Philippines Naalimpungatan na lang si Demone sa sinag ng araw na nanggaling mula sa bukas na glass door ng balcony. Nakahawi ang kurtina nito kaya nakakapasok ang liwanag. “What happened?” naitanong niya na lamang sa kanyang sarili at sa pagbaling niya ng tingin sa katabi niya ay nanlaki na lang ang mga mata niya nang makita ang natutulog na babae. “Iza—” hindi niya natapos ang kanyang sasabihin nang mapadako na lang ang paningin niya sa kamay ni Iza na nakalapat sa dibdib niya. Dahan-dahan niya namang hinawakan ang kamay ni Iza upang ilagay ito sa kama at pinagmasdan niya ang itsura nito na mahimbing na natutulog. “Nakasimangot ka pa rin kahit tulog…” bulong niya at hinaplos ang buhok nito. “How I wish I could lessen your sadness.” Makalipas ang ilang oras na pagtingin kay Iza ay bum

