CHAPTER 21

2331 Words
Ang nakaraan… Imperial Mafia “Ugh!” napasigaw na lang si Livia habang pumapadyak ang paa sa kama dahil naiinip na siya sa kanyang kalagayan. “Naigagalaw ko naman na ang braso ko! P’wede na ba akong makalayas sa kwartong ‘to?” reklamo niya sa nurse na kasalukuyang nililinis at pinapalitan ang benda sa braso niya. “Pasensya ka na, Miss Livia pero ang bilin sa amin ni Sir Brendan ay hindi ka pa makakalabas sa mansyon. Wala kang magagawa kundi ang manatili muna sa kwartong ‘to. Iyon din ang gusto ng ‘yong Ama.” “Ang boring na talaga!” angal niya at napabuntong-hininga na lang ang nurse. Pagkatapos ng nurse ay iniwan na siya. Muli siyang mag-isa sa kwarto. Napahalakhak na lang siya na parang nasisiraan na ng utak ngunit kahit nasa loob lang siya ng kwarto, kumikilos pa rin ang mga tauhan niya. Sarili niyang tauhan na siya lang ang sinusunod. Hindi ito alam ng kapatid o Ama niya. Hindi naman makakapayag si Livia na nasa loob lang siya ng kwarto at walang ginagawa. Mas lalong hindi siya makakapayag na hindi makakaganti kay Amira. Tatawagan niya na sana si Dr. Orata nang maunahan na siya.   -On call- “Nabalitaan ko ang nangyari sa’yo, Milady. Kumusta na ang kalagayan mo?” Napakunot ang noo nito. “I am fine, Dr. Orata. Bakit ka biglang napatawag? Alam ko na excuse mo lang ‘yang pangangamusta mo sa akin.” “Ah, tama ka nga…” natawa ito. “H’wag ka sanang magagalit pero ang assistant kong si Dr. Mike ay nahuli ang ginawa kong transaksyon kagabi. Sinubukan ko siyang kausapin at pumayag naman siya na mananahimik na lang siya ngunit pakiramdam ko ay ilalaglag niya ako.” Alam ni Dr. Mike na gumagawa pa rin ng illegal na droga si Dr. Orata sa plantasyon ngunit hindi niya alam na kasabwat ito sa Imperial. Nang mahuli niya kung saan galing ang taong nakipagkita kay Dr. Orata ay labis siyang natakot. Napabangon si Livia at dahan-dahang huminga nang malalim para pakalmahin ang sarili. “You’re so f*****g idiot, Dr. Orata,” mariin niyang sabi. Pinipigilan ang sarili na mapasigaw. “Ayusin mo ‘yan at gumawa ka na ng plano. Huwag mo akong bibiguin dahil oras na mahuli ka, malalagot ang pamilya mo sa akin,” banta nito. Sandaling natahimik sa kabilang linya. “Dr. Orata, narinig mo ba ang sinabi ko?” “O-oo, Milady. Ako ng bahala, ‘wag kang mag-alala. Si Dr. Mike ang ididiin ko.” -End- Dahil sa katalinuhan ni Dr. Orata nagawa niyang paikutin si Dr. Mike. Hindi naman makakapayag si Livia na masira ang mga plano niya kaya tinulungan niya si Dr. Orata kung saan isa siya sa dahilan kung bakit natakot si Dr. Mike, sinama niya sa plano ang pamilya nito kaya walang nagawa si Dr. Mike kundi magpaka-scapegoat para sa kapakanan ng pamilya niya. Ang plano ay ipakitang si Dr. Mike ang traydor sa Isla sa pamamagitan ng pagtakas niya sa Mafia Island. Ngunit, hindi ito nagtagumpay dahil nahuli ni Amira at ang mga Mafia boss si Dr. Mike kaya nagkaroon pa ng Plan B si Dr. Orata kung sakaling hindi umobra ang plano niya na nagkatotoo nga dahil nabalitaan niya na sumuko ang lalaki. He already saw it coming that’s why he made a lot of scheme. Wala siyang nagawa kundi utusan ang isang pang traydor sa Isla para sa pangalawa niyang plano kung saan ipapatay na si Dr. Mike nang sa gayon hindi na ito makaamin. Pagkatapos ay umarangkada din ang mga tauhan ni Livia para patayin ang pamilya ni Dr. Mike na nasa ibang bansa kaya madali nila itong mahuhuli bago pa man mauna ang grupo ni Ryker. Matapos ang pangyayaring ‘yon ay muling napahalakhak si Livia. Binalot ng tawa ang kwarto niya. Tuwang-tuwa na naman ang puso niya. Nagtagumpay siya at napaglaruan niya na naman ang mga tao sa Mafia Island. Para sa kanya, laro-laro lamang ang buhay nila habang siya ang bida sa larong ‘yon. Nakasalalay sa mga kamay niya ang buhay ng mga ito at kapag wala na itong pakinabang sa kanya ay itatapon niya na lang. “Boss, nahuli kami. Patay na ang pamilya ni Dr. Mike.” Naitapon na lamang ni Brendan ang baso niyang may alak pa sa glass window na nasa likuran niya. “Makakaalis ka na,” aniya sa Mafiusa na kaagad sumunod. Sa pangalawang pagkakataon, muling nadismaya si Brendan kay Livia. Tuluyang naubos ang pasensya niya sa kanyang kapatid na akala niya ay may magbabago matapos niyang kausapin ito no’ng isang araw. Akala nito ay mananahimik na lang sa isang tabi si Livia ngunit nagkamali na naman siya. Kahit nakakulong na ito sa mansyon ay nagawa pa rin ni Livia na suwayin si Brendan. Tuluyan na itong kumikilos mag-isa nang hindi sinasabi sa kanya o sa Ama nila. Nagawang alamin ni Brendan ang nangyari dahil sa source niya mula sa Mafia Island at sa Spy na inutusan niya para sa kapatid niya. Nagsimula ang pagdududa niya sa kapatid niya nang magawang tumakas ni Livia para makipagkita kay Mortem kaya kumilos na rin siya para maging hadlang sa motibo ng kapatid niya. “Hindi…hindi ka na makakaulit, Livia,” sa isip-isip niya habang nagmamaneho na patungo sa kanilang mansyon. Pagdating niya sa mansyon ay hindi niya ulit nagawang pansinin ang mga bumating katulong sa kanya. Dire-diretso lang siyang umakyat sa taas para muling pasukin ang kwarto ng kapatid niya. Hindi na siya kumatok, pumasok na lang siya bigla sa kwarto na ikinagulat ni Livia. Nabitawan niya ang cellphone niya. “Kuya?” “For the second time, Livia. Wala talagang epekto sa’yo mga sinabi ko? Pangalawang beses na!” pagsigaw niya. “Ano na naman ba? Hindi naman ako tumakas, ah!” “Akala mo ba tanga ako? Hindi ka nga tumatakas pero may tauhan ka na hindi ko alam! May tauhan ka na gumagawa lahat ng i-uutos mo!” “So? Anong pake mo? Hindi naman magagalit si Ama sa ginawa ko dahil nasisiguro kong matutuwa pa siya. Ikaw lang naman ang may ganang magalit sa ‘kin dahil aminin mo man o hindi mahal mo pa rin si Amira!” Hindi na nagulat si Livia. Kapatid niya ito kaya mahuhuli at mahuhuli pa rin siya. At kahit nahuli na siya, wala pa ring magbabago. Patuloy pa rin siya sa kanyang mga plano hanggang sa dumating ang araw ng gera. “f**k,” napasapo siya sa kanyang noo. “Are you out of your mind? I am trying to protect you!” “No,” pag-iling niya. “You’re not, Brother. I’m your twin, and somehow I know what you’re trying to do,” she smiled, bitterly. “Livia—” “Kuya…” hindi niya pinatapos si Brendan. Bumaba na siya sa kama at nilapitan na ang kapatid niya saka marahang hinaplos ang pisngi nito. “You’re not trying to protect me. You’re trying to stop me.” “You don’t understand, Livia. I am—” hindi na naituloy ni Brendan ang kanyang sasabihin nang bigla na lang bumukas ang pinto at bumungad ang kanilang Ama. Napabitaw si Livia at bahagyang tumungo sa kanyang Ama. “Hayaan mo muna ang kapatid mo, Brendan. Tayo na’t mag-usap sa baba,” utos niya. Walang nagawa si Brendan kundi ang sumunod sa kanyang Ama. Naiwan naman sa loob si Livia. Pagsara ng pinto ay muli siyang humiga sa kama at ginamit ang kumot upang itago ang sarili niya.  Pagdating ng mag-Ama sa hardin ay isang sampal ang natamo ni Brendan. Bahagyang napatagilid ang mukha niya dahil sa lakas nang pagkakasampal sa kanya. Napahawak na lang siya sa kanyang kanang pisngi nang maramdaman ang paghapdi nito. “Narinig ko ang usapan n’yo ng kapatid mo! Ano gusto mong mangyari sa Mafia natin, ha?” pasigaw na sabi ng Ama niya. “I’m just protecting my sister, Dad.” “No!” hindi siya pinakinggan. “Tama ang kapatid mo, Brendan. Anong nakain mo at parang kumakampi ka na sa Mafia Island?” “P’wede ba ‘wag ka ng dumagdag?” hindi na napigilang sumagot ni Brendan. “Wala ka namang ginagawa, hindi ba? Ako na ang gumagawa lahat ng responsibilidad mo, Ama.” “Brendan—” “Hindi ko kinakampihan ang MI, tandaan mo ‘yan. Hindi ba’t ayaw mo ring mapahamak si Livia kaya dapat naiintindihan mo ako,” at hinawakan niya sa magkabilang balikat ang kanyang Ama. “Paano kung malaman ni Amira na si Livia ang may pakana lahat ng ‘yon? Hindi na katulad ng dati si Amira dahil nagawa niyang barilin si Livia,” nanlaki naman ang mga mata ni Laro. Hindi niya alam ang pangyayaring ‘yon dahil hindi naman sinabi sa kanya ni Livia. Buong akala niya ay aksidente ang nangyari. “Kaya inaako ko na lahat, Ama. Iyon ang plano ko,” at binitawan niya na ito. “Brendan,” at niyakap niya na ang kanyang anak. “Pasensya ka na. Nadala lang ako sa aking emosyon. Hindi ko sinasadyang sampalin ka.” Kumalas naman agad si Brendan. “Just leave everything to me, Father.” “Oo, Brendan. Tama ka nga. Mas lalo mong pinatuyan sa akin na karapat-dapat ka sa trono ng Mafia Island. ‘Di bale, last na ‘to. Hindi na ako mangingialam. Nakasalalay na sa’yo ang Imperial Mafia.” Tumungo si Brendan, palihim na napangiti. “Salamat sa tiwala, Ama.” Nakatulala sa kawalan si Livia, hindi malaman ang gagawin. Kanina pa siya nag-iisip kung ano ang susunod na hakbang na maaari niyang gawin. Paulit-ulit na nag-sink in sa kanya ang mga narinig niya tungkol sa usapan ng kapatid at Ama niya. Hindi siya mapakali sa kwarto kaya nagawa niyang sumunod at magtago kung saan hindi siya mahuhuli ng dalawa para mapakinggang ang pinag-usapan nila. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya, gusto niyang intindihan ang kapatid niya ngunit iba ang sinasabi ng kanyang utak. “Hindi ito maaari! Ako ang mamumuno sa Imperial at Mafia Island!” “Ako ang nararapat!” “Hindi ako makakapayag na si Kuya ang makakakuha non!” Dahil sa inggit ay nagbunga ang oportunidad kay Livia na muling patunayan ang sarili niya sa kanyang Ama dahil napagtanto niyang kulang pa ang mga ginawa niya. Hanggang sa maisip niyang tawagin na ang doktor para sa susunod na plano niya bago siya mapigilan ni Brendan. Nagtagumpay ang unang misyon ng Mafia Reaper kaya sigurado si Livia na magtatagumpay ulit ito sa pangalawang misyon dahil alam niya na nakaalis na ito sa Isla. Mapapadali ang trabaho ng Mafia Reaper. -On call- “Dr. Orata! What a good day, isn’t it?” masiglang bati nito na napalitan din agad ng seryosong tono. “Anong balita riyan?” “Nakuha ko na ulit ang loob ni Amira. H’wag ka ng mag-alala, Milady. Hindi ko kayo bibiguin.” Sumilay ang ngiti sa labi niya. “Good job, Dr. Orata. Tuloy pa rin ang paggawaan mo sa plantasyon, hindi ba?” siya rin kasi ang in-charge sa illegal droga na ginagawa mula sa bagong plantasyon sa Viner. Ang transaksyon na ginagawa ni Dr. Orata ay napupunta kay Livia. “Of course, Milady.” “Good, tawagan mo na ang Mafia Reaper para sa susunod niyang gagawin. Hindi man ako makakapunta diyan, may gagawa naman ng trabaho para sa akin. Make sure it will be successful again.” “As you wish, Milady.” -End- Kinabukasan, pina-monitor na ni Brendan si Livia. Kinuha ang cellphone nito at iba pang bagay sa kwarto ni Livia para hindi na ito makautos pa. “Hangga’t hindi gumagaling ang sugat mo ay bawal kang lumabas o tumakas, Livia.” Nakatingin lang sa bintana si Livia, hindi pinapansin si Brendan. Tila naging presinto na ang kwarto niya. “I’ll go now. Babalikan kita mamaya, Livia,” sabi pa ng kapatid niya. Napabuntong-hininga na lang siya dahil hindi pa rin siya pinapansin. “Kumain ka na, ha,” dagdag niya nang mapansin sa table na wala pang bawas ang pagkain nito. Pag-alis ni Brendan at mga tauhan nito ay tuluyan na itong natawa na kanina niya pa pinipigilan. Nakatakip lang ang kamay niya sa bibig para hindi marinig ang pagtawa niya. Masaya siya dahil bago pa man makuha ang cellphone niya ay paniguradong nakarating na sa Mafia Reaper ang plano na sinabi niya kagabi kay Dr. Orata. (Sa mga susunod na salitang mababasa n’yo ay gagamitin ko na lang ay Tagalog/English. Imaginine n’yo na lamang na kinakausap ni Brendan ang limang Mafia boss ayon sa kanilang mga lenggwahe. Salamat sa pag-unawa.) Kasalukuyang nasa meeting si Brendan kasama ang limang Mafia boss na galing sa Pilipinas, Europe, Ireland, at ang dalawang Mafia boss na matalik niyang kaibigan na taga-Italy rin. “Salamat sa pagpunta n’yo,” panimula ni Brendan. “Nandito kami para tulungan ka, Brendan,” ani Mister Cueva. “Tama,” sabi naman ni Mister Garcia at itinaas ang wine glass saka sumimsim dito. Mula siya sa Pilipinas. “Anything for my friend!” nakangiting sabi ni Clevant. Ang pinakabatang Mafia boss sa Italy. “Pinapunta mo pa kami rito. Ibig sabihin, importante talaga ang pag-uusapan natin. What kind of act do you want us to do, huh?” ani Ezeckiel. “Tell us everything, Mister Brendan,” ani Rosalyn. Mula sa Ireland. Ipinaliwanag ni Brendan sa kanilang lahat ang plano niya at madali niyang napa-oo ang mga ito. Malaki na ang naitulong ni Brendan sa organisasyon nila kaya ibabalik din nila ang pabor kay Brendan na normal mangyari sa mundo ng Mafia. Higit sa lahat, malaki ang tiwala nila kay Brendan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD