Gem Mafia “Kumusta ang kalagayan nila?” tanong ni Elizabeth sa Mafiusang nurse. Nakatayo siya sa harap ng glass window habang pinagmamasdan ang nasa labas. Siya ay na sa kanyang opisina samantala ang asawa niya ay nagtungo sa Spain. Muling makikipagkita si Ken kay Mitra. “Ligtas na sila, Mistress.” Nakahinga nang maluwag si Elizabeth. “Mabuti naman kung gano’n. Salamat sa tulong mo, Xenia.” “You’re always welcome, Mistress,” at tumungo ito saka nagpaalam na para bumalik sa ospital. Nang makalabas ang Mafiusa ay bumalik na ito sa pagkakaupo sa swivel chair. Makalipas ang ilang oras ay nakatanggap naman siya ng tawag mula kay Brendan. “Brendan Imperial?” wala sa sariling nasambit pagkatingin niya sa cellphone. “Hmm, something’s up,” aniya at sinagot na ang tawag. Spain Gab

