung bakit hindi agad nasabi ni Amira sa kanila. Malawak ang kaisipan nila pagdating sa mga ganitong bagay lalo na’t top secret ang pinag-uusapan nila ngayon. “Hindi ko lang matanggap dahil bakit ngayon lang? Tapos damay pa ang anak ko?” Napaupo na si Ibbie nang hatakin na siya pababa ni Wilder. “You got to be kidding me,” dagdag niya habang ang mga mata ay nakatingin sa asawa. Hindi na lang umimik si Wilder, mamaya niya na ‘to kokomprontahin. “I’m with Ibbie,” ani Zurikka. Itinaas naman ni Fairoze ang kanyang kamay upang malaya siyang makapagsalita. “I don’t like the idea. Hindi traydor ang mga anak ko, Amira.” “Ang sa akin lang. Bakit kailangan ilihim? You don’t trust us enough?” dagdag ni Zurikka. Nagkatinginan naman si Rara at Daem. “Let them be,” bulong ni Daem sa tainga ng asawa. Tumango na lang si Rara, hinihintay ang paliwanag ni Amira. “Hindi n’yo ba naririnig ang mga pinagsasabi n’yo?” tuluyan nang nagsalita si Mortem. “Kaya muna namin nilihim sa inyo dahil sa magiging reaks’yon n’yo. Hindi pa tapos magsalita ang asawa ko, umangal na kayo. E ‘di sana hindi na namin sinabi sa inyo kung hindi n’yo naman pala maiintindihan ang pinupunto ng asawa ko,” tugon niya kay Zurikka. “Umm, okay lang sa akin. Payag ako sa gustong mangyari ni Amira,” nakangiti namang sabi ni Rara. “Wala namang kasalanan ang anak namin ni Daem,” dagdag niya. Napatango na lang si Daem at hinawakan na ang kamay ni Rara saka marahan ‘tong hinalikan. Dahil sa sinabi ni Mortem at Rara ay tila natauhan naman ang tatlong Mafiusa na hindi sumang-ayon kay Amira. Samantalang ang mga asawa nila ay nanatiling tahimik. Hindi na nakisali dahil pagsisimulan lang ‘yon ng away lalo na’t payag sila sa gustong mangyari ni Amira at Mortem. “Hindi ko naman sinasabi na traydor ang mga anak mo, Fairoze.” Bumalik na ulit siya sa gitna. “It’s to be fair, that’s the answer,” pagpapatuloy niya sa pagsasalita. “And to answer your question, Zurikka. Pinagkakatiwalaan ko naman kayo. Gusto ko lang mag-ingat muna bago ilabas ang impormasyon sa inyo kaya pasensya na at ngayon lang.” Lumapit na siya sa kanyang asawa at pinaupo na siya ni Mortem sa upuan. Siya naman ang nakatayo, hindi siya lumayo sa tabi ni Amira. “Baka nakakalimutan n’yong Reyna si Amira,” dagdag pa ni Mortem. Tuluyang naintindihan ni Zurikka at Fairoze ang gustong mangyari ni Amira. Napasang-ayon na silang dalawa. Maliban kay Ibbie. “Ayoko,” pagmamatigas nito at tumayo na ulit saka lumabas na sa meeting room na hindi man lang hinihintay si Wilder. “I’m sorry,” humingi na lang ng tawad si Wilder at sinundan na ang asawa. Sinundan naman ng tingin ni Mortem si Wilder na tumakbo na palabas upang sundan si Ibbie. Napangisi na lang siya. Habang si Amira ay napabuntong-hininga na lang. Hinayaan niya na lang ang dalawang mag-asawa. “Pinapunta ko na ang mga bata sa MU. Pasensya na at biglaan,” paghingi muli ng tawad ni Amira. “Sa lalong madaling panahon ay gusto ko ng mahuli ang batang ‘yon kaya sinimulan ko na ngayong araw,” dagdag niya. “Sabagay,” tugon ni Ryker. “Hindi ko lang akalain na may bata pa lang miyembro sa Imperial Mafia.” Natawa siya. “Akala siguro nila kapag nahuli na natin ‘yong bata, hahayaan na lang natin basta-basta. Walang gano’n, noh! Wala na akong pakialam kahit bata pa ‘yon. Kung may napatayan ‘yon, kailangan niya rin mamatay.” “Yes,” pagsang-ayon naman ni Mortem. “Ryker—” “I’m serious, Mahal,” pagputol sa kanya ni Ryker.  Napatikhim na lang si Fairoze. “Kayo na ang bahala,” ani Kane at pinatayo na ang asawa. “We’ll go now. Payag naman na si Zurikka. End of discussion,” dagdag niya at nagpaalam na sa kanila. Bago lumabas ay humingi pa muna ng tawad si Zurikka dahil sa inasal niya kanina. Naintindihan naman ni Amira kaya hinayaan niya na rin silang umalis. “Sa ayaw at sa gusto n’yo ay kikilos pa rin naman ako. Sinabi lang sa inyo ni Amira para hindi na kayo mabigla,” muling nagsalita si Mortem. “H’wag kayong mag-alaala. Kasama ko si Amira dito. Siya ang bahala sa mga anak n’yo. Responsibilidad na namin ito.” Napatango naman si Fairoze. “Pasensya na, Amira. Nagulat lang din ako kanina,” paghingi niya ng tawad. “Ikaw na ang bahala sa mga anak ko,” dagdag niya. Ngumiti na lang si Amira. “Sabihan n’yo na lang kami kung kailangan n’yo na ng tulong,” ani Daem. Sumang-ayon naman si Ryker. “Maraming salamat,” tugon ni Amira.   Pagkaalis nila ay sumunod na rin si Tim. Nauna na siyang umalis upang magtungo sa Mafia University. Naiwan na lang si Amira at Mortem. Matapos halikan ni Mortem si Amira ay bumaba na sila. Bago umalis ay dumaan pa sila sa Throne room upang kunin ang korona ni Amira. Si Mortem na ang naglagay ng korona sa tuktok ng ulo ni Amira. “I love you, My Queen,” at muling hinalikan ang asawa. Napangiti naman si Amira. “I love you more, My King.” Kasalukuyan nang nagmamaneho si Kane. Pabalik na sila sa headquarters ng Fallen Angel Gang. Iniwan nila saglit ang trabaho dahil nga sa biglaang pagtawag ni Amira sa Throne Palace. Habang si Zurikka ay katatapos lang tawagin si Gabriel. Nalaman nila na nasa Mafia University na ‘to. “I’m so sorry, love. Napahiya ka ba kanina? Masyado lang ako nag-alala kaya ko nasabi ‘yon kay Amira,” paghingi naman ng tawad ni Zurikka. “Love, don’t say sorry. Wala ka namang kasalanan. At saka, hindi ako napahiya. Kung hindi ka naman pumayag, hindi na lang din ako papayag. Kahit na magkaiba pa tayo. You know that I always respect your decision,” malumanay na sabi ni Kane.  “Thank you, love.” “You’re welcome,” at sandaling napangiti. “Hindi ka man lang ba magagalit kay Mortem, love?” naitanong naman ni Zurikka. Inaasahan niya kasi na ipapaalam ni Mortem kay Kane. “It’s fine, love. He knows what he’s doing. Besides, he’s still the Mortem that I know. Gagawin niya lahat para kay Amira. Wala na akong pakialam sa mga pina-plano nila basta nakikita kong makakabuti naman ito sa MI at sa inyo ni Gabriel, susuportahan ko sila,” mahabang litanya niya habang ang mga mata ay naka-focus sa daan. “I love that about you. You’re so thoughtful,” Napangiti na lang si Zurikka habang pinagmamasdan ang asawa. Napangiti rin si Kane. “And I love everything about you,” at bahagyang sinulyapan ang asawa. Hindi na napigilan ni Zurikka ang sarili. Hinalikan niya na ang asawa sa pisngi. “I love you,” aniya. Napahinto naman sa pagmamaneho si Kane, ginilid niya muna ang sasakyan sa kalsada upang halikan sa labi si Zurikka. “I love you so much,” tugon niya matapos ang malalim na halik na iginawad niya sa asawa. Samantala, pagdating ni Ibbie at Wilder sa mansyon ay hindi na nila napigilang magkasagutan. Sa sala na sila nadatnan ng mga katulong na nagsisigawan. Napabalik naman sila sa kanilang mga kwarto, hindi na nila ginambala ang mag-asawa. “Ilang ulit ko bang sasabihin sa’yo na trabaho nga lang ‘yon?” Napasabunot na sa buhok si Wilder. “Reyna siya ng Isla kaya ko siya sinusunod. Sinabi niyang ilihim muna kaya tinago ko rin sa’yo!” “Ikaw ang unang nakaalam no’n, Wilder! Si Jasper ang may hawak, ‘di ba? Ibig sabihin, alam mo na bago pa makapag-report si Jasper kay Amira dahil ikaw ang unang kinakausap no’n pero anong ginawa mo? Hindi mo sinabi sa akin!” pagsigaw niya rin pabalik. “Tangina, Ibbie! Hindi ba p’wedeng nakalimutan ko? Alam mo namang ang dami kong ginagawa.” “Fine! Sabihin na natin na nakalimutan mo pero putangina, Wilder! Asawa mo kasi ako baka nakakalimutan mo rin, noh?” “Asawa nga kita, e ano naman? Come on! Ang babaw mo na, Ibbie. Saan napunta utak mo? Pinapalaki mo lang ‘yong problema na dapat tanggapin na lang dahil hindi naman big deal ‘yon!” “Anong e ano naman? Saan napunta utak ko? At anong hindi big deal?” Napaawang ang labi ni Ibbie. Hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Wilder. “Wow! Asawa ba talaga kita? f**k, you’re unbelievable!” “Baby—” hahawakan niya na sana si Ibbie nang lumayo ito sa kanya. Napailing siya, dismayado sa asawa. “Okay lang talaga sa akin, eh. Okay na, tanggap ko na ‘yong mga sinabi nila Mortem. Pero alam mo ‘yong hindi ko matanggap? Parang wala lang sa’yo na asawa mo ako. Bakit kailangan mo pang ipamukha na alam mo? Kung hindi mo sinabi ‘yon e ‘di sana hindi ako nagwala ro’n!” “Trabaho nga lang, Ibbie! Ano ba!” “P’wede mo namang sabihin sa akin! Ang dali lang no’n, Wilder! Kaya ko namang itago ‘yon, eh. Hindi naman ako magsasalita pero ipinamukha mo sa akin kanina na wala kang tiwala kaya hindi mo sinabi sa akin!” “f**k, Ibbie—” “Kung sinabi mo agad sa akin ‘yon hindi ako magugulat, makakapaghanda ako. Paniguradong kasama mo pa ako sa mga nakakaalam no’n, hindi ba? Pero hindi, eh. Iniwan mo ako!” “Okay, sige pero hindi mo ba naisip na nakakahiya ka kanina? Tangina. Minsan talaga nakakasawa ‘yang ugali mo, Ibbie. Lahat na lang big deal sa’yo!” Nanlaki ang mga mata ni Ibbie. She was taken aback by what he said. “What did you say?” tuluyang tumulo ang luha sa mga mata niya. “Nakakahiya? Nakakasawa? Wow!” muling napaawang ang labi niya. “Hindi ko akalain na ikaw pa ang magsasabi sa akin niyan. Buong akala ko hindi ka magsasawa sa akin dahil mahal mo ako kahit ganito pa ako pero…pero nagsasawa ka na? Tama ba ‘yong narinig ko?” “Ibbie—” nanlaki rin ang mga mata niya. Hindi rin siya makapaniwala sa mga lumabas sa bibig niya. Umiling-iling si Ibbie, hindi na magawang pakinggan si Wilder. Labis siyang nasaktan sa sinabi ng asawa. “Nasaan na ‘yong mga ipinangako mo sa akin? Hanggang salita lang pala?” “Ibbie, I’m sorry…it’s not what you think,” at muling sinubukan na lumapit sa asawa ngunit lumayo lang ulit ‘to. “Don’t touch me,” aniya at hinawi na ang kamay na umabot sa kanya. “Kung gan’yan lang din naman ang mangyayari. I’ll process the divorce papers. Kaya ko rin magsawa sa’yo,” mariin niyang sabi at tuluyan nang iniwan si Wilder. Napaluhod na lang si Wilder at napatulala sa kawalan. Nasilayan niya pa ang pag-iyak ng asawa na ipinangako niya sa kasal nila na hindi niya ito papaiyakin ngunit nasira na ang pangako niyang ‘yon dahil sa nangyari ngayon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD