CHAPTER 46

2205 Words
11 PM “Meet me at the tower of light. Now, Iza. This is important. Huwag kang magpapahuli. – Dr. Orata.” Napabangon na lang si Iza sa pagkakahiga nang makatanggap ng message mula kay Dr. Orata. Napatitig siya ro’n ng ilang minuto bago bumaba sa kama. Ano pa ba ang gagawin niya? Kundi ang sumunod. Hindi niya naman mapipigilan ang sarili dahil nakatali pa rin ang leeg niya sa Imperial. Parang nakatatak na sa puso’t isipan niya na sumunod sa bawat sinasabi nila. Kahit na may pagkakaintindihan na sila ni Demone. Hinding-hindi pa rin siya makakawala sa tungkulin niya bilang Mafia Reaper ng Imperial Mafia. Matapos magbihis ng damit kung saan hindi siya mahuhuli ay nagtungo na siya sa balkonahe upang doon tumakas. She was wearing an all-black outfit. Black hoodie jacket at face mask ang nagtatakip sa mukha niya.   Bago bumaba ay sinilip niya muna kung may tao o nagbabantay sa baba dahil hardin ang sasalubong sa kanya. Mabuti na lang ay tulog na ang mga tao sa kanila ng ganitong oras. Gayunpaman, pinakiramdaman niya muna ang paligid bago kumilos. Nang mahanap na ang tamang tiyempo ay humawak na siya sa railings. May bawat hahawakan naman sa gilid ng pader kaya hindi na siya kumuha ng kumot para gamitin sa pagbaba dahil mas mahahalata siya ro’n. Mayamaya pa nang mapagtanto na malapit na ang mga paa niya sa lupa ay hinayaan niya na ang sarili na tumalon. Pagkababa niya ay napatago siya agad sa puno na malapit sa kinatatayuan niya. Tatakas siya sa pamamagitan ng mga puno na nakapalibot sa hardin. Doon siya aakyat at gagamiting daan patungo sa malapad na pader mula sa likod ng mansyon dahil walang nagbabantay ro’n. Sa paraang ‘yon, hindi siya mahuhuli. Napahawak na lang siya sa dibdib nang tuluyang makalayo sa mansyon. Lumingon pa siya bago tumakbo at magtungo sa Viner. Sanay na siya at kapag may i-uutos sa kanya ganito ang ginagawa niya. Tumatakbo, nagtatago, at nakikipaghabulan sa buwan. Hindi niya maramdaman ang pagod. Sa paraan ng pagtakbo niya naiisip niya na malaya siya dahil na rin sa ihip ng hangin na sumasabay sa kanya. Makalipas ang isang oras ay nakarating na siya sa Viner. Muli siyang nagtagumpay, nakalayo siya sa mga nagbabantay sa lugar. Pagdating sa tower of light ng Viner ay hingal na hingal siya kaya dinadahan-dahan niya na lang ang pag-akyat sa hagdan. Hindi siya p’wedeng gumamit ng elevator patungo sa itaas dahil baka may makakita sa kanya kaya sa hagdan siya nagtungo para makarating sa tuktok. “There you are,” ani Dr. Orata nang makalapit na si Iza sa kanya. “Wala naman sigurong nakakita sa’yo?” dagdag niya. Napatango na lang si Iza at tinanggal na ang mask niya upang makahinga ng maayos. Bahagya niya namang pinunasan ang pawis na namumuo sa noo niya. “Ito ang sulat na pinadala ni Brendan. Siya ngayon ang may pakay sa’yo,” at binigay na ni Dr. Orata ang puting envelope na nakatago sa bulaklaking panyo. Kinuha na ni Iza ang letter sa kamay ni Dr. Orata at marahang tumango. “Hindi ko binasa ang nakasulat diyan. Ikaw na ang bahalang umintindi. Kung ano man ang inutos sa’yo ay bumawi ka na lang lalo na kung may ipapapatay na naman sa’yo. Hindi mo nagawa ang inutos sa’yo ni Livia no’ng nasa Pilipinas ka, ‘di ba?” Napalunok naman si Iza. “P-paano kung hindi ko na kaya?” wala sa sarili niyang nasambit. Hinawakan ni Dr. Orata sa magkabilang balikat si Iza at matalim itong tinignan. “Sumunod ka kung mahal mo pa ang buhay mo. Iyon lang ang paraan para mamuhay sa mundong ‘to. Naiintindihan mo ba, Iza? K-kailangan mong makinig sa akin…” pakiusap niya. “But—” natigilan na lang siya nang pumasok na lang bigla sa isipan niya si Demone. Ngayon niya lang napagtanto na kung dati ayos lang sa kanya na mamatay na, ngayon naman sa mga lumipas na araw ay tila nagbago na ang isip niya dahil kay Demone. Iyon na lang ang nag-iisang dahilan kung bakit pa rin siya nagpapatuloy. Nagkaroon ng saysay ang buhay niya dahil sa mga ipinangako ni Demone sa kanya. “Si Brendan na ang lumapit sa’yo. Hindi mo siya p’wedeng biguin. Mas mataas ang katungkulan niya kaysa kay Livia,” at binitawan na siya.   Walang nagawa si Iza kundi ang tumango na lamang at sumunod sa mga sinabi sa kanya ni Dr. Orata. Hindi niya pa nakikita at nakakausap si Brendan pero ramdam niya nang nakakatakot ito dahil sa mga binitawang salita ni Dr. Orata tungkol sa kanya. “Umuwi ka na sa inyo. H’wag ka ng dadaan sa mansyon. Hangga’t maaari ‘wag ka ng lalapit sa mga batang ‘yon. Hindi sila makakabuti para sa’yo.” Napakunot ang noo ni Iza. “Anong sabi mo?” tila nakaramdaman siya ng pagkainis nang sabihin ‘yon ni Dr. Orata. Hindi niya matanggap na ganoon na ang tingin ni Dr. Orata sa mga kasama niya. “Bawiin mo ‘yon. Wala kang karapatan na sabihin ‘yon sa akin matapos mo kaming gamitin,” dagdag niya. Maski siya ay nagugulat na sa sarili niya dahil sa mga lumalabas sa bibig niya. Hindi naman makapagsalita si Dr. Orata. Nagulantang siya. Hindi niya akalain na sasagot sa kanya si Iza. “Kung ayaw mong magbago ang pakikitungo ko sa’yo. Huwag mo na silang idamay, Dr. Orata.” Muling tumungo si Iza, nagbigay galang pa rin sa kabila ng nararamdaman niya. “Paalam,” dagdag niya at umalis na sa harap ni Dr. Orata. Napahinga na lang nang malalim si Dr. Orata at mapait na napangiti sa kalangitan. “Change is coming…”   Pagkababa ni Iza ay saka niya lang binalik ang mask niya sa mukha. Gusto niya mang dumalaw sa mansyon ay hindi niya na ginawa. Bumalik na siya sa kung saan siya nakatira, sa mansyon ng tinuturing niyang pamilya. Gano’n ulit ang ginawa niya dumaan siya sa likod ng mansyon kung saan manggagaling ulit siya sa hardin paakyat sa kanyang balkonahe para makapasok sa kwarto niya nang hindi nahuhuli. Pagbukas niya ng sliding door ay dali-dali na siyang pumasok sa loob at tinago muna sa drawer ang hawak-hawak niyang letter saka nagtungo na sa banyo upang maligo ulit at makapagpalit na ng damit. Paglabas sa banyo ay nanlaki na lang ang mga mata ni Iza nang makita si Roze na nakaupo sa kanyang couch. “R-roze? Bakit ka nandito?” Napakunot ang noo niya. Humalukipkip siya. “2 A.M. in the morning, naligo ka? Seriously?” aniya matapos sumulyap sa wall clock. “Saan ka ba nanggaling?” “Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan ko na mag-shower,” tugon niya at humarap na sa salamin habang pinapatuyo ang buhok niya. “No, Ate. Umalis ka talaga, hindi ba?” pagpilit ni Roze dahil nasaksihan niya ang pag-akyat nito sa balkonahe. Nakasilip siya sa bintana nang mangyari ‘yon na hindi naman napansin ni Iza dahil akala niya ay natutulog na ang kapatid niya. Tuluyang napabuntong-hininga si Iza at humarap na kay Roze na hindi aalis hangga’t hindi nasasagot ang katanungan niya. “Yes, umalis ako para magpunta sa Viner. Si Demone ang pinuntahan ko,” at napaiwas na lang ng tingin. “Itanong mo pa sa kanya kung gusto mong malaman,” dagdag niya para matapos na ang pagtatanong ng kapatid niya. Sigurado naman siyang hindi siya ilalaglag ni Demone kaya panatag ang loob niya. Mukha namang nakumbinsi si Roze sa sinabi ni Iza kaya napatayo na siya. “Gusto mo ba siya, Ate?” huling tanong niya. “Siguro? Hindi pa ako sigurado,” tanging nasabi niya. “Kung gano’n, sa susunod hindi mo na kailangan magtago sa akin. Magkapatid tayo, hindi ba? Maiintindihan ko naman kapag gusto mo siyang makasama o kahit sila pa,” at ngumiti na. “Salamat…” Paglabas ni Roze ay napahiga na siya sa kanyang kama. Habang nakatingin sa ceiling ay muli siyang napaisip sa sinabi ng kapatid niya. “Kung sabihin ko kaya na traydor ako. Maiintindihan mo pa kaya ako, Roze?” Sa isip-isip niya, malabo pang mangyari ‘yon. Hindi niya pa kayang umamin sa kapatid niya dahil bago lang din no’ng magkaayos sila. Ayaw niyang masira ang namumuong magandang samahan nila ng kapatid niya. Kinabukasan. Magta-tanghali na nang magising si Iza. Nagising na lang siya sa pambubulabog ni Roze dahil pinapatawag daw sila sa Mafia University kaya kailangan nilang pumasok. Kahit na gusto pang matulog ay napabangon na siya sa kanyang higaan. Pumasok na siya sa banyo, naghilamos, nagsipilyo, at inayos ang sarili bago bumaba.   Pagdating sa dining room ay sumabay na si Iza kay Roze na kasalukuyan nang kumakain ng pang-umagahan. “M-maagang umalis sila Mommy?” naitanong naman ni Iza habang nginunguya na ang pagkain. “Yeah, may business meeting daw,” tugon ni Roze bago nilamon ang bacon sa bibig niya. “Kauuwi lang natin pero busy pa rin sila. Hindi man lang naglaan ng oras para sa atin,” at napabuntong-hininga. Napatango na lang si Iza, wala naman kasi siyang masasabi. Ampon lang siya, iyon ang katotohanan na hindi niya maitatanggi kaya ayos lang sa kanya kahit na wala silang oras para sa kanya. Taliwas sa nararamdaman ni Roze na gusto ng atensyon mula sa mga magulang. “Wear something nice. Pinayagan tayo na hindi mag-uniform today,” sabi pa ni Roze.  “Sinabi ba kung bakit pinapapasok tayo agad? Hindi ba’t binigyan tayo ng tatlong araw para magpahinga,” ani Iza. “I don’t know. Urgent, sabi na ng principal natin. Kailangan daw kasi makita ni Queen Amira lahat ng mga student sa MU.” “Ah, makikita pala natin ang Reyna.” “Yeah.” Pagtango ni Roze. Matapos kumain ay umakyat na silang dalawa patungo sa kanilang mga kwarto para makapag-ayos na.  Samantala, ang pito ay kumakain pa lang. Kagigising lang din nila, nagmamadali na nga sila dahil biglaan lang din nang makarating ang balita sa kanila. Ang unang nakatanggap ay si Demone pagkatapos ay sunod-sunod nang nag-ring ang mga cellphone nila dahil sa messages na pinadala sa kanila. “Ang sarap-sarap pa ng tulog ko, eh!” reklamo pa ni Jasper habang nilalantakan na ang pagkain. “Madadayang nilalang. Hirap kayang matulog. Ngayon na nga lang—” hindi na siya pinatapos ni Visca. “E ‘di ‘wag kang um-attend. Dami mo pang sinasabi,” sabi nito na ikinatawa ni Jasper. “Sus, na-miss mo ba ako, Visca? Kahapon ka pa, ah.” Napailing na lang si Philip at Simon, nagsisimula na naman kasi si Jasper. Habang si Anna ay marahang natatawa na lang sa kanila. Hindi naman maipinta ang reaks’yon ni Demone at Aeron. “In your dreams, Jasper,” tugon ni Visca na mas lalong nagpatawa kay Jasper. “Tumahimik na nga kayo,” nagsalita na si Demone. “Bilisan n’yo na dahil gusto tayong makita ng Reyna. Mukhang importante kaya biglaan tayong pinapapunta sa MU,” dagdag niya. “Yes, Boss!” tugon naman ni Jasper, pinipigilan na ang pagtawa habang ang mga mata ay nakatutok pa rin kay Visca. Napatango na lang ang iba, hindi na sumagot dahil si Demone na ang nagsalita. Makalipas ang ilang oras ay nakarating na sila sa Mafia University. Dumiretso sila sa auditorium, sa fifth floor ng first building ng MU. Pagpasok sa loob ay umupo na sila sa kani-kanilang upuan na nakapangalan sa kanila. Magkakatabi naman ang bawat grupo na magkakasama sa Mafia na kinabibilangan nila. Ang labing-dalawa na pinakakilala sa Mafia Island ay pumwesto na sa pinakaharap. Sinakop nila ang first, second, and third seats. Magkakatabi si Gabriel, Snow, Simon, at Yumi. Sa pangalawang upuan naman na nasa likod nila Gabriel ay magkakatabi naman si Roze, Aeron, Iza, at Demone. Sa pangatlong hilera naman ng mga upuan pumwesto sila Anna, Philip, Visca, at Jasper. Ang mga sumunod na upuan ay iba ng mga estudyante na galing sa iba’t ibang Mafia. “Hmm, ano kaya ang nasa isip ni Queen Amira?” naitanong na lamang ni Jasper habang ang mga mata ay nakatuon sa harap ng stage. Naudlot lang ang pag-iisip niya nang may nagsalita sa tabi niya. “Pati ba naman dito, boses mo pa rin ang naririnig ko,” walang iba kundi si Visca. “Kasalanan ko ba na nakapangalan sa’yo ang upuan na katabi ko?” nakangisi nang sabi ni Jasper. “Baka gusto mong ulitin ko na lang ‘yong ginawa ko no’n,” bulong niya sa tainga ni Visca. Bahagya namang natahimik si Visca na sandaling natauhan. “I really hate you,” mahinang saad niya sa lalaki. Kinindatan na lamang siya ni Jasper na mas lalo namang nagpamula sa pisngi niya. Samantalang si Anna ay palihim na tumatawa kay Jasper at Visca habang nakahilig siya sa balikat ni Philip. Tahimik lang naman si Philip, ini-enjoy ang oras na katabi si Anna.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD